" Bassy!"
Kasunod ng matinis na boses nito ang paglambitin nito sa kanyang katawan. Natatawa niya itong niyakap.
" Janina!"
Saglit sila sa ganung tagpo bago ito bumitaw at humalik sa kanyang pisngi.
" I miss you Bassy."
Sabi nito na ikinulong ang kanyang mukha sa palad nito.
" Halata ko nga."
Sabi niya at inakbayan ito at sabay silang pumasok sa loob ng guesthouse na pag aari ng mga ito. At suki na siya ng mga ito.
" Hello, Tita Lav."
Bati niya sa ina ni Janina na nasa reception. Nakapag asawa ito ng Swiss national at nagpundar ng guest house.
" Long time no see, Bassy."
Masaya nitong bati sa kanya.
" Yeah, honeymoon ko kaya ako na ligaw."
Sabi niya at lumingon kung saan nakasunod si Heather na hindi maipinta ang mukha.
" Really? Ang tulad mong playboy mag aasawa?"
Sabi ni Janina na tumingala sa kanya. Naka hawak pa din ito sa bewang niya at ang kamay niya ay nasa balikat pa din nito.
" Understanding ang asawa ko. Kaya ko nga pinakasalan."
Nakangiti niyang sabi at hinagilap niya ang kamay ni Heather at hinila palapit kanya. Saka hinapit ito sa bewang.
" Tsk, looking at you right now. Only an understanding woman will tolerate you Bassy."
Naiiling na sabi ni Tita Lav. Saka pinandilatan ng mata si Janina.
" Umalis ka kay Bassy, Janina. Break na kayo para mag lampungan! At may asawa na siya."
Pinagalitan nito ang anak na mahaba ang nguso na umalis sa kanya.
" Oo nga pala, Jan. Break na tayo."
Baling niya dito at si Heather na lang ang kanyang inakbayan. Pero kinindatan pa niya ito na mahinang natawa sa inakto niya.
" Give us the room with the most beautiful view, Tita Lav."
Sabi niya sa ina ni Janina. At inabot sa kanya ang susi ng magiging silid nila.
" Halika ka na. Let's rest for a while before we see Lake Brienz."
Pagyaya niya dito na walang imik. Hindi naman nito inaalis ang kamay niya sa balikat nito.
"Are you okay, Heather?"
Agad niyang tanong pagpasok nila sa silid. Kapansin pansin kasi ang pananahimik nito.
"I think so."
Matipid lang nitong sagot at matapos ibaba ang bag sa sofa ay lumapit sa floor to ceiling na kurtina at binuksan. Tumambad ang scenic view mula sa bintana. Pero ang pananahimik at simangot nito ay hindi nagbago.
Nilapitan niya ito at ang mga braso ay ikinulong sa magkabilang gilid nito. Kaya nakulong ito sa kanyang mga bisig.
" Bassy!"
Agad nitong reklamo sa posisyon niya.
" What? Kakausapin lang kita ng masinsinan."
Sabi niya at idinikit ang katawan sa likod nito at nadikit ito sa bintana.
" Wag ka ng gumalaw.Para matapos na tayo."
He intentionally traps her between his muscled arm. Mahina lang itong umungol sa inis.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...