Chapter 32

2.5K 43 1
                                    

Jaysel's POV

Hello Baguio City!

Sigaw ng pinakamamahal kong si Samantha!

Malamig na klima ang sumalubong sa amin. Haay!

Naaalala ko pa noong bata ako, palagi kami nila mama dito every summer ata nandito kami para lumanghap ng sariwang hangin.

"Love ang ingay mo. Pinagtitinginan ka na ng mga tao." sita ko kay Sam

Nag taray lang naman siya.

"I don't care. Hindi naman nila ako kilala." mataray na pagkakasabi niya

Hinila na niya ako patungo sa may burnham park.

"Payatot tara boating tayo tapos magbike rin tayo at saka mamaya sakay tayong kabayo sa wright park ah." sabi niya

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad patungo sa may boating area ng burnham park.

Pinagtitinginan kami ng mga tao, parang first time nilang makakita ng dalawang magandang babae na magkaholding hands.

"Tapos mamayang hapon maglakad lakad tayo sa session road at saka mamayang gabi, balita ko may night market sila dito love. Marami daw pagkain at kung anu ano doon." sabi ko

"Ay Payatot gusto ko dun sa swan boat, dun tayo." excited na pagkakasabi niya

Dinedma niya yung sinasabi ko porket nakita na niya yung gusto niyang sakyang balsa. Thank you love sa pag deadma mo sa akin.

"Ma'am boating po, 200 pesos lang po dito sa swan." sabi ni kuya

"Unlimited na ba yun Kuya?" tanong ni Sam

"Hindi po ma'am, sa gabi lang po yung promo naming yun." sagot ni kuya

At yun nga, sumakay na kami ni Samantha sa swan boat.

"Love selfie tayo." aya ni sam

Inakbayan ko naman siya agad saka nagpose.

"Love ang goal nating dalawa makarating sa dulo ah." sabi ni sam

Sabay turo dun sa kabilang side ng burnham lake.

Medyo nakakalahati na namin 'tong lake saka siya nagreklamo.

"Love pagod na ako. Ikaw na lang magpadyak." reklamo ni Sam

Nasa gitna na nga kami nitong burnham lake saka pa siya napagod.

"Love hindi ko kayang mag-isa. Hindi tayo makakarating sa dulo kung ako lang mag-isa ang papadyak. Mapapagod rin ako. Magtulungan tayong dalawa, kailangang tayong dalawa para makarating tayo sa dulo. Diba iyon yung goal natin? Dapat walang susuko sa atin. Kaya naman nating makarating dun eh basta magtulungan tayo. Kung napapagod ka na, pwede namang magpahinga eh." sabi ko

Ganyan din sa relasyon. Kailangang dalawa kayong lumalaban. Team work lang, kapit lang walang susuko. Ganern.

"Wow love ha. Hugot! Huwag kang mag-alala Jaysel hindi kita susukuan." ngingiti ngiting sabi ni Sam

Saka niya hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Nakailang padyak pa kami dito sa swan boat saka siya nagsawa at nag aya sa biking area ng park.

Pinili niya yung side car na bike. Ako ang nagpadyak at siya sitting pretty lang na naka-angkas. Puro siya selfie.

She's really addicted in capturing memories.

Ang sarap niyang panuorin kapag nagpapacute na siya sa camera and even yung gestures niya.

"Love tingin ka naman dito sa camera. Kaway ka dali." pangungumbinsi sa akin ni Sam

"She's the love of my life, my one and only love, my most and greatest true love. Ang payat niya no? Pero love ko siya. Payatot, tumingin ka nga muna dito saglit." sabi niya

Tumingin ako pero saglit lang baka mabangga kami eh. Mahirap na.

Pagkatapos naming mag bike sa burnham park. Nagtaxi kami patungo sa Mines View.

Sumunod sa The Mansion tapos sa tabi niya ay ang wright park.

Sumakay si Samantha sa kabayo. Pinipilit niya akong sumakay sa kabayo, eh ayaw ko nga. Natatakot ako eh.

Habang nililibot nila ang wright park ni Kuya. Busy-ng busy naman ako sa pagbibilang kung ilang steps itong stairs ng wright park.

Ilang minuto pa ang nakalipas saka ko nakita yung kabayong sinasakyan ni Sam palapit sa puwesto ko.

"Hoy payatot! tumayo ka na dyan. Nagugutom na ako, kain na tayo." Aya sa akin ni Sam

Nag punta kami sa Camp Johnhay kung saan kami nagcheck in sa isang hotel. Dahil marami namang restaurants dito, dito na rin kami kumain.

Bukas babalik na ulit kami sa siyudad. Pero siyempre mag stop over kaming La Union para sa magagandang beaches ng lugar specifically sa San Juan. Surfing Capital of the North.

"Love balik muna tayo sa hotel, magpahinga muna tayo. Kailangan mo ring matulog, kulang na kulang kaya tulog mo." concern na sabi ni Sam

"Sige love. Let's go." aya ko sa kanya

Naka-akbay ako sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng hotel room.

"Love pakiss nga." biro ko sa kanya

"Later love." sabi niya saka niya pinang gigilan ang magkabilang pisngi ko.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na kami sa kwarto namin.

Naunang nagpunta si Sam sa comfort room para maglinis ng katawan. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na siya.

Nakatitig lang ako sa kanya malaporcelana talaga ang kutis niya. Wow heaven! Charot. Ang manyak ko.

"Hoy manyak!! maglinis ka na rin ng katawan mo. At saka punasan mo na rin yang laway mo. Ew. tulo laway." natatawang sabi ni sam

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

Ang yabang talaga niya. Hindi naman ako naglaway ah. Tss! Humanda ka sa gagawin ko. Tingnan ko lang kung sino ang maglalaway ngayon.

Tumayo ako sa harap niya.

Una, tinanggal ko yung damit ko.
Hindi pa naman siya nagrereact. Nakatingin lang siya sa may boobs ko.

Pangalawa, nagtanggal ako ng short ko.
Hindi pa rin siya nagrereact.

Puwes! Humanda ka na sa gagawin ko love.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.

Unti-unting kong inaabot yung hook ng bra ko sa likod.

And yes! Nagreact na siya.

"Hoy Jaysel! Ano ba? Sa banyo ka na lang maghubad niyan. Sige na." natatarantang sabi niya

Hindi siya makatingin sa akin.

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Tinanggal ko pa rin yung bra ko sa harap niya.

Napangiti ako sa naging reaction niya.

Tulo laway pala ah. Sino na ngayon ang tulo laway? Hahahaha

Dumiretso na ako sa banyo para maglinis ng katawan.

Paglabas ko ng banyo. Nakahiga na siya sa kama.

Nagbihis naman ako saglit, naglagay ng powder. At saka ako tumabi sa kanya.

"I love you Sam." bulong ko sa tenga niya

Hinalikan ko yung leeg niya hanggang sa mapadpad na ako sa labi niya. We kissed slowly, I can taste her sweet lips. My tongue tried to explore her mouth, she warmly welcome me. We played, tongue to tongue.

As my fingertips touches every part of her, tracing every little dirty sweet secrets of her body.

We paused for a moment.

She's craving for more, lust and love. I can see it in her eyes.

"Love please be gentle." Sabi ni Sam

"Yes love, I will. I love you so much." sabi ko saka ko siya hinalikan sa may noo

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon