Sam's POV
Ang bilis lumipas ng araw parang kelan lang ang sarap ng tulog at kain ko dahil bakasyon. de joke lang boring talaga.. nga-nga lang ako buong bakasyon. Hindi naman kasi ako makalabas ng bahay dahil wala akong pera tsaka inaalagaan ko iyong pamangkin ko.
Pasukan nanaman..
Buti na lang at maganda ang nakuha kong schedule mamaya pang 9:30 ang pasok ko. Yey! Dahil maaga pa naman, nilinisan ko na tong apartment. Maaga kasing umalis si Ate Gina (pinsan ko) 7:30 kasi ang pasok niya. Pagkatapos kong maglinis, naligo na ako. Pandesal at gatas lang ang almusal ko. Okay na yun. Solved na ko.
Pagpasok ko ng room, tinginan silang lahat sakin. Problema nila? may dumi ba ako sa mukha? Yumuko na lang ako dahil nahihiya ako. Tahimik kaming lahat dahil International ang section na ito. 3rd year na pala ako, pol sci student. hihihi
Mamaya pa'y dumating na ang Instructor namin, wow! ang ganda niya at parang estudyante lang siya kung titignan mo. Sinabi lang naman niya kung anong gagawin namin ngayon. At iyon nga by partner at ipapakilala niyo ang isa't isa. basta madami pang kaartehan.
Tumigil kaming lahat maski na si Ma'am dahil bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang magandang babae. Makikita mo sa mukha niyang badtrip siya.
Jaysel's POV
Tsk! Late akong pumasok sa unang klase ko. Late na kasi akong nagising tapos traffic pa sa daan. Asar.
Pagpasok ko pa lang ng room, sa akin na nakatuon ang atensyon nila. Pati si Ma'am.. O_O ... Nastuck ako dito sa kinatatayuan ko.
Yes? Ms. Reyes para kang nakakita ng multo. Seryosong sabi ni Pauline este ni Ma'am sakin.
Ahh.. Nakakagulat lang po dahil napakaganda ng Instructor namin. ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis sa kanya. And sorry ma'am I'm late. Paawa effect ko naman sa kanya.
Hindi na siya sumagot. Arte niya parang hindi kami magkakilala ha. Pumunta na ko sa likod dahil dun na lang may bakanteng upuan.
Ang ganda naman nitong katabi ko pero mukhang mataray. Di man lang ngumiti.. Sayang naman ang ganda niya. Hahaha! Hindi ko na lang siya pinansin. Sorry, bad girl to ehh.
Si Pauline siya ang Instructor namin, taray naman.. nagtuturo na pala siya. Bestfriend siya ng Ate ko, ahead sila ng dalawang taon sakin.
Inulit ulit ni Pauline este ni Ma'am iyong sinasabi niya. Ang bait talaga ni Ate. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.