Kakatapos lang namin magdinner ni Ate. At masasabi kong miss na miss na nga niya ako. Kaya pala niya ako pinapunta dito sa bahay iyon ay dahil sesermonan lang niya pala ako ng bonggang bongga. Mas nagmumukhang nanay pa siya kaysa sa Ina namin. hehe
Tigilan ko na raw ang mga bisyo ko dahil hindi daw iyon mabuti sa katawan ko. Sus! Alam ko naman iyon eh. Hahaha! Isipin ko raw ang future ko, pati ang pag gigirlfriend ko hindi nakaligtas. Mukhang atat na atat siyang magkaroon ako ng girlfriend puro na lang daw ako fling, malandi daw ako. Paker! Ang sarap ng hapunan ko. Hahaha! Magseryoso na raw ako sa buhay lalo na sa pag-ibig. K!
Nagpaalam na ako sa kanya, baka kasi patay na yung mga naghihintay sakin eh. Hahaha! Tsaka miss ko na kaya sina lex.
Pagdating ko sa boarding house ni Lex. Hindi pa man ako nakakaupo, hinila na nila ako palabas.
Gusto nilang sa condo ko na lang kami mag-inuman mas masaya daw yun. Hindi ako makatanggi dahil mas nauna pa silang sumakay sa kotse ko. Hindi na ako magtataka kung bakit dalawa lang silang kasama ko ngayon. Malamang yung tatlo busy sa pag-aaral samantalang yung tatlo naman busy sa love life.
Nagkwentuhan at biruan lang naman kami habang nasa biyahe.
Pagdating namin sa condo ko, deretso agad ako sa kwarto para magpalit samantalang sina trish at lex inaayos na yung iinumin namin.
Hindi namin naubos yung isang litrong alak. Umayaw na silang dalawa tsaka kailan daw nilang umuwi dahil maaga pa ang klase nila bukas.
Inayos ko na yung pinag-inuman namin. Nagshower na rin ako.
Matutulog na ako, pero pagpikit ko ng mga mata ko si Sam ang nakikita at naiisip ko. Shit! Bakit biglang siya?! Naiimagine ko siyang natutulog kanina sa School ang cute niya.
Sam's POV
Naglalakad na ako papuntang school ng may humintong sasakyan sa tapat ko pagtingin ko si Jaysel pala.
Hi, good morning! Sabay ka na sakin para dika mapagod maglakad medyo malayo pa ang lalakarin mo papuntang school eh. Nakakahiya man sumakay na ako sa kotse niya, mabait naman pala 'tong si Jaysel eh.
Hindi naman naging awkward ang atmosphere dahil nagkwentuhan kami, hindi pala more on ako yung nagkwekwento. Hindi siya pala kwento na tao. Nahihiya pa siguro siya sakin. Charot! Hahaha!
Pinatay na niya yung sasakyan niya, tumingin ako sa kanya at paulit-ulit akong nagpasalamat sa pagsabay niya sakin. Sa unang pagkakataon narinig ko siyang tumawa at ngumiti. Ang cute niya. Napangiti na lang din ako.
Sabay na kaming pumunta sa room dahil magkaklase ulit kami. Tinginan naman yung ibang estudyante samin. Ngayon lang siguro nilang nakitang may kasabay tong si Jaysel. Wala ba siyang kaibigan, kasi kapag nakikita ko siya wala siyang kasama. Lagi lang may nakasuot na earphone sa tenga niya.
Jay bakit lagi kang mag-isa? I mean wala ka bang kaibigan dito sa school?
Tanong ko. Okay napakachismosa ko na ata. Tumingin lang naman siya sakin, ni hindi man lang sumagot.
Hindi na ulit ako nagtanong pa dahil baka hindi nanaman niya ko sagutin. Mapapahiya lang ako.
Wala pang tao dito sa room kundi kaming dalawa pa lang ni Jaysel. Naupo na lang ako sa upuan ko at naglaro sa phone ko habang hinihintay yung mga kaklase namin. Si Jay naman nakikinig lang ng music at nakatunganga.
Mga ilang minuto pa kami nag-antay bago sila dumating. Tinabihan na ako ni Victoria, mukhang may ichichika nanaman siya. Dahil excited siyang umupo sa tabi ko. Alam kong lalake nanaman ang pag-uusapan namin.
Uy Bes! Kinausap ako kanina ni Franz.. Shems! Ang gwapo niya talaga at ang sexy ng boses niya. argh.. Parang batang binigyan ng isang plastic ng chocolate ang itsura niya habang nagkwekwento.
Sus bes! Laglag nanaman panty mo. Hahaha! biro ko sa kanya. Magkaibang magkaiba kami ng taste nitong si Vic pagdating sa mga lalake. Gusto niya yung hot & dirty looking ahm.. bad boy kumbaga. Samantalang ako clean looking, simple, sweet, responsible at gwapo. Hahaha!
Nagdidiscuss si Ma'am samantalang itong katabi ko ang sarap ng tulog niya. Jaysel talaga antukin. Hahaha
Natapos na lahat ng klase ko, nagpaalam na ako kay Victoria na mauna na akong uuwi dahil marami pa akong gagawin, maglalaba at mag grogrocery pa ako.
Naglalakad ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Ang lakas talaga ng trip nitong taong to. Ihahatid na raw niya ako sa amin.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romansa"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.