Jaysel's POV
Nagising ako sa mabango't masarap na amoy na nang-gagaling sa kusina. Bigla tuloy akong nagutom, kaya nagmadali akong pumunta sa banyo upang maghilamos.
Paglabas ko nadatnan ko si Pau na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Binati lang naman niya ako ng good morning at niyayang kumain na.
Pagtingin ko sa may orasan alas-otso na ng umaga. Infairness naman kay Pau, marunong siyang magluto. Hehe
Pauline, kayo na ba ulit ni Kuya Troy? Mukhang okay ka na eh. Sabi ko bago sumubo ng pagkaing niluto niya.
Hindi! Kahit bumalik pa siya, ayoko na! Nasasaktan ako pero ayokong pumangit ng dahil lang sa kanya. Hindi ko na ulit siya iiyakan.
Pagpapaliwanag niya. Matapang at palaban talaga ang babaeng ito.
Pagkatapos naming kumain, inutusan niya akong maghugas ng pinagkainan namin samantalang siya pumunta na sa banyo ko upang maligo. Niyaya niya akong pumunta sa mall para mag grocery dahil paubos na ang laman ng ref ko.
Nahiga muna ako sa kama habang pinapakinggan ang kanta ni Ed Sheeran na UNI. Hindi nagtagal lumabas na si Pau sa banyo. Sumunod na rin akong naligo.
Hindi pa man kami nakakaalis ni Pau ay tumawag si Ate Jane sa kanya. Pinapapunta siya sa bahay namin. Wala naman akong nagawa kundi ang ihatid siya sa bahay, bihira na kasi silang magkitang dalawa. Masyado silang busy sa kanya-kanya nilang trabaho.
Tumingin sakin si Pau na humihinga ng pasensya, naiintindihan ko naman siya.
Pagdating namin sa bahay, agad nagyakapan yong dalawa akala mo naman dalawang taon silang hindi nagkita. Hinalikan naman ako ni Ate sa pisngi. Umalis din agad ako ng bahay pagkahatid ko kay Pau.
Nandito na ako sa mall pero naisipan kong maglakad lakad muna at kumain. Mamaya na ako mag grogrocery bago ako umuwi.
Hindi ako mahilig magbasa ng libro pero bakit ako napadpad dito sa bookstore. Isa-isa kung inikot ang bawat section ng bookstore ng may makita akong isang pamilyar na mukha. Nakakatuwa naman ito, lately kasi halos siya lang ang tumatakbo sa isipan ko.
Nilapitan ko siya, hindi niya ako napansin dahil nakafocus ang atensyon niya sa hawak niyang libro.
Hi! Mahilig ka palang magbasa ng libro. Bigla siyang tumingin saking gulat pero ngumiti rin ito sakin.
Jaysel nakakagulat ka naman. Yeah, mahilig akong magbasa. Ikaw rin ba? sabi niya habang binabalik yung librong hawak niya.
Hindi eh, napadpad lang ako dito. So may kasama ka ba? nakangiting sabi ko sa kanya ngumiti lang naman ito at umiling.
Magkasama kami ngayon ni Sam, nagfoodtrip lang naman kami tsaka nagkwentuhan. Pagkatapos nun, sinamahan na rin niya akong mag grocery.
Ang dami naman nitong binili mo Jay, mag-isa mo lang naman sa condo mo. Sabi niya habang papalabas na kami ng mall.
Masarap kasing kumain Sam eh. Tsaka mahilig akong magluto. Wag kang kontra . Sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nakipag-debate sakin. Magpapaalam na sana siya sakin ngunit nagpresenta akong ihatid na lang siya. Pasasalamat ko na rin sa kanya dahil sinamahan niya akong mag grocery, magfoodtrip lahat na. Kahit na nagkita kami by accident. Hihihi
Nandito na kami sa tapat ng apartment nila nagpasalamat ulit siya sakin. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ngumit pinigilan ko siya. Nakahawak ako ngayon sa braso niya.
Sam thank you ulit. Kunin ko nga pala number mo, kung okay lang sayo.
Sabi ko sa kanya, binigay naman niya ito.
Sa pagkakataong ito bababa na sana siya ng kotse ko ngunit nagsalita ulit ako .
And by the way Sam, Nag-enjoy ako. Take Care.. Bye! Paalam ko sa kanya.
Nag-enjoy din ako Jaysel. Ingat sa pagdridrive ha. Bye!
Nakangiting sabi niya saka na bumaba ng kotse ko.
Pagkadating ko dito sa bahay ay inayos ko na yung mga pinamili ko at nagpahinga sandali.
Ngayon lang ako sobrang natuwa sa babae. Gusto kong mapalapit pa sa kanya.
Tapos na akong magshower. Nanuod lang naman ako ng TV. Nakakaantok naman ang panuod na 'to.
Matutulog na ako pero tinext ko muna si Sam ng goodnight. Nagpakilala na rin ako syempre. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil gusto ko na talaga matulog.
Siya nanaman ang huling taong nasa isip ko bago ako makatulog.
-----
Baka bukas po ulit ako mag-update POV naman ni Samantha.
Goodmornight folks! :)
[a]
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romantizm"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.