" Shit!"
Mas sumidhi ang sakit ng ulo niya ng tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha.
" Your head hurts?"
Sinundan niya ng tingin ang pinagmulan ng boses.
" Heather."
Alanganin itong ngumiti sa kanya.
"I'm sorry. Hindi na ako nakabalik for our dinner."
Hingi niya ng paumanhin at bumaba ng kama.
Natigilan siya ng makitang wala siyang saplot kahit isa sa katawan." Fuck!"
Napamura siya at nag aalalang tumingin kay Heather.
" I did not force you. Did I?"
Umiling ito at hinagisan siya ng tuwalya na itinapis niya.
" Are you sure?"
Tanong niya at sinimangutan siya nito.
" Si San Pedro sana ang nakita mo at hindi ako."
" Sabagay."
Sabi niya at nagtuloy siya ng banyo. Kailangan niyang mag shower para maging maayos ang pakiramdam niya. Agad siyang tumapat sa vanity mirror upang pag toothbrush, pero agad siyang napakunot noo at sinipat ang sarili.
" I have black-eyed?"
Paglapit niya sa salamin ay ang labi ang pinag tuonan niya ng pansin. Namamaga iyon, sa halip na maligo ay muli siyang lumabas. Nakaharap sa bintana si Heather habang nagkakape.
" Heather!"
Tawag niya dito na nilingon siya. Nagtatanong ang mga mata.
" Bakit may black eye ako?"
Tanong niya.
"Sinuntok kita."
Sagot nitong balewala. Kaya napa awang ang labi niya.
" Bakit mo ginawa iyon?"
Tanong niya dahil wala siyang maalala.
" Hindi mo matandaan ang ginawa mo kagabi?"
Tanong nito na humalukipkip sa kanya. Tumango lang siya, at pinagmasdan ang labi nito na mukhang, may kumagat.
" Baliw ka pala pag nalalasing ka."
Sabi nito na iningusan siya. Lumapit siya dito at sinipat ang mukha nito.
"I'm sorry if I did this to you, Heather. I swear I didn't mean it."
Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ito sa baba.
" Hindi ikaw ang may gawa nito."
Sabi nito at umiwas ang tingin sa kanya.
" Nakipag laplapan ka sa iba?"
Tumaas ang boses niyang tanong.
" Gusto mo suntukin ko ang kabila mong mata para pantay ang black eye mo?"
Galit nitong sabi at pinalis ang kamay niya.
" Anong ginawa ko sa iyo?"
Tanong niya na dahil walang siyang matandaan. Maliban sa pag iinom niya kasama si Janina.
"Isipin mo! Maligo ka na at mamasyal na tayo para maka uwi na tayo. Dumadaan ang araw nagiging sira ulo ka na Bassy!"
Sabi nito at tinalikuran siya. Gusto pa sana niya itong tanungin pero minabuti na bumalik ng banyo. Tama ito, gusto na din niyang umuwi. Kailangan niyang kausapin si Alfie.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...