Jaysel's POV
Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para umamin ako sa kanya. Paano na lang kung iwasan niya ako, hindi ko kaya yon.
Hindi ko na lang siya sinagot kunwari wala akong narinig. Saka ko siya inutusang sumakay sa sasakyan ko. Magmemerienda na lang kami sa may coffee shop.
Nasa loob na siya ng sasakyan habang ako nandito pa rin sa labas itetext ko lang si Pau para sabihin sa kanya na dinamay ko siya sa kalokohan ko.
Habang nagmamaneho ako biglang nagring ang phone ko, kinuha ko ito at sinagot baka kasi Kuya nanaman, hindi ko kasi nasagot tawag niya kaninang umaga. Tahimik lang naman si Samantha, busy rin sa pagkalikot ng cellphone niya
Siya: Hello Jay?
Ako: Yes kuya?
Siya: I miss you. Asan ka?
Ako: I miss you too Kuya. Nagdridrive ako, tawagan nlng kita mamaya. Bye!
Agad kong pinindot ang end call.
Malapit na kami sa Coffee Shop ni Samantha. Ramdam kong nakatingin siya sakin, mali! nakatitig pala. Tsk! Mainlove to sakin eh. Haha! Sana nga.
Samantha wag mo akong masyadong titigan baka mainlove ka. Sabi ko, sinulyapan ko siya saka ako ngumiti.
Agad naman siyang umiwas at tumingin sa may bintana, namumula na rin ang mukha niya. Gosh! Ang ganda niya.
Habang kumakain kami, biglang nagring ang phone niya. Agad naman niyang dinukot ito sa kanya bulsa at sinagot.
Ang tagal naman nilang mag-usap at itong babaeng nasa tapat ko naman todo ngiti pa at tila nag-eenjoy sa pinag-uusapan nila.
Patayin mo na nga yan, ako na lang kausapin mo.
naiinis na sabi ko rito, hindi nagtagal nagpaalam na siya sa kausap niya.
Grabe Jaysel ang sungit mo, kanina lang tatawa-tawa ka tapos ngayon. Hindi kita maintindihan.
sabi niya saka humigop sa kape niya.
Sino yong tumawag? tanong ko
Hindi siya sumagot bagkus nag tanong rin ito.
Bakit? nagseselos ka? matapang na pagtatanong niya.
Hindi. Seryosong sagot ko pero ang totoo niyan naiinis ako dahil napapangiti siya ng kausap niya kahit hindi sila magkasama.
Okay. sabi nito kasabay nun ay naubos na rin niya ang kanyang pagkaen at kape.
Niyaya ko siyang umalis at bumalik na sa school dahil baka naghihintay na rin sa akin si Pau.
Nakasakay na kami sa kotse ko ng biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Pau.
Ako: Hey Sexy!
Siya: Baliw! asan ka?
Ako: Pabalik na ng school. why?
Siya: Bilisan mo, samahan mokong mag grocery. Hintayin na lang kita sa Parking lot.
Ako: Ibang klase ka talaga, gusto mo lang akong makita eh. Okay, see you!
Agad namang naputol ang linya.
Hindi naman umiimik si Samantha, ewan parang biglang nag-iba aura niya. Tinanong ko kung okay lang siya, tumango lang naman ito.
Wtf?! ang traffic.
Habang nakahinto kami, binaling ko ang tingin ko sa kanya at kinausap siya.
Sam itago mo yang bulaklak na bigay ko sayo ah, wag mong itatapon. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng binigyan ko ng bulaklak.
sabi ko
Ngumiti lang naman ito saka sumagot.
Ganun. pero bakit mo nga ako binigyan nito? tanong niya
Dahil espesyal ka sa akin Samantha. sa wakas nasabi ko rin sa kanya. Nagulat naman ito, first time ba niyang masabihin ng ganun. I bet no.
Pero nung makarecover siya, nagpasalamat ito sakin. Ngumiti lang ako
Malapit na kami sa school ng bigla ulit tumawag si Pau antayin ko na lang daw siya sa labas ng room kung saan siya nagkaklase.
Nasa parking lot na kami ni Sam, agad ko namang i-off ang sasakyan ko. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Sam at nagpasalamat.
Nagthank you rin ito sakin saka ngumiti, hindi na ako nagdalawang isip pa dinampian ko siya ng halik sa kanang pisngi niya. Para namang nakuryente ang labi ko nung dumampi ito sa malambot niyang pisngi.
Take Care. sabi ko pagkatapos ko siyang dampian ng halik sa kanyang pisngi.
Namumulang tumango ito sakin saka ngumiti.
Bumaba na rin kami sa kotse at nagtungo sa building namin same room rin pala ang pupuntahan namin.
Saktong pagdating namin, nagsilabasan na ang mga estudyante. Kaming tatlo palang naman ang nandito sa labas ako, sam at si vic.
Nauna na akong pumasok sa room dahil sasamahan ko si Pau na magbuhat ng mga gamit niya. Agad kong niyakap si Pau saglit lang naman iyon baka kasi may makakita at kung ano pa ang isipin nila.
Hindi ko naramdamang nakapasok na pala yung dalawa. Okay lang, sila lang naman eh. Tsaka alam naman na nilang kaibigan ko si Pau.
Binati lang naman nila si Pau saka nagpunta sa kanilang upuan. Ngumiti lang naman si Pau saka kami nagpaalam sa kanilang dalawa.
----
If ever you're in my arms again,
this time I'll love you much better.
~aseven
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.