" Ang ligaya mo ah."
Puna niya kay Heather na nanonood naman ng Chinese fantasy series. Ito kasi ang nasunod sa panonood ng tv.
" Mas na entertain ako dito eh!"
Sabi nito na nakadapa sa kama at nasa harap ang iba ibang klase ng chips. Samantalang nakasandal siya sa headboard. Kaya ang makinis na binti at maganda nitong pang upo ang pinapanood niya.
"Baka naman kulang ka lang sa romance kaya iba ang preference mo. Manood ka kaya ng mga romantic movie."
Pag engganyo niya dito na sa katawan pa din nito nakatingin. Sayang talaga! Iyon ang nasa isip niya.
" Tigilan mo ako, Bassy! I told you..."
Biglang lingon nito na huling huli siya kung saan siya nakatingin.
" Manyakis ka talaga!"
Umigkas ang binti nito at sapol siya sa sikmura.
" Argh! Napaka bayolente mo!"
Hinawakan niya ang binti nito na agad naman nagpumiglas.
" Manyakis ka kasi!"
Ulit nito na pilit hinihila ang binti na hawak niya. And he is right, malambot at makinis iyon.
"Hindi ko kasi gusto ang pinapanood mo kaya ikaw ang pinanood ko!"
Pagdadahilan niya kaya inabot nito ang remote sa kanya.
" O! Iyan lang ba ang problema mo?"
Ngumiti siya dito at dumapa na lang din sa kama.
" Nah, it's okay. Let's watch. Hindi ko na sisilipin ang pang upo mo."
Sabi niya nang magpantay sila. Sinamaan siya nito ng tingin.
" Huwag mo akong inisin, Bassy ha? Baka isoli kita sa Kuya mong nagpilit na makasal tayo."
Halos umusok ang ilong nito.
" Ikaw kaya ang isoli ko sa family mo na umaasa na magagawa kitang tunay na babae."
Pakli niya dito. Halos mag labas ng apoy ang berde nitong mga mata.
" Mas mabuti!"
Mataas ang boses nitong sabi.
" Hindi ko gagawin iyon, Heather."
Sabi niya at kinuha ang lalagyan ng chips at kumain.
" And why not?"
" Minsan lang pumasok sa isip ko ang pag aasawa at paninindigan ko ito."
Saglit itong natahimik.
" Kahit hindi ka masaya?"
Tanong nito na alam niyang nakatingin sa kanya. Ang kanyang tingin naman ay nasa palabas.
" Sinong maysabi na hindi ako masaya?"
" Kahit hindi mo mahal ang asawa mo?"
Tanong nito muli at noon na niya ito tininggnan.
" Gusto mo mahalin kita?"
Saglit itong natutulala sa sinabi niya. Mahina lang siyang natawa at hinaplos ang ulo nito.
" You can count and depend on me, Heather. I promise I will not hurt you. Not intentionally at least."
Seryoso niyang sabi at umiwas ito ng tingin.
" God! Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng pagsasama natin na ito, Bassy. But if you find the real one, just let me know. Hindi ko ipagkakait ang pagkakataon sa iyo na magkaroon ng normal na buhay may asawa."
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...