Sam's POV
Tss! first day of school pumapapel na siya kay ma'am. Wow ha! Ayos siya. Totoo namang maganda si Ma'am eh.
Umupo lang siya dito sa tabi ko, hindi ko siya pinansin. Wala trip ko lang, nayayabangan kasi ako sa kanya.
Nagsimula na nga ang getting know each other daw na activity namin..
Okay guys, find ur partner. Sabi ni ma'am, alangang lalayo pa ako di kinausap ko na lang 'tong katabi ko.
Ahm.. Ate, partner na lang tayo ah. Saka ako ngumiti. Nagnod lang naman ang loko. Tanungan lang naman kami.. Pangalan.. Birthday.. Course.. At parehas pa pala kami ng course and same year din pala kami. So, transferee siya. Kung anu-ano pang tanong..
Tapos na ang 10 mins. na palugit samin. At magpapakilala na kami sa harap by partner parin.
May mga nagvolunteer na.
Hi classmates.. this is blahh.. blahh..
blahh.. Hindi ako nakikinig, wala ako sa mood eh.
Pero nung wala ng nagvolunteer..
Shinuffle na ni ma'am yung 1/8 na pinass namin at nagtawag na si Ma'am Fernandez.
Okay, let's have Miss Reyes and her partner.
Kami yun ah, tinatamad namang tumayo tong kasama ko. Pumunta na kami sa harap.
Ako ang unang nagsalita..
Hi guys.. Siya nga pala si Jaysel Rose Reyes. 18 years old.. Transferee Student nga pala siya..
Magsasalita ulit sana ako kaso sumabat si Ma'am..
So Miss Reyes, why did you transfer?
Nakangiting tanong ni Ma'am.
You already know the reason Ma'am.
Nakipagtitigan si Jaysel kay ma'am saka siya ngumiti.
Nagtaas ng kilay si Ma'am pagtapos nun nakangiting tumingin siya sakin.
Please continue.. Sabi niya.
Magsasalita na sana ulit ako pero biglang nagsalita si Jaysel.
Hey guys! Maybe let's just stop there.
Meet Ms. Samantha Rivera 17 y/o.. And She's taking up, I mean we're taking up Bachelor of Arts major in Political Science.. So I guess, we're done.. Thank you for listening..Ngumiti na siya, saka tumingin sakin. Syempre ngumiti na rin ako sa kanila. So ganun lang yun, samantalang yung iba may mga favorite pang nalalaman.
Sabagay hindi naman namin pinag-usapan ang favorites namin dahil masyadong maarte 'tong partner ko. Nagtaka naman iyong mga kaklase namin pero si Ma'am ngumiti lang hindi man lang nagreact.. Ow.. I smell something fishy between Ma'am and Jaysel.
Jaysel's POV
Tss! Ang dami talagang arte nitong si Pauline may nalalaman pang Favorites. Ayoko nga nyan, masyado na akong naeexpose ha. Chos! Tsaka alam kong kilala na nila ako. Tss! Ewan ko ba sa isang to, hindi niya ako kilala. Hindi siya updated.
Grabe..
Naglalakad ako papuntang canteen makakasalubong ko ang aking Instructor na si Pauline, dire-diretso lang ako sa paglalakad hindi ko siya papansinin. Pagtritripan ko lang. Bwahahaha! Bad girl to dude.
Nakangiting nag Hi siya sakin, pero ako parang walang narinig o nakita. Hindi ko talaga siya pinansin. Makikita mo sa mukha niyang naiinis na naaasar siya. Hahaha!
Dahil sa inis niya pumunta na siya sa pinakamalapit na vacant table para makakain. Bumili na rin ako ng pagkain ko at pumunta sa table niya, magkaharap kami ngayon.
Nginitian ko siya samantang 'tong babaeng to matalim lang ang tingin sakin. Natatawang kinagat ko iyong cookies ko.
Ang cute mo talaga pag nabwibwiset ka Pau lalo ka tuloy nagmumukhang dragon sa paningin ko. Hahahaha!
Mas lalo siyang nainis sakin iyong tingin niya papatay na, buti na lang nandito kami kung saan maraming tao dahil hindi niya magawang suntukin, kurutin at hampasin ako.
Pero nagulat ako dahil bigla niyang inapakan ang paa ko at talagang diniin niya ang pag apak napasigaw ako samantalang siya nginitian lang ako na punong puno ng pang-aasar.
Nagsitinginan samin halos lahat ng tao dito sa canteen. Pagkatapos nun, iniwan niya akong mag-isa dito sa table namin. Shet! Para tuloy kaming magsyotang may LQ. Asar!
---
Salamat sa Pagbabasa! :)
Magcomment & Vote sana kayo.
Maraming salamat po ulit! :)
-Ayselven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.