Samantha's POV
Sabay kaming umuwi ni Trish sa Province namin. Namiss ko ang bahay namin at ang mga nakatira dito.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay. Sinalubong agad ako ni Andrew ang cute na cute kong pamangkin.
"Tita Sam!!." masayang bati niya sa akin
"Hi baby." sabi ko
Dali dali kong binababa ang bag ko at binuhat ko siya. Niyakap niya akong mahigpit saka niya ako hinalikan sa labi. Ang cute niya talaga.
"Tita I'm happy ur back." nakangiting sabi niya tska niya ako ulit niyakap
Nakausap ko kanina si Manang Tess mamaya pa raw uuwi sina Mama at Papa. Miss na miss ko na sila.
Nagkwento si Andrew at siyempre ang dami niyang tanong at kung anu-ano pa ang pinag gagawa niya sa akin.
"Tita where's Tita Sexy?" tanong niya sa akin
Aba! Tita Sexy daw, sino yun? wala naman akong ibang kilalang sexyng tita niya bukod sa akin ah. Ang feeling ko pero totoo naman iyong sinasabi ko.
Tatanungin ko pa lang sana sa kanya kung sino yang tita sexy niya pero biglang bumukas ang pinto namin at niluwa nito si Trish na may bitbit na chocolates and fruits.
Mabilis naman na tumakbo si Andrew papunta sa kanya.
"Hi Tita Sexy! I'm glad you're here." nakangiting sabi ni andrew sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi
"Hello Handsome! I missed you so much." nang gigigil na sabi ni trish kay andrew saka niya niyakap nang mahigpit
Umupo sila sa tabi ko, nagkikwento nanaman si Andrew at kinukulit si Trish. Ako naman, tinext ko lang si Jaysel. Hindi pa kasi siya nagtetext simula kanina pagkarating ko dito sa amin.
"Trish ikaw pala ang Tita Sexy niya." natatawang sabi ko
"Yes ako yun. Bakit Sam aangal ka ba?" Natatawang sabi niya
"Kalimutan na natin yun." sabi ko
Nag-uusap kaming dalawa ni Trish nang biglang sumingit si Andrew sa usapan.
"Ahm. Tita Sam and Tita Sexy, let's go to the beach." Yaya niya sa amin
Nagkatinginan kami ni Trish. Beach daw? Eh, 30 minutes pa ang biyahe muna dito hanggan doon eh. Ang random ding bata nitong si Andrew, kung anu anong pumapasok sa isip niya eh.
"Ano namang gagawin natin doon baby? Umuulan kaya oh. Hindi ka rin mag-eenjoy doon. Next time na lang." sabi ni trish
"Oo nga baby. Maligo na lang tayo ng ulan." suggest ko
Pumayag naman sila at si Andrew na excite. Nag unahan kaming lumabas ng bahay.
Ngayon na lang ulit ako makakaligo sa ulan, nang huli akong maligo ng ulan eh bata pa ako noon. Nakakamiss din pala. Naghabulan kaming tatlo, naglaro. Nakakatuwang tignan si Andrew halatang nag-eenjoy siya. Well pati din kami ni Trish nag-eenjoy ang sarap kasi sa feeling nung tubig na dumadampi sa mga balat namin. Nakakarelax!
Next time si Jaysel naman ang gusto kong makasamang maligo ng ulan. Maghahabulan kaming dalawa tapos hihilain niya ako palapit sa kanya pagkatapos nun yayakapin niya ako nang mahipit tsaka ko siya hahalikan sa labi. Oo na, alam ko medyo gasgas na yang ganyang scene pero kasi gusto ko talagang maranasan eh. Ang sweet kaya! Ah, basta gusto ko siyang kasamang maligo ng ulan.
Bandang alas-singko na nung makauwi sina Mama at Papa. Nakipagkwentuhan ako sa kanila at siyempre bonding moments na rin.
"Kumusta ka anak?" tanong ni Papa
"Mabuti naman po ako Pa. Namiss ko po kayo ni Mama." sabi ko
"Namiss ka din namin anak. Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ulit ni Papa
"Maayos naman po Papa. Isang taon na lang po pa gagraduate na po ako." sabi ko
"Mabuti naman kung ganon anak." nakangiting sabi ni papa
Nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-anong bagay lang.
"Samantha may boyfriend ka na ba ulit?" tanong ni Mama
Wala akong boyfriend ma pero may girlfriend po ako at mahal na mahal ko siya. Yan ang gusto kong isagot sa tanong ni Mama pero natatakot ako, hindi ko pa kayang sabihin sa kanila.
"Wala ma." sagot ko
Nagdinner na din kami matapos ang aming masayang kwentuhan. Pagkatapos kong kumain dumiretso ako agad sa kwarto ko. Miss na miss ko na kasi si Payatot eh.
Nakailang tawag na ako sa kanya hindi pa rin siya sumasagot. Papansin talaga siya! Ano yun busy pa rin siya hanggang ngayon. Sa huling pagkakataon, tinawagan ko ulit siya at buti naman sinagot na niya.
"Hello Love ko." malambing na boses ang narinig ko mula sa kanya
"Oh, bat hindi ka nagpaparamdam?" tanong ko
Naiinis na kasi talaga ako, hindi ko na mapigilan. Kalma lang, hindi ko siya aawayin.
"May ginawa kasi ako kanina eh atska nakatulog ako love. Miss na miss na kita." malambing na sabi niya
"Baka naman uminom ka nanaman ha?" tanong ko
"Hindi love. Kumain ka na ba? Mahal na mahal kita Samantha." sabi niya
"totoo?" tanong ko ulit
"Na-mahal na mahal kita? Oo love totoong mahal na mahal kita." sabi niya
"Mahal na mahal din kita Jaysel. Miss na kita." sabi ko
Matagal bago siya umimik. Alam ko namang kinilig siya dun eh, malamang ngiting ngiti na siya ngayon.
Nagkwentuhan kaming dalawa kung anu-ano lang. Minsan magjojoke siya tapos kakantahan niya ako habang nag gigitara siya. Kinikilig pa rin talaga ako tuwing naririnig ko ang boses niyang kumakanta lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.
----
A/N:
Sabaw ang update ko ngayon. Pasensya na, bawi ako sa susunod na update.
Salamat sa lahat ng nagvovote at nagcocomment pati na rin sa mga silent readers. WLove you guys!
-seven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.