" Not bad!"
Iyon ang reaksiyon ni Heather ng makapasok sa malawak na honeymoon suite. Napatingin ito sa malapad na kama na mày mga rose petals.
Pumalatak lang ito at napailing. Saka humarap sa kanya.
" Alam mo naman na walang honeymoon na mangyayari? Pero kung gusto mo..."
Hindi nito itinuloy ang sasabihin dahil tiningnan niya ito sa mga mata.
" I met someone in the reception. Kilala ka daw niya, she has my number. Kung gusto mo I can call her, I will just check in in another room."
Sabi nito na nakayuko.
" So ganito ba tayo? Kung gusto ko ng babae ikaw ang bahalang mag book?"
Tanong niya na lumapit pa dito. Hindi ito umatras pero hindi tumitingin sa kanya.
" I can't give you what you need!"
Madiin nitong sabi. Nagtangis ang kanyang bagang sa matinding inis.Hanggang umangat ang mata nito upang tinggnan kung bakit natahimik siya.
" Hindi ngayon. I'm not in the mood."
Sabi niya at nilagpasan ito. Tumayo siya sa gitna ng silid at isa isang hinubad ang suot.
" What are you doing?"
Tanong nito ng tuluyan niyang hubarin ang pang itaas.
" I'm going to take a shower."
Sabi niya at binuksan na ang sinturon. Humarap pa siya dito na hindi niya maipaliwanag ang nakabadhang reaksiyon sa mukha.
" Bakit apektado ka ba?"
Tanong niya at tuluyan na ibinaba ang slacks na suot.
" Hindi!"
Mabilis nitong sagot pero tumalikod sa kanya. Isang ngisi lang ang sagot niya at pumasok ng bathroom. Pinagmasdan niya ang repleksiyon sa salamin.
" Walang umaayaw sa iyo, Bassy.Iisang tao lang at asawa mo pa."
Nagpawala siya ng malalim na buntong hininga at tumapat sa ilalim ng shower. Pinagsawa niya ang sarili hanggang kumalma siya. Lumabas siyang naka bathrobe at nakita niya si Heather na naka Indian set sa kama at nag i- scan ng palabas sa TV.
" I'm done. If you want to use the bathroom."
Kuha niya nang atensyon dito.
" Mamaya na. Nagugutom ako, I'm waiting for the food to arrive."
Sabi nito at huminto ang pag scan nito sa isang action fantasy na palabas.Hindi ito lumilingon sa kanya. Tinabihan niya ito sa kama.
" Baka gusto mong magbihis?"
Tanong nito na hindi siya nililingon.
" Hindi ako natutulog ng may damit."
Sabi niya na pinagmamasdan ang reaksiyon nito. Saglit itong natigilan at nilingon siya. Tinaasan niya ito ng kilay.
" Bakit apektado ka ba?"
Tanong niya dito, sinusukat niya ang pasensya nito.Kumunot ito ng noo.
" Hindi!"
Matigas nitong sabi.
" Good!Kung ganun wala tayong problema."
Malaki na ang kanyang ngisi sa labi habang nakikipanood ng TV dito. Nagpawala ito ng buntong hininga.
" Hindi naman tayo magkaka problema kung hindi mo ako pakikialaman."
Sabi nito na itinuon ang pansin sa pinapanood.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...