Sam's POV
Nasa iisang school lang kami pero madalang kaming magkita ni Blake. Kababata/Bestfriend ko, ang sabi niya ihahatid niya lang ako pauwi pero hindi. Sinamahan niya akong mag grocery, magwindow shopping at nagdinner na rin kami sa isang kilalang restaurant siyempre libre niya ano. Hahaha!
Nagtatampo siya dahil hindi raw ako nagrereply sa mga text niya, eh sa wala akong load. Sana tinawagan na lang niya ako.
Maraming nangyareng hindi ko inaasahan ngayong araw na ito. Una, si Jaysel natutuwa ako dahil kahit ganun siya mabait din pala. Madalang siyang tumawa at ngumiti kaya naman nung nakita ko siyang tumawa at ngumiti ang gaan ng pakiramdam ko kahit saglit lang iyon. At siyempre ang pang huli, nagkita kami ulit ni Blake, hindi tuloy ako nakapaglaba pero ayos lang nabusog naman ako dahil sa libre niya. Hahaha!
Humiga na ako sa kama at dun ko palang naramdaman ang pagod. Nagtext naman si Ate Gina na gagabihin siya ng uwi. Sa pagod na nararamdaman ko ay mabilis akong nakatulog.
Jaysel's POV
Ang ganda talaga ng city pag gabi ang ganda ng view. Nagtataasang building at mga sasakyan, puro ilaw lang naman ang nakikita ko. At ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko, nakakagaan ng pakiramdam.
Habang umiinom ako ng beer at humihithit ng yosi, isang lang ang nararamdaman ko nakakarelax ang ganito.
Hindi mawala sa isip ko si Sam, gusto ko siyang lapitan kanina habang kausap niya si Victoria kaso naunahan ako ng hiya. Nakatingin lang ako sa kanya habang paalis siya ng school.
Nangingiti tuloy ako habang inaalala yung mga nangyare kanina, natutuwa ako sa kanya.
Bigla namang tumunog ang phone ko, nagtext si Trish nagyayayang uminom. Tss! Pagtingin ko sa oras 9:30 pm na, maaga pa naman kaso tinatamad na akong lumabas.
Tumunog ulit ang phone ko, hindi talaga niya ako titigilan pero pagtingin ko hindi si Trish ang nagtext kundi si Pau pala.
Jay nandito ako sa labas ng unit mo. Please open the door.
Text niya sakin. Anong meron at napadpad ang babaeng to dito sa condo ko ng ganitong oras.
Dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan niya at binuksan ang pinto baka kasi kung ano na ang nangyare sa kanya.
Pagbukas ko ng pinto, agad niya akong niyakap~ umiiyak siya. Pumasok na kami sa loob ng unit ko at dumiretso kami sa terrace.
Tulala siya tapos tuloy sa pagluha ang mga mata niya. Hinahaplos ko lang ang likod niya, hinihintay ko siyang magkwento. Pero alam kong si Kuya Troy ang dahilan kung bakit siya umiiyak ng ganito.
May iba pa siya Jay hindi lang pala ako. Matagal na pala niya akong niloloko. Nakita ko sila ng babae niyang naglalandi sa Mall kanina. Hindi pa pala ako sapat Jay.. Ang sakit dahil sobra ko siyang minahal tapos lolokohin lang niya ako. Damn it!
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya hinagod ko lang ang likod niya. Niyakap niya ulit ako umiiyak nanaman siya ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Naaawa ako sa kanya.
Haay..Inubos niya ang beer sa ref ko. Hinayaan ko na lang siya kawawa naman eh. Broken hearted si Ate.
Buong gabi akong nag-alaga ng lasing. Tinext ko na rin si Ate para malaman niya, sabi lang niya alagaan ko raw muna si Pau.
Mag-aalas tres na pero matutulog palang ako. Dahil niligpit ko pa yung mga kalat sa terrace. Sa sofa na ako nahiga dahil ayaw ko namang maistorbo si Ate ano. Hehe
Nakatulog din ako agad dahil sobrang inaantok na ako.
--
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romansa"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.