Chapter Five- Crazy Idea

1.9K 54 4
                                    

" Bassy, good news. Everything is all set."

Balita sa kanya ni Marah na abala sa kanyang kasal.

" Di mabuti."

Walang gana niyang sagot. Ngayon ang flight niya pabalik ng Pilipinas. Isang buwan na ang nakakaraan mula ng lumabas sa bibig niya ang paghahabap niya ng mapapangasawa. At sa loob ng isang buwan pinigilan niya ang nakahiligan.

Sinubukan niyang umiwas sa mga casual sex. At hindi na din siya kumikindat sa mga natitipuhan upang maisama niya kung saan.

" Ano bang klaseng sagot iyan? Parang hindi ka excited! But don't worry, Bassy. Magiging exciting ang buhay may asawa mo. Promise!"

Tinig nito sa kabilang linya na mukhang excited na excited sa nalalapit niyang kasal.

" Bakit mahilig din ba iyan?"

Tanong niya na nagpa halakhak sa kapatid.

" Basta! I am really excited about this wedding. Hindi na ako makapag hintay."

Sabi pa nito at parang nahawa na siya sa excitement nito.

" What is her name by the way?"

Biglang naalala niyang itanong.

" Tsk! Huwag mo nang alamin. Pandagdag sa excitement mo."

Sabi nito na muling tumawa.

" Maganda? Baka hindi ako ma aroused sa kanya, Marah. I will not say I Do!"

Banta niya dito na hindi pa din natigil sa katatawa ang kausap.

" Naku, Bassy! Hindi lang ang etits mo ang tatayo. Promise talaga! She's the change you've been waiting for."

Napapalatak na lang siya sa eksaherado nitong description sa mapapangasawa.

" Siguraduhin mo, dahil kayo ni Alfie ang mananagot sa akin!"

" Nah! She's the girl for you Bassy. She can change your life."

Seryoso na nitong sabi. He just heaved a sigh. And silently wish ' sana nga'.

" Well, thinking that I will enter in a new chapter of my life. I'm excited. Kahit sino pa siya, we will face this husband and wife relationship with a bang!"

Muli niyang narinig ang pagtawa nito.

" That's the spirit, Bassy. Congratulations, brother. And all the best!"

Sabi nito at nagpaalam na. Ibinaba niya ang cellphone. Tamang tama na din at boarding na. Hindi niya inalis sa sarili ang excitement na ipinasa ni Marah sa kanya.

" I'm sure, she's beautiful."

Pagkonsola niya sa sarili. She will be Mrs. Soler, and not only they are known for being wealthy. But they are popular for having good genes.

" Hindi naman sila siguro hahanap ng makakasira sa aming magandang lahi."

Pandagdag niya sa konklusyon na maganda ang kanyang magiging asawa. Pero nang nasa upuan na siya ng business class. Kinuha niya ang cellphone saka gumawa ng tawag.

"Mama!"

Agad niyang sabi ng sagutin nito ang tawag.

" Hello, Bassy. Where are you?"

" I'm on board, pabalik na ako."

"Good!"

Mabilis nitong sabi na agad siyang natawa dito.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon