" Lui boy, I need some assistance."
Narinig niyang sabi ni Alfie. Alam nitong wala siya sa matinong pag iisip ngayon. Habang nakikipag usap si Alfie kay Luigi ay nag iisip siya ng pwedeng i compromise para lang bumalik ang asawa sa kanya.
" Hello, Dad."
Narinig nilang sabi ni Dahlia at pareho silang napatingin sa dalaga.
" What?!"
Maya maya ay sagot nito at sumulyap sa kanya. Ngayon alam na niya na tungkol iyon kay Heather.
" Alright, Dad."
Huling salita ni Dahlia bago ibaba ang tawag. Lumapit siya dito dahil sa matinding antisipasyon.
" It's about Heather, isn't it?"
Tanong niya kay Dahlia na napaatras dahil hinatak ito ni Alfie palapit sa katawan nito.Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Dahlia sa kanyang kapatid.
" What was that, Alfie?"
Nababanas niyang tanong kay Alfie. Pero mas humapit ang braso nito sa beywang ni Dahlia.
"I want her close. Baka hindi ko marinig ang sasabihin niya."
Sarkastiko na sagot ni Alfie. Pero wala siya sa mood para asarin ang kapatid.
" Let's go."
Sa halip na sabihin sa kanya ni Dahlia ang napag usapan ng ama ay nagyaya itong lumabas ng CCTV monitoring room.
" Parang linta."
Komento niya kay Alfie na hindi hinayaan na makawala si Dahlia. Mabilis itong inakbayan at sabay na lumabas ng silid.
" Linta agad? Pwedeng I don't want to miss my Dahl?"
Pakli ni Alfie na biglang huminto si Dahlia at hinarap ang kapatid.
" I'm not yours!"
Tumaas ang gilid ng labi ni Alfie .
" Okay! But I'm yours, Dahlia. You're holding my heart."
Mabilis na sabi ni Alfie na nakapag paawang sa labi ni Dahlia.
" Even I'm not..."
Sumulyap si Dahlia sa kanya. Pero hindi siya interesado sa usapan ng dalawa.
" I don't care even though I'm not your first."
Hindi nakasagot si Dahlia sa sinabi ni Alfie kaya siya ang nagsalita.
" First and foremost, lovebirds. Pwedeng unahin natin ang dahilan bakit tayo nandito?"
Singit niya sa pag uusap ng dalawa na tinaasan pa niya ng kilay.
" Oh yeah!Umuwi sa hacienda si Heather. At mula ng umuwi hindi kumakain iyak lang ng iyak."
" What?! Why? She's not with Ingrid?"
Gulat niyang tanong. Iniisip pa naman niya kung paano i dispatsa si Ingrid.
" Look's like it. At nag alaala na parents ko sa kanya."
Sagot ni Dahlia na hinawakan naman sa palad ni Alfie. Wala itong nagawa kundi sumunod kay Alfie.
" Alfie! Why are you like this?"
Angal nito sa kanyang kapatid habang nakasunod kay Alfie na mahigpit ang hawak sa kamay.
" Tsk! Baka mawala ka din tulad ng kapatid mo. Mabuti na ang ganito."
"Anak naman...! Anong nakain mo at ganyan ka, Alfie."
Hindi niya napigilan na sabi sa kapatid.Huminto ito at lumingon sa kanya. Saka tumingin kay Dahlia na nakangiti.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...