Jaysel's POV
Family bonding with Sam. Well, Ipinakilala ko na nga siya sa kanila bilang girlfriend ko. Sa wakas official na rin kami sa family ko. Kahit naman hindi ko pa sinasabi sa kanila, alam ko namang alam na nila eh.
Masaya ako dahil welcome na welcome siya sa kanila lalo na kay Mama.
Napuno ng tawanan, kwentuhan, asaran at siyempre ng foods ang bahay namin.
Nandyan yung biglang magjojoke si Kuya tapos hindi magets ni Mama kaya ipapaulit niya ulit. Yung mas nakakatawa pa si Mama kaysa sa joke ni Kuya.
Nanood lang din sila ng movie, oo sila lang hindi ako kasama. Horror movie kasi pinanood nila. Kaya naman natulog na lang ako sa tabi ng taong pinakamamahal ko. Pero wrong move pala yun!
Pag gising ko, wala na sila tapos nagpiplay pa rin yung movie.Nagpaalam na kami sa kanila pagkatapos naming magmerienda.
"Ma mauna na po kami.' paalam ko kay Mama saka ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi
"Tita it was a pleasure to finally met you po. I had fun and nag-enjoy po talaga ako. Thank you so much po." Sam said and then she give my mom a quick hug
"Ur always welcome Samantha. Thank you for making my daughter happy. Basta yong napag-usapan natin kanina ha." Nakangiting sabi ni mama saka niya bineso si sam at niyakap
"Kuya, Ate alis na kami." kumaway ako sa kanila
Nagpaalam rin si Sam sa kanila at saka nagpasalamat"Mag-iingat kayo." Sabi nila
"Jay mag-iingat ka sa pagmamaneho. Ingatan mo si Sam." bilin ni Mama
"Yes ma. See you soon!" sigaw ko
Condo
Dumiretso agad si Samantha sa kwarto ko. Sinundan ko lang naman siya
"Jaysel inaantok ako. Halika nga dito sa tabi ko, yakapin mo ako." malambing na sabi niya
Humiga ako sa tabi niya saka ko siya niyakap ng napakahigpit.
"Uy. Namiss niya ako. Pakiss nga ako love." bulong ko
"Hmm. Ikaw na lang ang humalik sa akin." nakapikit na sabi niya
I quickly kiss her soft pinkish lips. Smack kiss lang yon pero ibang iba na ang tama sa akin. Nakakabaliw
Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakipagtitigan sa akin.
"Payatot ko." sabi niya saka nakipag nose to nose sa akin
Natutuwa naman ako dahil ang sweet niya sa akin ngayon. Bihira lang siyang maging ganito sobrang lambing. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya
"Payatot ko." ulit niya saka niya inilayo ng konti ang mukha niya sa akin pagkatapos nun hinaplos haplos niya ang mukha ko
"Hmmm. Love ko." nakangiting sabi ko
"Mahal na mahal kita payatot. Uuwi na ako bukas, magpakabait ka ha. Alam mo na, tatlong linggo ang sembreak natin." Sabi niya
Hinila ko siya palapit sa akin. Niyakap ng mahigpit
"Mamimiss kita. Mabait naman ako love eh, mahal na mahal kita Samantha." masuyong sabi ko
Lalo naman niyang isiniksik ang mukha niya sa may leeg ko.
Inaantok na siya. Kakantahan ko na lang siya hanggang sa makatulog siya
"I love you" bulong ko sa may left ear niya
The thing about love, is I never saw it coming
Kanta ko sa unang linya ng kanta saka ako nagpause ng ilang segundo"I love you too. Dali na Jaysel, ituloy mo na." antok na yung boses niya
You kinda crept up and took me by surprise
And now there's a voice inside my heart
That' s got me wondering
Is this true? I wanna hear it one more timeMove in a little closer
Take it to a whisper
Just get a little louderBago ko ituloy ang kanta ko dinampian ko siya ng halik sa may noo niya
Say it again for me
Cause I love the way it feels when you are
Telling me that I'm the only one who blows you mind
Say it again for me
It's like the whole world stops to listen
When you tell me you're in love
Say it again"I love you so much Sam. Sleep well." bulong ko ulit
Hindi ko na tinapos yung kanta dahil nakatulog naman na siya.
Maingat akong umalis sa tabi niya para makapagluto na rin ako ng dinner namin.
Bukas nga ay uuwi na siya sa kanila. Mamimiss ko siya sobra, tatlong linggo kaming hindi magkakasama grabe napakatagal nun para sa akin.
Legal kami sa pamilya ko ngunit hindi sa pamilya niya. Hindi man niya sabihin pero nararamdaman ko namang hindi pa siya handang ipakilala ako sa kanila. Maliban na lang kay Ate daphne.
Marahil ay napakaistrikto ng kanyang mga magulang yun ang kwento sa akin ni Kuya James. Sundalo kasi ang kanyang ama na isa ngayong general samantalang ang kanyang ina naman ay isang magaling na mambabatas sa lugar nila.
Naudlot ang pag-iisip ko nang biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Trish.
"Hello Jay?" trish
"Yes. Why?" tanong ko
Ano nanaman kayang problema nito ?
"Nasan ka? Tara chill chill tayo." Yaya niya
"Hindi ako pwede ngayon. Kasama ko pinsan mo." sagot ko
"Magpaalam ka na. Ngayon na nga lang to eh. Kasama ko sina Lex. Punta ka na dito sa Greenwich malapit sa Univ. Bye!." sabi ni trish saka ako binabaan ng phone
Shit naman! Hindi ko pwedeng iwan dito si Sam mag-isa. Bahala na nga.
"What's up? Long time no see." bati ni Lex
Niyakap nila ako isa-isa. Pare-perahas lang naman sila ng sinabi miss na miss daw nila ako.
"Ahem! Ipakilala mo naman kami sa kasama mo Jay." sabi ni yeng
"Ah guys si Samantha girlfriend ko." pakilala ko sa kanila
Inisa-isa ko silang pinakilala sa kanya. Puro kantiyaw lang naman inabot ko sa kanila. Asar dito, asar doon.
Napansin kong hindi masyadong nakikisali sa amin si trish. Ang tahimik niya, hindi ako sanay. Kanina naman ay maayos pa siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Mood swing
Pagkatapos naming kumain ng pizza sa greenwich nag-aya si lex at trish na uminom. Umuwi na rin yung iba kaya kaming apat na lang ang natira.
"Hindi naman tayo maglalasing eh chill lang tayo ngayon." sabi ni lex
"Oo nga Jay. Diba Sam?" trish
'Ah o..oo nga Jaysel." sabi ni Sam
Asus! Ang mahal ko Oo daw. Halata namang napilitan tsaka ayaw na niya kasing umiinom ako eh. Magagalit siya sa akin. Pero sabi nga niya Oo daw. Edi go!
"Sige sabi niyo eh basta chill lang tayo ah." sabi ko
Nginitian ko si Samantha, niyakap naman niya ako ng mahigpit.
-----
A/N:
Thank you sa lahat ng sumusuporta at sumusubaybay sa istoryang ito. Sa matiyagang naghihintay sa updates ko, sa lahat ng nagvovote at nagcocomment, sa mga nag add ng story ko sa reading list nila pati na rin sa nagfofollow sa akin. Thank you so much po! Take Care. Love you all.. xoxo-Ayselven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.