Jaysel POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng apartment nila Sam. Gustong gusto ko na siyang makita, nakakainis kasi yung lalakeng nagpapapansin sa kanya. Panira siya, imbes na kaming dalawa ni Sam ang magkasama wala sinira niya.
Buti na lang dumating si Pau pero hindi kami nagmerienda dahil may klase pa siya, kaya yun umuwi na lang akong condo.
Papalapit na siya sa kinaroroonan ko, hindi ko tuloy mapigilang ngumiti. Bumaba ako ng sasakyan saka ko siya nilapitan. Yong itsura niya hindi ko na maintindihan parang nagtatanong na ewan.
Bigla ko siyang niyakap, nagulat siya sa ginawa ko maski ako rin naman. Hindi ko pa rin siya binibitawan feeling ko kasi ang tagal naming hindi nagkita at miss na miss ko siya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at nagtanong.
Anong ginagawa mo dito at bigla-bigla ka na lang manyayakap? nakataas ang isang kilay niya habang nagtatanong.
Tss! Para yakap lang eh. Magdidinner tayo, tara na! Hinila ko na siya pasakay sa sasakyan ko. Ang dami pa niyang sinasabi pero wala na akong pakialam dun.
Kaya kita pinuntahan dito dahil text ka nang text sakin. Naawa naman ako sayo baka mabaliw ka pag dmo ko nakita. Hahahaha! biro ko sa kanya. Tumingin lang naman ito sakin ng masama. Pinangigilan ko ang magkabilang pisngi niya. Saka sabing, Joke lang Sam. I miss you!
Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ako gusto kong iparamdam na espesyal na siya sakin.
Ngumiti ito, yong ngiting nagpapatigil ng mundo at kaluluwa ko. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ayiiee! Hihi
Tignan mo to, ang feeling! Ikaw nga dyan eh, namiss mo ko! Ang lakas talaga ng dating ko sayo Jaysel! Hahaha!
Panunukso nito sakin. Siya nga 'tong mafeeling eh.
Tinignan ko na lang siya ng masama saka ko pinaandar 'tong kotse para makaalis na kami.
Jaysel i-switch mo naman yang radio. Gusto kong makinig ng music eh. Please
Pagmamakaawa nito sakin, i-on ko na lang.
You and Me ng Lifehouse ang nagplaplay.
Sumulyap ako sa kanya, nakatingin lang ito sa may bintana pinagmamasdan ang nagtataasang gusali.
Samantha, saan mo gustong kumain?
tanong ko rito.
nakafocus pa rin ang mata ko sa daanan at hinihintay ang sagot niya.
Sa Mcdo na lang tayo Jaysel gusto ko kasing kumain ng french fries at sundae nila.
*Mcdo
Nag order na ako ng pagkain namin habang siya naman naghahanap ng mauupuan namin.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasang magtanong tungkol dun sa lalake kanina.
Sam boyfriend mo ba yung lalaking nag-aya sayo kanina? Infairness pogi siya ah. Sabi ko bago humigop sa pineapple juice ko.
Ah, si Blake. Hindi bestfriend ko siya. Wala akong boyfriend, break na kami. Ikaw? Saan kayo kumain kanina ni Ma'am? Super close niyo ha.
Sabi niya saka tumingin sakin na parang naiinis. Ewan. Hahaha
Pagkatapos ubusin ni Sam ang isang large fries. Niyaya ko na siyang umuwi dahil late na rin kasi.
Pagdating namin sa apartment nila, hinatid ko pa siya hanggang sa may pintuan nila. Wala pa ang pinsan niya, kinapa-kapa nito ang bulsa at tinignan na rin niya ang bag niya ngunit wala ang susi nito.
Nakalimutan niyang kunin ang susi niya sa kwarto niya. Tinext na rin niya ang pinsan niya ngunit bukas pa ang uwi nito.
Nagprisenta na lang akong sa condo ko na lang muna siya matulog. Nagpasalamat naman ito agad sakin.
Lahat naman gagawin ko para sa kanya, para sa ikabubuti niya. Ayoko siyang pabayaan.
Pagdating namin sa condo ko. Nagpahinga kami saglit saka ko siya pinauna nang maligo. Pumunta naman ito agad, binuksan ko lang naman yong T.V at nanood.
Paglabas niya ng banyo nakatapis lang ito ng tuwalya. Agad kong napansin ang maputi at makinis nitong balat. Ang ganda ng katawan niya, ang perfect nito kung titignan.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sakin bigla akong tumayo dahil ayoko ng nararamdaman ko baka kung ano pang magawa ko sa kanya.
Hoy Jaysel! Anong nangyare sayo? kanina pa ako nagsasalita dito, sabi ko pahiram ng undy at damit mo. Sabi niya habang nakapameywang.
Itiniro ko na lang kong nasaan ang aparador ko at kumuha na ako ng tuwalya at dumeretso sa banyo.
Paglabas ko nagpapatuyo na ito ng buhok, tinignan ko sa mula ulo hanggang paa. What the?! bat nakapanty lang siya?! Eh may pajama naman ako dyan, meron din akong shorts.
Sam may pajama ako dun ah hindi mo ba nakita?
tanong ko sa kanya. Busy pa rin sa pagbloblower ng buhok niya.
Nakita ko pero kasi Jay nakapanty at t-shirt lang ako pag natutulog eh.
Sagot niya. Okay bahala siya sa may sofa na lang siya matulog.
Nagbihis na ako, at ginawa ang ritual ko bago matulog. Naka shirt at shorts lang ako pag natutulog bihira akong magsuot ng pajama.
Inaantok na ako kaya niyaya ko na siyang matulog. Nahiya naman akong patulugin siya sa sofa kaya tabi na lang kami dito. Hihihi
Nahiga na ako pero siya nanunuod pa rin. Hindi nagtagal naramdaman kong pinatay na nito ang T.V at nahiga na rin sa tabi ko. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso ko at bumilis din ito. Para akong kinakabahan.
Good night Samantha! sabi ko sabay halik sa may noo niya. Yumakap lang naman ito sakin saka sumiksik sa may leeg ko. Nakuryente ako sa ginawa niya and at the same time nakiliti na sobrang natutuwa.
Good night din Jaysel. Sweet dreams. sabi niya habang nakasiksik pa rin siya sa may leeg ko. Nakiliti ulit ako. Ang sarap sa feeling ng ganito, lalo na't siya ang dahilan kong bakit ako nagkakaganito ngayon.
Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko pero masaya ako na parang nababaliw. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Samantha kasi! :)
---
Its been a while but I still feel the same.
aseven~
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romance"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.