Samantha's POV
Napapadalas na ang pagpunta namin nila charmaine sa bar and kung minsan sa club. Minsan alam iyon ni Jaysel madalas hindi. Nagpapaalam naman ako sa kanya minsan pumapayag siya pero madalas hindi.
Katulad ngayon birthday ni Zia magbabar nanaman daw kami."Love please. Nakakahiya naman kasi sa kanila eh." Sabi ko
Nandito kami ngayon sa canteen, nagmemerienda. Kasama namin sina Trish at Vic.
"Wala akong pakialam. Hindi ka pupunta." Medyo galit na sabi niya
Hindi na lang ako umimik. Tahimik lang ding nakikinig sina Trish at Vic.
Sobrang nag e enjoy na kasi ako sa bar thingy na yan. Hindi ko alam. Basta ang saya kasi eh.
"Love baka di kita masundo mamaya ah. Magkikita kasi kami ni Kuya eh." sabi ni Jaysel
Naglalakad na kami papunta sa room. Humiwalay na din sina Trish at Vic dahil hindi kami magkaklase ngayon.
"Okay lang love. Payakap nga." Naglalambing na sabi ko
Niyakap ko siya agad sobrang higpit. Sobra ko siyang namiss. Sumagot din siya sa yakap ko. Ramdam ko iyong love and longing sa kanya.
"Mahal na mahal kita." I said, still hugging her
"Mas mahal na mahal kita. Sobrang kitang namiss." Sabi niya pagkatapos nun, pasimple siyang nagnakaw ng halik sa may noo ko.
Around 7 in the evening na din ng matapos ang klase ko. Hindi ko naman inaasahang naghihintay pala sina Charmaine sa labas ng Room ko.
Nag hi lang sila sa akin at saka bumeso.
"Zia sorry hindi ako makakasama sa inyo. Marami pa kasi akong gagawin.By the way, Happy Birthday!" Pagdadahilan ko
"C'mon Samantha. Minsan lang sa isang taon ito, let's go. Pagbigyan mo na ako." Pamimilit ni Zia
"Oo nga naman Sam." sabat ni Charmaine
Hindi ako sumagot. Anong gagawin ko? Oo na. Gusto ko talagang pumarty kaso ayaw ni Jaysel. What now? Shit.
"Hindi naman malalaman ni Jay eh. Tara na Sam." Pangungumbinsi ni Zia
Sige na nga. Nakakahiya naman kasi talaga sa kanya eh. Hindi naman siguro malalaman ni Jaysel.
Nagdinner muna kami bago kami nagpunta sa Bar para pumarty.
Inom dito. Inom doon. Sayaw dito. Sayaw doon.Seriously, I had fun. I forgot to checked my phone. Shit si Jaysel nakalimutan ko na din. Ang dami niyang text and missed calls.
Nasa tapat na ako ng apartment namin, nang mapansin kong may nakaupo sa harap ng pintuan namin.
Si Jaysel may hawak na balloons, Three Red Roses, Isang box ng pizza and paper bag.
Huh? Ugh. My God Sam!! Ang bobo mo. Fuck! Seventh Monthsary niyo ngayon. Nakalimutan mo? Wow Sam!
Nang makita niya ako, agad siya tumayo.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiinis ako sa sarili ko. Pinag antay ko siya ng matagal. Hindi ako nakinig sa kanya."Happy seventh Monthsary Love. Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay." She said and fake a smile
Nakokonsensya ako. Napakastupid ko.
"Love sorry ka..kasi.." magpapaliwanag na dapat ako
Tiningnan niya ako. Fake smile again. Nasasaktan siya alam ko. Nasaktan ko siya.
"Okay lang love. Hindi mo sila matanggihan eh." Sarkastikong sabi niya
Hindi na ako umimik. Wala na akong sinayang na oras. Hinalikan ko na siya. Gusto kong mawala iyong sakit na nararamdaman niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na nagkamali ako, na nagsisisi ako. Na sobrang mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.