Chapter 37: Vulnerable Bassy

1.7K 60 7
                                    

What is this?!"

Hindi siya makapaniwala sa kapatid ng ipalabas nito ang bagong dining set at palitan ng bago.

" Hindi ko maatim kumain dito kung hindi mo papalitan ang mesa ninyo. The sight of both of you makes me feel sick!"

Sabi nito na minanduhan ang mga kasama nitong mula sa furniture store base sa uniporme ng mga ito. Tinaasan lang niya ito ng kilay.

" Virgin?"

Pang aasar niya sa kapatid na pinanlakihan siya ng mata.

"Ikaw ha? Hindi mo man lang pinahirapan si Bassy. Ang dali mong mag give in."

Pangaral nito sa kanya na naupo sa sofa at humalukipkip habang nakatingin sa kanya.

" Kaya pinahihirapan mo si brother-in-law?"

Tanong niya dito at saka binuksan ang malaking TV.

" Alam mo naman ang pinagdaanan ko, Heather. Saka nangako na ako sa sarili ko."

Malungkot nitong sabi na nagpawala ng buntong hininga.

" Did you tell him about Dylan?"

Bigla siyang nalungkot pagbanggit sa pamangkin. Nasa poder ito ng kanilang magulang at ang mga ito ang nag aalaga. Dito na din nasanay ang pamangkin,dahil halos ang mga ito ang nagpalaki. Ipinagpatuloy kasi ni Dahlia ang pag aaral at ka tuwang na ito ng ama sa pag manage ng kanilang negosyo.

" Walang dahilan para sabihin ko sa kanya ang anak ko. Baka lalong bumaba ang tingin niya sa akin."

Napakunot ang kanyang noo at tiningnan ang kapatid.

" Why are you saying that?"

" He makes me feel that way, Heather. Ang gwapo niya kahit sino makukuha niya. At pakiramdam niya ganun na din ako. Lalo na pag malaman niya na nagka anak na ako sa murang edad. Baka para na lang akong basura pagkatapos niya akong makuha."

Napailing na lang siya at napapalatak.

" I understand you now why it happened. You will feel drowning in the emotions at sa masarap na pakiramdam ng pakikipag sex. Hindi mo ma kontrol ang sarili mo, lalo na napaka sa lahat ng bagay ang ka sex mo."

Hinampas siya ng kapatid sa hita na tinawanan lang niya.

" Kung magsalita ka Heather ha?!"

Pinanlakihan siya nito ng mga mata.Muli lang niya itong tinawanan.

" Kidding aside, Dahlia. Mukha naman siyang interesado sa iyo. Why not give him a chance?"

Hinawakan pa niya ito sa braso at saka tiningnan sa mukha.

" He deserves someone better. Hindi katulad ko na may anak na hindi alam ang ama."

" Masyado mo naman pinababa ang sarili mo Dahlia. Kung mahal ka niya tatanggapin ka niya."

Umiling lang si Dahlia saka kinagat ang mga labi.

"Saka hindi dahilan ang paggiging dalagang ina mo para isipin mo na wala ka ng karapatan na maging masaya. Give yourself a chance, Dahlia."

Masuyo niyang pinisil ang palad nito. Muli lang itong nagpawala ng malalim na buntong hininga.

"I am so disappointed in myself back then. At ayaw ko ng maramdaman iyon."

" Paano kung mahal ka niya talaga?"

Tanong niya sa kapatid. Dahil ngayon na may asawa na siya at masaya sila ni Bassy gusto niya maranasan din iyon ng kapatid.

" He's a playboy Heather, a horny playboy. Pag makuha na niya ang gusto niya sa akin. Mawawala ng parang bula ang interest niya. At ayaw kong magkaroon na naman ng panibagong Dylan na wala akong maipakilala na ama."

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon