Jaysel's POV
Haay.. Exam day.. Mamamatay nanaman kami neto. Inaantok pa ako pero kailan kong pumasok ng maaga para mahanap ako ng magandang pwesto. Cheating arrangement guys. Hahahaha!
Laging ganito ang tema namin tuwing exam kailangang may pumasok ng maaga samin para ireserbahan iyong iba ng upuan. Pagpasok ko ng room talaga namang may uupuan na ako. Nandito na silang lahat. Himala.. ako na lang pala hinihintay nila. ayos ahh.
Nasa gitna sina Dan, Yeng at Nikki. Hindi naman sila nagpapakopya eh. Basta nakaopen lang yung paper nila bahala na kaming mangopya. Kaming anim naman sa gilid nila. Tss! May nalalaman pa silang kopyahan pagdating naman na ng exam hindi rin namin nagagawa dahil nakapagreview kaming lahat. Pero minsan may time talaga na kopyahan kami dahil hindi kami nakapagreview dahil naglasing kami.
Pagkatapos ng madugong exam namin sa Pol Sci. break muna kami. Nandito kami ngayon sa Mcdo tambayan namin dito, favorite kasi namin yung fries nila dito. masarap eh, nakakaadik pati yung sundae nila.
Nga pala, Pol Sci ang course namin. Hahaha!
Shemay! Namatay ako sa Pol Sci. ang hirap.. asar.. Sheila
Okay lang, sure pass naman na tayo eh. hahaha! Kahit na bumagsak na tayo ngayong finals.. Sure pass na talaga tayo. Trish
Ikaw lang trish.. ayokong masira ang grade ko. hahaha! Dan
Tawanan kaming lahat. Wala eh, masaya lang kapag kami ang magkakasama talagang nagcliclick kaming lahat pero minsan may tampuhan rin.
Ahm, guys may sasabihin ata si Jay satin eh. I mean, sa inyong anim. Seryosong sabi ni Lex.. Bigla naman silang tumingin sakin. yung mga tingin nila parang papatayin ako. Dahil biglang umiba yung aura nila.
OMG!! wag mong sabihing hindi ka na virgin Jay? OA na tanong ni Rachel. OA talaga siya guys. Sa kanya na sila nakatingin ngayon, handa na silang paghahampasin at batukan siya.
Bwiset ka chel!! Ang OA mo!! seryoso dapat tayo diba? tanga mo talaga. Mataray na sabi ni Tanya
Guys tama na yan, ano ba yung sasabihin mo Jay? Pag iiba ni Yeng dahilan para tumigil iyong dalawa.
Ah.. a..ano.. kasi guys, next sem lilipat na ako ng school.
Ano?!! gulat na tanong nilang lahat. at take note guys.. sabay-sabay nilang sinabi yan. Hindi naman na nagulat si Trish at Lex dahil alam naman na nila.
Wag OA guys. Para naman ng mangingibang bansa si Jaysel ehh, lilipat lang naman siya ng school tsaka malapit lang iyong school nila dito. Kaya wag nga kayong OA dyan. Lex
Kwenento ko na sa kanila lahat. Naiintindihan naman nila ako, nandito na kami ulit sa School papunta na kaming Room. Makikipagpatayan ulit sa Exam. Haayy.
Pagkatapos naming makipagpatayan sa madugong laban na yun. Deretso agad kami sa mall para mag grocery dahil gusto nilang magdinner kami sa condo ko. hati hati naman kami sa pera at sina Yeng, nikki at Dan ang magluluto ng dinner namin. Nandito kami ngayon sa supermarket at ang iingay nila, kami pala. Pagkatapos mamili, umuwi na kami.
Nagluluto na iyong tatlong angel ng pagkain namin, samantalang kaming anim nanunuod lang dito sa kwarto ko. Nagplaplano nanaman sila ng bonggang bongga. Gusto nilang maglasing kami bukas pagkatapos ng exam.
Jay, wag na lang muna tayong magbar bukas. Dito na lang tayo uminom sa condo mo konti na lang kasi pera namin eh. Uuwi pa kami sa probinsya. Request ni Sheila.
At lahat sila sumang-ayon sa sinabi niya. Okay lang naman sakin parang masaya naman iyong plano niya.
Okay, basta hati-hati tayo sa bayad ng alak, pagkain at yosi.
Pagkatapos kong sabihin iyon kumislap lahat ng mata nila. tsk..
Ah, pero guys walang magyoyosi dito sa loob ng condo ko sa terrace na lang kayo magyosi ha.. Ayoko kasing mangamoy dito eh. --Ako
Sige, pero Jay yung pagkain libre mo naman na yun ahh. Wala na talaga kaming pera ehh. Pagmamakaawa ni Tanya
Tumango na lang ako bilang sagot. Pag mga ganitong bagay ang aamo ng mukha nila para silang mga tuta pero kapag wala silang kailangan para silang ulol na aso. Jusko po.
Para sa aming anim lang talaga ang party na iyon dahil alam naman namin na hindi makakasama iyong tatlo dahil mga anghel ang mga iyon ano. hahaha!
Pagkatapos naming magdinner, sina Rachel at Sheila ang naghugas ng pinagkainan namin dahil natalo sila sa jack en poy. Hahaha!
Umuwi na rin silang lahat pagkatapos maghugas nung dalawa dahil magrereview pa raw sila.
Naligo muna ako bago nagscan ng libro ko. Tinatamad akong mareview kaya natulog na lang ako. Sure pass naman na ako sa lahat ng subject ko eh. Kaya okay na yun.
---
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.