Chapter 43: Change Person

1.7K 59 9
                                    

" Heather, please! What did I do?"

Tanong niya kay Heather na parang bata na nakayakap sa ina nito na umiiyak. Naabutan na niya ito sa sala. Nagtatanong ang mata ng mga magulang nito at si Dahlia. Ang kapatid naman niya ay parang supervisor na naglilibot sa living room. Ini inspection ang bawat picture frame at painting na makita.

" Ayaw muna kitang makita, Bassy. Umalis ka na lang!"

Hindi ito tumitingin na pagtataboy sa kanya.

" Bakit anong ginawa ko? Anong kasalanan ko?"

Hindi niya itinago ang matinding pagdaramdam.

" I'm hurting really bad, Heather. I'm a changed person because of you. Ikaw lang ang gusto at mamahalin ko pero kung hindi ako sapat. Sige payag na akong dalawa kami ni Ingrid. I will compromise, just promise me I can still hold you, Heather. Mahal kita, na kahit ako hindi ko alam hanggang saan ang kaya kong gawin para sa iyo."

Na patungo siya dahil sa naramdaman niyang nagiinit ang sulok ng kanyang mga mata. Naramdaman niya na may humawak sa balikat niya. Hindi niya nilingon dahil sa pinipilit niyang itago ang butil ng luha na nagbabadyang pumatak sa ka mesirablihan na nararamdaman.

" Ahh, nakakainis ka naman Bassy!"

Parang bata na umiyak si, Heather. Lahat sila ay hindi nila alam ang kung anong nangyari at paano ito aaluin.

" Heather, please. Sabihin mo ano ang gusto mong gawin ko? Maliban sa iwan ka kasi ayaw ko!"

Pakiusap niya na balak itong hawakan pero nagtago ito sa likod ng ama nito.

" What's wrong with you, Heather? Para kang na trauma kay Bassy. Ano bang ginawa ng asawa mo sa iyo?"

Naniningkit ang mata nito na sumulyap sa kanila ni Heather.

" Wala!"

Humihikbi nitong sagot. Umatras ang luha niya sa reaksiyon ni Heather. Napalitan ng kalituhan at pagtataka.

" Wala naman pala. Totoo ba ang akusa niya about you and Ingrid?"

Muli nitong tanong kay Heather na bahagyang hinila upang magkaharap sila.

" Hindi! She's just my friend."

Sagot nito na may kasamang iling.

" So, what's the problem? Bakit mo pinagtataguan si Bassy?"

Tanong ng ina ni Heather. Saglit na sumulyap si Heather saka pumalahaw ng iyak.

" Anak ng... ano ba talaga ang ginawa ng asawa mo sa iyo?"

Nagpipigil ang galit ng ama ni Heather. Literal na blanko siya sa inaakto ng asawa. Bahagya siyang siniko ni Alfie.Tiningnan siya nito with what did you do look. Umiling lang siya at hindi inalis ang tingin kay Heather.

" Sinaktan ka ba? Physically? Emotionally?"

Muling tanong ng ama nito na hinawakan sa mag kabilang balikat si Heather na sige pa din ang pag iyak.

" Not really."

Humihikbi nitong sagot. Napasuklay ng di oras ang kanyang daliri sa kanyang buhok. Kahit na ang gusto niya ay sabunutan ang sarili sa naririnig ất inaakto ng asawa.

" Explain!"

Utos ng ama ni Heather na hawak pa din sa balikat.

" I don't know if it's because of him! But yeah, kasalanan niya ito kung bakit ako ganito !"

Itinuro pa siya nito. Nandun ang inis at isa pang damdamin na hindi niya kayang pangalanan.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon