Chapter 21: Roaming Around

1.5K 43 10
                                    

" Are you in the mood to go out?"

Tanong niya kay Heather na nakatingin sa magandang tanawin na kita sa veranda ng silid na inuokopa nila.

" Yeah, I think so."

Sagot nito na napangiti siya. Sa tatlong araw nilang pagkukulong lang sa silid ay puro pelikula ang pinagkaabalahan nila. Pero wala man lang silang pinanood na romance. Kapag hindi fantasy, action o kaya horror.

" Good! Let's visit, Interlaken."

Isa iyon sa lugar na lagi niyang pinupuntahan.

" We will not sleep here tonight. Magdala ka ng gamit mo. Ipapasyal kita sa magagandang lugar dito."

Sabi niya dito na agad na tumalima.Sumunod din siya upang mag prepare din ng kanyang gamit.

" Don't bring too much. Isang gabi lang tayo."

Natigil ito sa pag kuha ng trolley bag at tumingin sa kanya na inilalabas ang isang duffle bag.

" I-"

Hindi nito maituloy ang sasabihin dahil wala naman itong handbag. Pinipigilan niya ang mapangiti.

" Hindi kita isasama kapag sa plastic bag mo ilalagay ang gamit mo."

Biro niya na sinamaan siya ng tingin.

" Halika."

Hinawakan niya ito sa kamay na nagpatianod naman. Pumunta sila sa master's bedroom na pag aari ng kanyang Lola Ysa.

Pumasok siya sa walk-in closet na halos isang silid na din ang laki. Meron collection doon ng mga bag at sapatos. Bukod pa sa mga damit na mamahalin.

" Pumili ka na ng gusto mo."

Sabi niya habang nasa harap sila ng estante ng mga mamahalin na bag.

" Ayoko! Hindi naman iyan sa akin."

Pag tanggi nito. Kaya naiiling na lang siyang tumingin ng pwede nitong gamitin.Isang itim
na Balenciaga tote bag ang nakita niya.

" This will do."

Sabi niya at kinuha sa estante.

" C'mon, Bassy. Isiksik mo na lang sa bag  mo ang gamit ko."

Pagtanggi nito pero ipinilit niyang hawakan nito ang bag.

" Mabuti na iyan na may bag ka. Kaya ko naman palitan iyan kung masira mo."

Sabi niya at hinila naman ito sa lalagyan ng mga sapatos.

" Hindi mo ako mapapasuot niyan. Utang na loob Bassy!"

Angal nito habang nakatingin sila sa mga sapatos na lahat ay may takong na hindi naman kataasan o kaya ay sandals.

" Tinitinggnan ko lang."

Sinipat niya ang mga mga sapatos na mukha naman na kasya dito. Lihim siyang napangiti.

" Walang kang gusto?"

Baling niya dito.

" Wala!"

Sagot nito na tinalikuran na siya. Isang pares naman ng designer glittered embellished leather mules ang kinuha niya. Saka sinipat ang mga mamahalin na damit at kumuha ng bestida at lumabas na ng master bedroom.

Pagbalik niya naka handa na ang gamit nito. Narinig niya ang paglagaslas ng shower kaya marahil naliligo ito. Ipinasok niya sa kanyang duffle bag ang sapatos at bestida saka tinapos ang paglalagay ng kanyang sariling mga gamit.

Ilang minuto lang siyang naghintay sa living room ng bumaba si Heather. Pinipigilan niya ang matawa ng makita itong nasa balikat ang tote bag. She's wearing black ripped jeans and a hoody. Branded na sneakers na puti din ang suot nitong sapatos. Bibit nito sa kamay ang aviator shades nito.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon