Trish POV
Last day ng exam namin at sembreak na rin namin. Yes baby!!!!!! woooh!!! Party party na later. wahaha
Nandito na kami sa Room at ganun pa rin ang pwesto namin kahapon. Kinalabit ako ni Jaysel dahil nasa likod ko siya. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Mangongopya siya sakin kasi hindi siguro siya nagreview. Minsan talaga tamad tong bad girl na to.
Hindi naman mahirap ang exam namin ngayon dahil minor subject lang tsaka nakapagreview din naman kasi ako. Kaya nasabi kng madali, tatlo lang ang exam namin ngayon kaya mayang lunch party party na. Hahaha!
Itong si Jaysel naman panay ang sipa sa upuan ko. Hindi man lang makapaghintay. Jusko.
Pero nagulat ako ng siya ang pinakaunang natapos sa aming lahat. Wala na siguro siyang masagot. Kawawa naman si bebe bad girl. Awww
Yey! Lunch time na! Last day na magkakasama kaming siyam. Dahil last day nga naming magkakasama, maglulunch kami sa bahay nila Yeng.
Nagyaya siya eh, wala daw kasing tao ngayon sa bahay nila dahil pumunta ang magulang niya sa Nueva Ecija baka sa linggo pa ang balik nila.
Ayos men! So isasama namin siya sa inuman mamaya. Wahaha!
Buti na lang at maraming pagkain dito kina Yeng at talagang nagpaluto pa siya sa mamaya niya ha. Plinano niya to. Mabait naman sina tito at tita. Iyon nga lang istrikto sila pagdating dito kay Yeng bunsong anak kasi. Yung ate at kuya niya kasi nasa ibang bansa na nagtratrabaho.
Tumagal naman kami ng ilang oras dito kina Yeng. Sina Dan at Nikki nauna ng umuwi. Tss! anghel talaga ang mga iyon.
Dahil walang kasama si Yeng dito sa bahay nila. Sinama na namin sa condo ni Jaysel.
Uuwi na rin kami bukas sa probinsya namin. Iisa lang ang probinsyang pinang galingan naming anim kasama si Jaysel dun at taga Tarlac po kami. Pero dito siya sa siyudad lumaki. Magkakaiba nga lang kami ng bayan. hahaha! Si Yeng taga Nueva Ecija yan, si Dan taga Pampanga pero dito sila lumaki. Si Nikki taga dito talaga iyan. hahaha!
Okay.. nandito na kami sa condo ni Jay.. woooh!! Party party na!!! Maglalasing talaga kami ngayon.
---
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.