" Dahlia, don't freeze my account."
Nagising siya sa boses ni Heather na may kausap sa cellphone.
" I need money."
Sabi pa nito at saglit na nakinig sa kabilang linya.
" I know! Ayaw kong humingi ng pera sa kanya dahil lang asawa ko siya. Besides, wala akong kayang ibigay sa kanya. I can't cook and do house chores. Lalong hindi ko kayang makipag sex sa kanya. Hindi kami talo."
Tumigil ito sa pagsasalita at nakinig sa kausap.
" At least I can get his respect. We can be best partners."
Sabi pa nito maya maya. Ipinikit lang niya ang mga mata at wala siyang pagpipiliaan kundi ang makinig.
" I need money. Pupunta kami sa Thailand for the honeymoon trip."
Nagmulat siya ng mga mata sa narinig. May binigay nga palăng honeymoon trip, si Navin.
" Hindi ko pupuntahan si Ingrid."
Nag iba ang tono nito. Noon na siya gumalaw at bumangon. Lumingon ito sa kanya.
" Ginawa ko ang gusto ninyo. Sana tuparin ninyo ang pinag usapan."
Ibinaba na nito ang tawag at humarap sa kanya at ngumiti.
" Good morning. Let's have breakfast."
Sabi nito at itinuro ang pagkain na nasa mesa. Marahil maaga itong nagising.
" Okay, I will use the bathroom and then join you."
Pumasok siya sa banyo na ang narinig ang nasa isip.
" Must be her girlfriend."
Agad niyang tinapos ang morning routine at lumabas na upang mag agahan. Nasa mesa na si Heather at nagtitimpla ng kape.
" Let's eat. Hindi ka daw maselan sa kape. Try mo ang timpla ko."
Sabi nito at tiningnan niya ang tasa ng kape na nasa harap niya.
" Salamat."
Matipid niyang sabi at nagsimula na silang kumain. Dahil hindi siya kumain bago natulog pakiramdam niya gutom na gutom siya.
Hindi niya napansin na pinagmamasdan pala siya nito.
" So you eat like a king during breakfast."
Komento nito na pancake lang ang nasa plato. Tumango lang siya.
" Are you okay? May hangover ka ba?"
Tumigil siya sa pagkain at tumunghay dito.
"Who's Ingrid?"
Hindi na siya nakatiis na itanong.
"Narinig mo."
Pahayag nito, nakipagtitigan ito saglit sa kanya saka nagsalita na hindi tumitingin.
"She's special to me."
" I want you to be honest with me, Heather. If you want to meet her just tell me. We may not be a real couple, but I demand honesty in our relationship."
Seryoso niyang sabi. Tumango ito sa kanya na hindi tumitingin.
" Look at me, Heather."
Tawag niya dito. Tumingin naman ito sa kanya, her lips pressed into a thin line. Pero namamasa ang mata nito, makes her eyes seem glowing. Nagpawala siya ng buntong hininga.
" Do you love her?"
" She's special to me, Bassy."
Ulit nito sa nararamdaman para sa babae. Tumango tango na lang siya.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...