Jaysel's POV
Pinag-usapan nanaman namin ni Pauline si Ate. Nakapagdesisyon na raw siya, lalayuan na raw muna niya si Ate ko. Sus! Alam ko namang hindi niya kaya yun eh. Patay na patay siya sa ate ko.
Bago pa ako pumunta rito sa bahay niya minabuti ko ng itext si Ate Jane dahil alam kong magluluto si Pau ng lunch namin. Dahil sabi nga kanina ng love ko sabay kaming maglulunch, kawawa naman si Pau kung iiwan ko siyang maglunch mag-isa. Kaya pinapunta ko nlng si Ate, sinabi kong may sakit si Pauline. Hahaha!
Nagpaalam na ako kay Pau dahil parating na si Ate at baka naghihintay na rin sa akin si Samantha sa school.
Tinext ko lang si Sam na papunta na ako sa school. Hintayin na lang daw niya ako sa may gate 1.
"Jaysel.."
"Samantha.."Sabay naming tinawag ang isa't isa. Napangiti ako siya naman natawa dahil nakakahawa yung tawa niya natawa na rin ako.
"Jaysel gusto kong kumain ng spaghetti at fried chicken sa jollibee.." sabi niyaYun din sana ang sasabihin ko sa kanya kanina. Parehas pala kaming nagcracrave ng spaghetti at fried chicken sa jollibee.
Habang kumakain kami, tumunog ang phone ko. Pagtingin ko text message galing kay Pauline. Wala naman siyang sinabi kundi, ang sama ko raw..bakit ko pinapunta dun si Ate. Blah blah blah.. Naiimagine ko tuloy ang mukha ni Pau ngayon nagtransform nanaman siya sa dragon dahil bwesit na bwesit siya sakin. Napapangiti na lang ako.
"Sino yang nagtext at ngiting ngiti ka dyan?" Tanong ng magandang babaeng nasa harap ko
Hindi ko na siya sinagot, ngumiti na lang ako at tinuloy ang pagkain ko. Nagseselos nanaman siya eh. Haha
Outing
Maaga akong ginising ni Kuya dahil ngayon nga ang outing namin at pupunta kaming Ilocos! Yes! Tatlong araw rin kami dun.
Nakaligo na ako at dala ko na rin ang mga gamit ko. Pagbaba ko sa sala nandun na sina Kuya, Ate at Pauline. Si ate daphne, girlfriend ni kuya james nauna na raw sa Ilocos kasama ng kapatid niya. So magkikita na lang kami dun.
Ilang araw na rin pala kaming hindi nagkikita ni Sam mylove dahil pinauwi siya ng ate niya sa bahay nila para makapagready raw sa outing nila. Tas hanggang ngayon wala pa akong balita sa kanya dahil hindi ko siya macontact.
Si kuya na ang nagdrive, nasa passenger seat naman si Ate Jane tas magkatabi kami ni Pauline dito sa likod. Hindi ko pa pala natatanong kung anong nangyare sa kanila ni Ate pagkatapos ko siyang iwan sa bahay niya at pinapunta si Ate dun. Alam kong ikwekwento sakin ni Pauline yung mga nangyare baka pagdating siguro namin sa Ilocos. Sa ngayon matutulog muna ako. Zzzzzz
Nagising ako sa pagtigil ng sasakyan. Nagstop over kami dito sa Tarlac, para kumain. Mahaba haba pa pala ang biyahe.
Biyahe ulit kami, natulog lang ulit ako samantalang sina Ate, Kuya at Pauline nagkwekwentuhan naman.
After 5 hours
Hello Ilocos!! Yeah!
Pagdating namin sa beach resort, agad tinawagan ni Kuya si Ate Daphne. Sina Ate at Pauline naman nagkakatuwaan sa may kubo. Ako, eto namimiss na si Samantha mylove.
Nagpunta na lang ako sa kwarto namin nila jane, bale pang apatan yung kwarto. Kaming tatlo nila Pauline at pang apat yung nakababatang kapatid ni ate daphne.
Mag-aayos lang ako ng gamit ko at pagkatapos nun maliligo na rin ako. Ang init kasi.
Hindi nagtagal may kumatok sa pinto, agad ko naman itong binuksan at ang pagod na pagod na mukha ni Pauline ang nasilayan ko.
"Jay tabi tayo ahh." Sabi niya saka humiga sa kama
Okay lang naman sakin pero paano si Ate ko, sino ang katabi niya yung kapatid ni Ate daphne. Baliw talaga tong si Pauline. Nag away nanaman siguro sila.
"Ayaw mo bang katabi si Ate? Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Wala. Namiss lang kita, gusto ko siyang katabi pero mas gusto kitang katabi ngayon. Kaya magpromise ka na, na tayo ang magkatabi." Sabi niya
"Promise." Sabi ko
Agad naman siyang bumangon sa kama at nakipagpinky swear sa akin. Nakangiti na siya ngayon. Ewan parang may iba ehh.
Bago siya lumabas ng kwarto, pinapababa na rin niya ako para mameet ko na raw yung kapatid ni Ate daphne. Sinabi kong susunod na lang ako sa kanya. Minsan ang weird din ni Pauline, hindi sila nag away ni ate pero himalang ako ang gusto niyang katabi sa pagtulog.
Namiss ko rin naman siyang katabi sa pagtulog pero mas namimiss ko si Samantha, yung amoy niya, ngiti niya, mga yakap at halik niya.
Napapangiti ako sa tuwing naalala ko yung mga sweet moments namin ni Sam.
Tumawag si Ate Jane, pinapapunta na ako kubo dahil kakain na at para makilala ko na rin yung kapatid ni Ate daph. Grabeng atat silang makilala ko yung kapatid ni ate..
Nagmamadali akong pumunta sa kubo dahil nagugutom na ako.. Pero pagpasok ko..
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?
----
"Love is so short, forgetting is so long."
comment.vote.follow (^_^)
ayselven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.