Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito, ang usupan namin ay sasamahan ko siyang mag grocery pero heto kami ngayon nagmovie marathon sa bahay niya.
Inuutusan niya akong magluto ng dinner namin pero tinatamad ako. Kaya nag-order na lang kami ng pizza. Pagkatapos naming kumain nag-aya siyang lumabas roadtrip daw.
Pumayag ako dahil hanggang ngayon lutang pa rin siya.
Nagstop over kami sa may convenient store, bumili siya ng anim na beer at junk foods. Ako naman bumili ng tubig, chocolates at isang kaha ng sigarilyo.
Pabalik na kami ng kotse ko nung binigay ko sa kanya yung susi ng sasakyan.
Nagtatakang tumingin ito sakin.
What? tanong ko sa kanya
Hindi talaga makapag-antay yang bunganga mong kumain ng chocolates Jay.
sabi niya saka siya pumasok sa loob ng kotse.
Nginitian ko na lang siya.
Habang binabaybay namin ang napakalawak na kalsada. Sinusubuan ko rin siya ng chocolates, inggiterang dragon nga kasi talaga siya. Hahaha
Habang papalayo kami sa napakabusying siyudad unti-unti namang nagiging tahimik sa daanan, unti-unti ring naglalaho ang mga naglalakihang gusali sa paningin ko.
Hindi nagtagal tumigil na ang sasakyan, masayang tumingin ito sakin at sinabing..
We're here!Lumabas ako sa kotse para tignan ang ipinagmamalaking tambayan ni Pau, madilim at napatahimik dito. Magandang tambayan ng mga taong may problema at gustong magrelax o mag-isip.
Naupo kami sa may damuhan, sapat na ang liwanag na nang gagaling sa kalangitan at ang ilaw ng sasakyan upang makita namin ang isa't isa.
Sariwang hangin ang malalanghap mo at malamig na hanging dumadampi sa balat namin. Nag-iiba talaga ang ihip ng hangin tuwing sumasapit ang ber months.
Inabot niya sakin ang isang bote ng beer, nagsindi rin ako ng sigarilyo para maibsan ng konti ang lamig na nararamdaman ko. Inabutan ko rin siya ng yosi at kinuha niya ito.
Humithit muna ito ng yosi saka nagsalita.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko Jay. Mababaliw na ata ako.
Sabi niya saka lumagok ng beer.
Bakit naman? Dahil nanaman ba kay Troy?
Tanong ko sabay hithit sa yosi ko.
Hindi. Dahil ito sa Ate mo, tungkol kay Jane, tungkol sa akin. Wala akong mapagsabihan dahil alam kong hindi nila ako maiintindihan at alam ko ring ikaw lang ang makakaintindi nito. Seryoso ngunit kinakabahang sabi nito..
May problema ba sila? Yan ang unang pumasok sa isip ko. Malamang!
Ituloy mo lang Pau, makikinig ako. Malumanay na sabi ko.
Lately kasi.. Ano... Ahm.. Ah...Ano kasi Jay..
Kinakabahan at Paputol-putol niyang sabi.
Ano Pau?! pasigaw na tanong ko sa kanya. nakakaasar kaya!! ngaun pa nabuhol dila niya.
Inlove ako sa Ate Jane mo. Mahina ngunit narinig kong sabi niya. Pero what?!!!
What?!!!! Inlove ka sa ate ko?!!! Panu nangyare yun?!!! Gulat na tanong ko sa kanya.
Yang boses mo nga hinaan mo, feeling mo naman nasa kabilang bundok ako. Wagas makasigaw, nasa tabi mo lang kaya ako. Reklamo niya.
Nakakagulat ka naman kasi.. Nung huli tayong nagkausap tungkol kay troy iniyakan mo pa nga siya diba tapos ngayon inlove ka na sa Ate ko. Panu nangyare yun?
Tanong ko
Alam mo namang magbestfriends kami ng Ate mo diba, kasi naman yang ate mo masyadong sweet, maalagain, childish, madaldal pero nung maghiwalay kami ni Troy mas lalo siyang naging sweet and everything. Tapos yun Jay, hindi ko naman na namalayang nafafall na pala ako sa kanya. Haaaay! Ewan..
Pagcoconfess niya.
Ahh.. So anong balak mo ngayon? Tanong ko.
Aakitin ko siya. Tsaka kailangan kong malaman kung sino ang karibal ko sa puso niya. Nga pala Reyes baka kilala mo? Sabihin mo nlng sakin at patatahimikin ko siya.
Baliw talaga tong dragon na to. aakitin niya si Ate? Ni-hindi nga namin alam kung ano ba talaga ang gusto niya lalake ba o babae. Kasi naman.. Sa mga naging manliligaw niya ni-minsan hindi siya nagpakita ng kahit anong interes, ganun din sa babae maliban nlng kay Pauline. Hahaha
Hindi ko rin kilala. Alam mo namang masekreto si Ate pagdating sa buhay pag-ibig niya. Pagselosin mo nlng siya Fernandez. Try mo lang, tas subukan mo rin siyang iwasan. Sabi ko
Ubos na namin yong anim na beer na binili niya, may balak pa ata siyang ubusin tong isang kahang sigarilyo na binili ko.
Hmmm.. Oo nga noh, pero paano pag hindi pa rin. Tulungan mo ako Jay.. nag mamakaawang sabi niya
Umamin ka na sa kanya. Sabi ko
Ako na ang nagmaneho pauwi.
Nang makarating kami sa condo ko, dumeretso agad si Pau sa kama ko at nahiga. Parehas kaming pagod at gusto nang magpahinga ngunit ang baho namin amoy alak at sigarilyo. Ayoko namang matulog nang ganito ang amoy ko noh depende na lang talaga pag lasing na lasing na ako.
Naligo ako.
Ginising ko naman si Pau para makapagshower na rin siya. Bumangon naman ito agad at nagtungong banyo.
Habang nasa banyo si Pau, sinamantala ko naman ang pagkakataon upang makausap si Sam.
Dinial ko agad ang number niya. . . Ringing. . .
Medyo matagal bago niya sinagot ang tawag ko.
Ako: hey sweety..
Sam: sweety ka dyan! bakit?Ako: gusto ko lang marinig boses mo sam.
Pagkasabi ko nun, narinig ko ang mahinang tawa niya. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Sam: ang korni mo jay. tulog na tayo, goodnite monster! See you tom.Ako: sayo lang naman ako nagiging korni eh. Sige, goodnite sweety. Pasensya na naistorbo ko pa ata pagtulog mo.
Walang anumang lumabas sa bibig niya konti ang napakalambing na pagtawa niya. Hinintay kong siya ang mag end ng call.
Nahiga na akong may ngiti sa aking labi. Hehe!
Pag-umamin naman ako sa kanya pakiramdam ko naman may pag-asa ako. Shet! Sana nga.
Paglabas ni Pau ng banyo nakadamit pantulog na ito. Papalapit na ito sa kama ko at tatabi na sa akin kaya bigla akong bumangon at sa sofa na ako matutulog.
Saan ka pupunta? Tabi na tayong matulog Jay ang luwang ng kama mo oh.
Sabi niya
Nahiga na ulit ako at humarap sa kanya.
Good night Fernandez..
Sabi ko hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ko.
Yang mga ngiti mong yan Reyes, ngayon ko lang nakita. Sino siya?
Pang-aasar niya
Hindi ako sumagot bagkus lalo akong napangiti dahil sa pang-aasar niyang yun naisip ko nanaman si Samantha.
Hindi naman na siya nangulit pa at nag good nite na rin sakin.
-
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)
Romansa"Sa lahat ng naging bisyo ko, alam mo bang ang mahalin ka ang pinakapaborito ko." -Jaysel Lesbian Story po ito.