Jaysel's POV
Late na rin umuwi si Pau kagabi, napasarap ang kwentuhan at inuman namin. Makikita ko nanaman pala siya ngayon.
Chineck ko rin ang phone ko, 5 msgs yung dalawa galing kay Ate, dalawa kay lex and isa galing sa chix ko.
Pinapapunta lang naman ako ni Ate sa bahay para magdinner mamayang gabi tas si Lex naman nagyayayang uminom mamayang gabi rin tas 'tong si Zandra namimiss na raw ako.
Nereplyan ko sila saka ako nagtungong banyo para maligo.
.
.
.
.
Nandito na ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Sa coffee shop na lang muna ako tatambay para makapagrelax saglit.
Tinext ko si Pau pagtritripan ko lang siya.
Ako: Hi ma'am! Hindi ako papasok ngayon. Excuse ako ha. salamat.
Siya: Okay. Ibabagsak kita Jay. Where are you?
Ako: Haha! Just kidding. Why? Pupuntahan mo ako? Ayiee! namimiss na niya ako. Magkikita pa naman tayo mamaya eh.
Siya: Malandi ka talaga! Sumbong kita sa Ate mo. Wala akong kasama ngayon, tsaka kayo ang next class ko mahaba pa ang vacant ko. So asan ka?
Ako: Coffee Shop po Lola.
Hindi na siya nagreply malamang papunta na siya dito. Nakangiti akong mag-isa dito dahil mas close ko pa ata siya kaysa sa Ate Jane ko.
Pagdating niya agad siyang umupo sa may upuan sa harap ko.
Ang pangit mo talaga Pau. Paano nainlove sayo si Kuya Troy? Tss!
Pang-aasar ko sa kanya, umitim ang aura niya saka niya ako kinurot sa braso.
Medyo matagal din kami sa Coffee Shop, nagkwentuhan lang kami. Nagyaya na siyang pumunta ng school dahil magtitime na. Baka malate pa kami, okay lang naman na malate ako dahil kasama ko ang Instructor namin. Hahaha..
Dahil iniwan niya yung sasakyan niya sa school sinabay ko na siya sakin.
Pagdating namin sa school pina-una na niya akong pumunta sa classroom dahil kukunin pa niya yung mga gamit niya.
Pagpasok ko palang ng classroom tinginan na silang lahat sakin. Poker face lang naman ako.
Umupo na ako sa tabi ni Sam, natutulog lang naman siya. Ugh. Hindi ko maiwasang tignan ang babaeng ito. Fuck! She's damn hot and so beautiful.
Pagtripan ko nga siya. Pinoke ko yong pisngi niya saka nagpanggap rin akong natutulog pero nakaharap ang mukha ko sa kanya.
Hindi naman siya nainis pero hinahanap niya yung nagpoke sa kanya. Hahaha! Cute!
Dumating na rin si Ma'am Pau sa room pero ako nagpapanggap pa ring tulog.
Hindi ko akalaing gigisingin ako ni Sam.. Kinalabit lang naman niya ako tinignan ko siya nginitian lang niya ako pero hindi ko akalaing magreresponse ako sa ngiti niyang iyon parang may kung anong bagay na nag-udyok sa akin upang ngitian rin siya.
Hindi ko na ulit siya tinignan pa ganun din naman siya sakin. Nakinig na siya kay Ma'am samantalang ako palihim na nagtetext. Gusto ko lang siguraduhin na tuloy kami mamaya nila lex. Gosh! miss na miss ko na sila. Napapangiti ako dahil makikita ko na ulit sila.
Nagulat ako nung biglang agawin sakin ni Ma'am Fernandez ang phone ko. Tinginan silang lahat sakin.
Ms. Reyes sino ba 'tong katext mo at ngiting ngiti ka dyan? Pang-aasar niya sakin, binabasa na niya ang text ko ngayon at alam kong nagreply na si lex. Ang mas kinagulat ko binasa niya iyon sa buong klase.
Punta ka na lang dito sa amin, 9 pm.
See you later Jay. :)Makahulugang ngiti ang binigay ni Ma'am Fernandez sakin saka niya binalik sakin ang phone ko
Ugh. Face palm.. Badtrip 'tong dragon na 'to. grrr..
Binalaan lang naman niya ako na huwag ko na raw uulitin iyon. Saka siya nagpatuloy sa lesson niya.
Heto nanaman ang requirements for finals namin.. 2 to 7 members.. performing arts.. yun lang ang naintindihan kong sinabi ni Ma'am.
Pagkasabi niyang iyon, tumingin ulit ako kay Sam, ewan pero gusto ko siyang maging partner tutal siya rin naman ang partner ko sa isang subject eh. Nakatingin rin pala siya sakin.. Paano ko ba sasabihin na kaming na lang ulit magpartner.
Ah Sam.. partner tayo ha. wag na tayong magdagdag pa ng members tayong dalawa na lang.
Sa pagkakataong ito, nakita ko nanaman ang mga ngiti niyang iyon. Lalo tuloy siyang gumaganda sa paningin ko. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Hahaha
Sige mas maganda yung dalawa lang para hindi tayo mahirapan.
Pagsasang-ayon niya sakin.
Pauwi na akong condo upang makapagpahinga saglit tsaka ako pupunta sa bahay para magdinner kasama si Ate Jane.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.