Jaysel's POV
Naihatid ko na si Sam sa apartment nila at papunta ako ngayon sa bahay para bisitahin si Ate. Namimiss ko na kasi siya, bumili na rin ako ng Ice cream at Pizza merienda namin.
Pagdating ko agad akong sinalubong ng kasambahay namin. Tinanong ko kung nasaan si Ate, nasa kwarto pa raw at natutulog kasama si Pau. Agad naman akong pumunta sa kwarto ni Ate, kinatok ko ang pinto niya.
Nakailang katok na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Nakakainis naman yong dalawang pangit na nasa loob ng kwarto kanina pa nila ako pinaghihintay. Sisipain ko na sana yong pinto kaso bumukas ito at sumilip si Ate.
Tinulak ko agad yong pinto at pumasok sa loob, humiga rin ako sa kama kung saan natutulog pa rin si Pau. Tinignan lang naman ako ni Ate.
Buti naman Jay naalala mo pa akong puntahan dito.
Nakangiting sabi niya saka nagtungo sa banyo. Nagising na rin si Pau at nagulat nung makita ako. Binati ko lang naman ito at ngumiti lang siya sakin.
Lumabas na si Ate sa banyo sumunod namang pumasok si Pau sa banyo. Bumangon na rin ako at umupo sa sofa.
Namiss kasi kita, nga pala ate may dala akong Ice Cream at Pizza nasa kusina na. Labas na ako, antayin ko na lang kayo ni Pau sa garden ah. Bilisan niyo at magbobonding tayo.
Ngumiti ang ate ko saka tumango, lumabas na rin ako sa kwarto niya at nagtungong Garden.
Hindi naman maalis sa isip ko si Sam, nagflashback yung nangyare kagabi. Magkatabi kaming natulog tapos pinagluto pa niya ako kaninang umaga. Hindi tuloy maalis ang ngiti sa labi ko. :)
Parang baliw nakangiti mag-isa. Hoy Jay! Ayos ka lang?
Panira ng moment si Pau, kahit kailan. Tumango lang ako sa kanya habang nakangiti samantalang siya ang lakas ng tawa.
Nagkwentuhan at nag-asaran lang naman kami habang nilalantakan ang pizza at ice cream.
Bigla namang nag-open si Pau ng topic about sa love life namin.
Well, hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko para kay Sam pero nagugustuhan ko siya. Hihi
Tinanong ni Pau si Ate, na hanggang ngayon eh NBSB pa rin. Sabi niya sakin dati, nahanap na raw niya si right person pero hindi pa daw nila panahon pero maghihintay daw siya. Yeah! Ang martyr ng Ate ko, ganun niya kamahal yong taong yun.
Hoy Jane! Ang layo na ng narating ng utak mo. Nandito kaya kami nag-aantay ng sagot tungkol dyan sa buhay pag-ibig mo? Kwento ka nang kwento tungkol sa kanya pero ni minsan hindi mo man lang sinabi sakin kung sino siya, kung anong pangalan niya.
Dere-deretsong sabi ni Pau, na parang naiinis na. Ngumiti lang naman si Ate sa kanya. Saka sabing..
Makikilala mo rin siya sweety. Promise! Malapit na. That person is really worth waiting for.
Biglang umiwas ng tingin si Pau kay Ate saka tumango at kumain ng pizza. Naiinip na siguro siya dahil laging sinasabi na makikilala na niya or what. Ewan ko sa kanila. diko sila magets. hahaha!
Eh ikaw Pau? kumusta na yang puso mo?
Pambibiro ko sa kanya, inirapan lang naman niya ako.
Maayos na ulit. Ewan. Naguguluhan ako. Seryosong sabi nito. Saka niya iniba ang usapan napunta sa outing chu-chu na yan. Gusto raw niyang mag-outing kami.
Bakit ang daya nila? Pinag-usapan na namin love life nila pero ako hindi man lang nila tanungin. What the?! Ngayong natutuwa ako sa nararamdaman ko at excited pa man din sana akong magkwento. Asar!
Mag a outing daw kami pag uwi ni Kuya, kasama niya girlfriend niya, si Ate at Pau syempre Jay and Sam. Hahahaha!
Nagpaalam na akong uuwi sa kanila bigla namang hinawakan ni Pau ang kamay ko at sasabay na raw siya sakin. Nakatingin lang naman si Ate samin saka tumango.
Kumalas ako sa pagkakahawak ni Pau saka ko niyakap at hinalikan si Ate sa pisngi. Samantalang si Pau wala man lang atang balak umakap sa Ate ko. Naghihintayan silang dalawa pero hindi nakatiis si Ate kaya siya na ang kusang lumapit kay Pau at niyakap ng mahigpit sa niya hinalikan sa noo at magkabilang pisngi.
Feeling nanaman nila matagal ulit silang hindi magkikita. Eh halos araw-araw nga silang magkasama eh.
Habang nasa biyahe kami hindi umiimik si Pau hindi naman siya ganito eh madaldal at maingay ang pagkakakilala ko sa kanya eh. May problema to. Tss! Ang lalim ng iniisip niya eh.
Pau kong may problema ka, wag kang mahiyang magsabi sakin. Nandito lang ako laging makikinig sayo. Alam ko yan.
Tumingin ito sakin saka ngumiti.
Salamat Jay, medyo sumakit ang ulo ko habang nagkwekwentuhan tayo kanina. Ewan.Napagod siguro siya, inihatid ko na lang siya sa bahay nila. Umuwi na rin ako sa condo.
Nagtext lang naman si Ate sakin tinatanong kong naihatid ko na si Pau. Sinabi ko rin sa kanya na sumakit ang ulo ni Pau. Hindi naman na siya, nagreply.
Kanina ko pa hinihintay ang reply ni Sam pero hanggang ngayon wala pa rin. Tinawagan ko na rin siya kaso hindi niya sinasagot. Busy ata siya, namimiss ko na siya.
Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na ginagamit kagabi ni Sam. Ang bango, naiwan ang amoy niya dito. Ang sarap amoyin, hindi nakakasawa at sobrang nakakaadik.
Hindi ko na namalayang nakatulog ako.
-----
K,Medyo madalang na tayong mag-usap nitong mga nakaraang araw. Pasensya ka na ah. Lagi kasi akong tulog. Hahahaha! jk. wala akong panload. :)
Mag-iingat ka parati! :)
*************************
Sana po suportahan niyo pa rin itong story ko kahit medyo matagal akong mag update. hehe! Maraming salamat sa pagbabasa! :)
Ingat
~aseven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.