Chapter 4

6.8K 97 0
                                    

Jaysel's POV

arghh. ang sakit ng ulo ko. Shit.. Masyado kaming nag enjoy sa alak at yosi kagabi.. Ang sarap pa rin ng tulog nitong mga kasama ko. Pag ganitong nag-iinuman kasi kami. Ako lagi yung unang nagigising.

Pumunta akong banyo at naligo na, para kahit papano mawala yung hang-over ko.. Tapos na akong maligo pero ang sarap pa rin ng tulog nila. Tss! Ayos talaga sila, ang alam ko ngayon sila uuwi sa probinsya. Ayoko naman silang gisingin dahil baka patayin nila ako.

Magkakape na lang muna ako. Nandito ako sa kusina ng biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mama.. anong nakain niya? at bigla nalang tumawag.

Hello ma. bakit?

Hello nak, gudmorning.. Kumusta ka na? Masiglang bati niya sakin. Himala ang sweet ata ng mama ko ngayon.

Ah, okay lang naman ma. Ikaw? asan ka ngayon? I miss you ma..

Okay din naman nak.. I miss you too.Nandito ako sa bahay. Kailan ka uuwi?

Hindi ako sanay na ganito si mama ngayon. Jusko. Isa itong himala. Sweet ako sa mama ko lagi ko siyang sinasabihan ng sweet words. basta guys love na love ko siya.

Alam kong ganun din naman siya sakin kaso hindi lang halata. Alam rin pala ng pamilya ko na lesbian ako, tanggap naman nila ako. Patay na kasi ang Papa ko at kami nalang nila Kuya, ate at mama ang magkakasama ngayon.

Ahm.. bakit ma anong meron? haha
maybe tomorrow baka umuwi ako..

Nothing anak. Nalulungkot lang ako dahil bihira ko na kayo makita ng mga kapatid mo. Basta umuwi ka dito bukas. Dahil pauwi si Kuya James mo at baka umuwi rin si Ate Jane mo bukas. See you tomorrow nak.

Ah, yes ma. See you. I love you.

Inend ko na yung call. This is life.. Haay.. I miss my family. mukhang bumalik na ang dating mother ko. Nice. Habang nakapikit ako at nag-iisip ng happy thoughts.. May biglang nagsalita at alam kong umupo siya sa upuan sa harap ko.

Good morning Jaysel Rose! Good mood ka ahh. Maganda yang ganyan. Para naman hindi iyong Bad Jay lang iyong nakikita ko. Hahahaha!  Pang-aasar sakin ni Yeng.

Yeah right Miss Bottoms up. Hahaha! Lakas ng tama mo kagabi ahh. Tss! Magkape ka na nga lang para mawala iyang hang-over mo.

Habang nagkakape at nagkwekwentuhan kami ni Yeng, unti-unti namang nagsilabasan iyong iba at nakisali na rin samin. Tahimik lang kami dahil alam kong masakit ang mga ulo nila. Hang-over ehh. Tss!

Pagkatapos nilang magkape umuwi na rin sila dahil aayusin pa daw nila iyong mga gamit nilang iuuwi nila.

Pagkatapos nito, bihira ko na lang silang makikita. Dahil sa susunod na pasukan sa paaralan na namin ako mag-aaral.

Sunday

Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ko na sina mama, kuya at ate. Ngayon lang ulit kami magsasama. Ang saya ko dahil okay na ulit si mama. Nakamoved on na talaga siya sa pagkawala ni papa.

Namasyal kami sa mall, nagsimba rin kami tsaka nagdinner kami sa isang mamahaling resto. Gosh! namiss ko talaga to ng bongga.

Anak halika dito sama ka samin..

Sumama lang naman ako sa kanila. Tas biglang. Surprised!!

O_O wow! ang ganda naman ng sasakyan na yan.

Jaysel baby, regalo pa namin sayo nila mama at jane iyang sasakyan. Nakakahiya naman kasi may driver's license kana pero wala ka pa ring sariling sasakyan kaya binilhan ka na namin.

Ngiting ngiti na sabi sa kin ni Kuya James ko. Weh? Akin talaga yan? Baka pinagtritripan lang nila ako.

Seriously? Para sakin talaga yan? Ows? Joke ba to? OMG!! Ma, ano to?

Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hahaha! Ang OA mo Jay.. Sayo talaga yan. Nagustuhan mo ba?

Tanong ng ate Jane ko. Aba't syempre noh, nagustuhan ko talaga. Niyakap ko agad sila bilang pasasalamat at hinalikan ko talaga sila sa pisngi. Thank you talaga Lord dahil binigyan mo ako ng ganitong pamilya mapagmahal at maalaga.

Nag-apir naman silang tatlo at nag group hug na kami. Bukas sasamahan raw ako ni Kuya James itest tong si baby girl ko. Ayos.

The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon