Chapter 15

4K 62 2
                                    

Jaysel's POV

Excited akong pumasok dahil makikita ko nanaman si Sam. Tinext ko siya kanina, sabi ko susunduin ko siya pero nasa school na raw siya.

Binilisan ko ang pagpapatakbo nitong sasakyan ko para makarating agad ako sa school. Bigla namang tumunog ang phone ko may tumatawag. Hindi ko sinagot dahil nagmamadali talaga ako.

Gusto ko na siyang makita, namiss ko siya noh. Ilang araw din kaming hindi nagkita eh.

Nasa may hallway na ako nang makasalubong ko si Pau. Wala nanaman siya sa sarili niya, kung hindi ko pa siya pinansin. Malamang nilampasan niya lang ako.

Hi Ma'am! Ang lalim naman ng iniisip mo, dmo tuloy napansin ang magandang nilalang na nasa harap mo.

Biro ko dito, hindi naman ako nabigo ngumiti ito sakin saka niya kinurot ang braso ko.

Ang yabang mo talaga! Mag-usap tayo mamaya Jay. Sabay na tayong umuwi. Sabi niya, saka nagpaalam sakin. Hindi man lang niya inantay ang sagot ko. Tsk! Babaeng yon talaga.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom. Todo ngiti pa naman ako dahil gusto ko mapansin agad ako ni Sam.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko at napakunot noo ako dahil sa nakita ko. Bakit may hawak si Sam na bouquet of red roses. Hindi lang kami nagkita ng ilang araw may pangit nang pumuporma sa kanya. Tsk!

Paglapit ko sa kanya, todo ang ngiti nito sakin. Okay sana eh, pero may bulaklak siyang dala baka dahil dun kaya siya nakangiti ng todo..

Si Vic naman cool lang. Umupo na ako sa tabi ni Sam.

Kanino galing yang bulaklak na hawak mo?

mataray na pagtatanong ko sa kanya. Hindi siya nagpatalo sa katarayan ko at tinarayan niya rin ako.

Inagaw ko sa kanya yung bulaklak saka binigay kay Vic. Nagulat sila sa ginawa ko, bakit ba? hindi naman kagandahan yon eh. Ni hindi pa nga niya nasasagot yong tanong ko. Baka kay Blake pangit galing halata naman kasing may gusto sa kanya yon eh.

Vic sayo na yan. Wag mo nang ibabalik kay Sam.

Natawa lang naman si Vic sa ginawa ko, sasagot sana si Sam pinigilan ko siya. Wag ka nang umangal dyan, tumahimik ka na lang.

Ang sama mo talaga Jaysel. Monster! Pabulong na sabi niya pero narinig ko naman. Agad akong nag-order ng pinakamahal at pinakamagandang bulaklak at ipapadeliver ko dito.

Binalaan ko naman siya, subukan mong kunin yung pangit na bulaklak kay Vic. Lagot ka sakin!

saka ako tumalikod sa kanya. Kung kanina ramdam ko ang pagkainis niya ngayon nag-iba na dahil sa sinabi niya.

Jay para kang baliw! I miss you. sabi niya

baliw na ata ako, nababaliw na sa kanya. Ayiee! napapangiti tuloy ako pero what? miss niya ako. God! mamamatay na ako sa kilig. hihi

Hindi ko siya natiis kaya humarap ulit ako sa kanya. Ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kanya, hinampas niya ako sa may braso.

I know. sa ganda ko ba namang 'to sinong hindi makakamiss sakin, diba? Ang cute mo!

Sabi ko sa kanya, saka ko pinisil ang kanang pisngi niya. Wala naman siyang ibang sinabi kundi mayabang raw ako. Haha! Alam ko naman yon.

Ang ganda na ng moment namin ni Sam kaso biglang sinira ni Vic.

Hoy! mamaya na kayo maglandian diyan nakatingin na si Ma'am sa inyo. Kayo na lang hinihintay niya, bago niya simulan ang klase. Tsk!

Sabi nito, awtomatiko namang umayos kami ni Sam. Nakatitig kasi samin si Ma'am, nagsorry naman ako sa kanya.

Natapos ang klase namin, nauna na akong lumabas sa room hindi ko na sila hinintay dahil baka dumating na pinadeliver ko. Sinabi ko na rin sa magdedeliver kung sino at anong room ni Sam ngayon.

Tumambay lang naman ako sa canteen dahil wala na talaga akong mapuntahan. Wala pa naman akong ibang kaibigan bukod kina Sam at Vic.

Pumwesto lang naman ako malapit sa may binatana upang makalanghap ng sariwang hangin. Tubig lang naman ang binili ko, hindi ko kasi gusto ang mga pagkaing nakikita ko.

Ilang minuto pa ay nagtext na si Sam, malamang natanggap na niya yung bulaklak na pinadeliver ko.

Text message from: Samantha

Anong problema mo? bat moko binigyan ng bulaklak?

Wtf? Bat ganun, hindi ba niya nagustuhan yong bulaklak? Hindi ko na siya nereplyan, nagmamadali akong pumunta sa room nila upang makita siya at yong bulaklak na binigay ko sa kanya.

Pagkarating ko agad akong kumatok sa pinto para i-excuse siya. Bumukas naman ito agad, pinapasok ako ng Instructor nila. Tinanong kong anong kailangan ko.

Ma'am pasensya na po sa pag-istorbo. Pwede ko po bang i-excuse si Ms. Rivera pinapatawag po kasi siya ni Pau I mean ni Ma'am Fernandez. Importante raw po.

Nag-okay lang naman siya, saka niya tinawag si Sam saka niya sinabi yong sinabi ko. Iiwan sana ni Sam yong mga gamit niya ngunit pinadala na niya ang mga ito.

Ang galing ko talagang magpalusot. wahahaha!

Nauna na akong lumabas ng room nila samantalang siya nasa likod ko nakasunod. Habang naglalakad kami sa may hallway, kinausap ko na siya.

Bakit ganun yong text mo? Hindi mo ba nagustuhan yang bulaklak na bigay ko sayo?

tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya.

Agad naman itong sumagot ng hindi. Okay na lang sagot ko saka naglakad palayo sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa, yong tawang malambing na medyo nang-asar ng konti.

Hindi ko na iyon pinansin pa, dere-deretso lang ako sa paglalakad. Ayaw niya yung bigay ko dahil mas gusto niya yung galing sa pangit niyang admirer. K!

Natigil ang pag-iisip at ang paglalakad ko nang maramdaman ko ang kamay niyang kumapit sa braso ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nakiliti rin ako sa ginawa niyang iyon at halos malaglag ang panty este puso ko nung maramdaman ko ang init ng hininga niya sa tenga ko. Binulungan niya ako.

Ang ganda ng bulaklak Jaysel. Thank you! Sobrang nagustuhan ko siya.

Pero bakit bigla mo akong binigyan nito? Nakita mo lang na may hawak akong bulaklak kanina eh. Hahaha! Ang weird mo Jaysel. Tara na baka hinahanap na tayo ni Ma'am Fernandez. sabi niya

Eh.. ka..kasi naman sinong nagbigay nun sayo? uupakan ko, wag kang magpapaligaw sa iba ah. Ayoko, madamot ako. Weird? yeah! ang weird ko lately ikaw kasi. tara na nga! kain na lang tayo tsaka joke ko lang yung kanina hindi ka hinahanap ni Ma'am Pau. Gusto lang talaga kitang makausap. sabi ko nasa parking lot na kami.

Bigla naman itong tumawa ng malakas. Ano nanamang nakakatawa sa tinanong at sa sinabi ko. Kunot noo akong napatingin sa kanya pati ibang estudyante napatingin sa lakas ng tawa niya.

Pfffft! Nakakatawa ka Jaysel! Hahahahahahaha! Hindi naman kasi sakin yung bulaklak eh kay Vic naman talaga yun, bigay ng manliligaw niya. Sasabihin ko sana sayo kanina kaso lagi mo akong pinipigilang magsalita. Hahahahaha! Huli ka monster! type mo ko ano? tapos ayaw mo pa akong magpaligaw. Agooy! umamin ka!!

Ang tanga ko talaga, fuck! Kahiya, ang OA ko kasi magreact minsan. Anong napala ko. Shems! Pulang-pula ako mukha ko ngayon dahil sa mga sinabi ni Sam. Yeah! aaminin ko gusto ko na siya, gustong-gusto.

------

Love is..

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon