Chapter 34: Still Heather

1.6K 46 4
                                    

" Think it over, Heather."

Pakiusap ni Dahlia sa kanya. Sinamaan lang niya ito ng tingin.

"Sino naman ang sira ulo na magpapa arrange ng kasal sa panahon ngayon?"

Naiinis niyang tanong sa kapatid na matapos niyang umuwi mula sa bakasyon sa US at sunduin siya sa bar ay grounded siya sa hacienda.

"Try to read his profile. Hindi naman siya sira ulo, gusto lang daw mag asawa dahil sawa na sa pagiging binata."

Sabi nito at inabot ang folder na padarang niyang kinuha. Bumungad agad sa kanya ang larawan nito na nasa beach at hubad.

" Bassy?!"

Gulat niyang sabi at sinipat ng mabuti ang picture nito.

Gulat niyang sabi at sinipat ng mabuti ang picture nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Goodness!"

Kasunod niyang bulalas dahil sa katawan nitong hantad.

" Ripped muscles, handsome face. A pilot and very rich. Heather, ikaw ay may sira sa ulo kung aayawan mo ang lalaki na tulad niya."

Pag kumbinsi nito sa kanya pero inirapan niya.

" Sabi ni Arriane, nuknukan ng hilig itong lalaki na ito.Sa laki ng katawan niya hindi ko naman mabubugbog yan."

Hindi pa din niya inaalis ang tingin sa larawan nito. Wala siyang pakialam sa profile nito.

" Saka bakit ganito ang picture naman na nilagay. Anong palagay niya mahilig ako sa lalaki?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Dahlia at tumabi sa kanya.

" Iyan ang naisipan ng kapatid niya. Mas ang kuya yata niya ang  hindi normal mag isip."

Sabi nito na nakangiti. Kaya sinipat niya itong mabuti.

" Maliban kay Dylan, may iba ng lalaki na nakakapag pangiti sa iyo?"

Tanong niya sa kapatid na agad nawala ang ngiti sa labi at tiningnan siya. Agad na nagbago ang kislap ng mga mata. Nanduon ang lungkot.

" I'm decided, Heather. Siya  na lang ang buhay ko sa kanya  na lang ako mag focus."

Nagpawala ito ng malalim na buntung hininga.

" Alam ko I'm the reason why you're becoming like this. At hindi masaya sina Mommy at Daddy para sa ating dalawa. Kaya please lang Heather, baka naman pwede kahit ikaw na lang ang magbigay ng kasiyahan para sa kanila."

Hinawakan niya muli ang larawan ni Bassy at tinitigan habang nakikinig sa kapatid.

" Pareho lang tayo na umaasa na magkaroon ng magandang love story tulad nina Mommy at Daddy. Hindi na ako umaasa doon. Pero ikaw Heather may chance ka. You can have a happy marriage life kung gugustuhin mo."

" Paano naman ako magiging happily marriage sa horny na lalaki na tulad nito?"

Tanong niya at dinutdot ang larawan ni Bassy sa parte ng malapad nitong dibdib.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon