"What a nice place you have, Dahlia. Ilang ektarya ang lawn ninyo? Parang mag e enjoy ang magiging anak natin sa lugar ninyo."
Narinig niyang papuri ni Alfie na palinga linga sa lugar ng bumaba sila sa helipad ng hacienda. Wala siyang reaksiyon dahil punong puno ng agam agam ang kanyang puso at isip.
Ano ang dahilan ni Heather at iniwan siya at umuwi sa bahay ng mga mga magulang. Konsolasyon man na hindi nito kasama si Ingrid. Pero iniwan pa din siya nito. Sa madaling salita ayaw nitong makasama siya.
" Por favor, Alfie."
Angil ni Dahlia sa kanyang kapatid. Kung sa ibang pagkakataon mag e- enjoy siyang ituon ang atensyon sa dalawa na hindi niya alam kung saan na nakarating. At kung ano papatunguhan ng kapatid sa ginagawa nito.
" Okay, malawak din naman mga farmhouses namin. Kahit doon na lang."
Sabi ni Alfie na umagapay sa paglalakad ni Dahlia.
" Alfie, please behave."
Pakiusap ni Dahlia kay Alfie na mahinang natawa sa sinabi ng hipag.
" Wala tayong gagawin dito promise."
Pangako ni Alfie at natigil na lang si Dahlia magsalita dahil pumasok na sila sa masasabi niyang modernize na mansion na nakatayo sa malawak na lupain.
Kahit paano nakadama siya ng kagalakan na makita ang bahay na kinalakihan ni Heather.
" Dahlia."
Sumalubong agad sa kanila ang magulang ni Heather. Halos magbubukang liwayway pa lang. Hindi niya alam kung nakatulog ang mga ito pero halata ang pag ala-ala at stress sa mukha ng mag asawa.
" Mag mano ka."
Pasimpleng bulong ni Alfie na bahagyang dumistansiya kay Dahlia.
" Ha?!"
Tanong niya. Siniko siya ni Alfie at muling bumulong.
" Magmano ka na."
Nakatingin naman sa kanila ang kanyang mga byenan.Matapos tumikhim ay lumapit siya at nag mano nga.
" What did you do to Heather?"
Kahit pumayag na abutin niya ang kamay at payagan siyang mag mano ay hostile ang anyo nito. Halata na nagpipigil at nakikita niya sa mga mata nito ang pagnanais na sagutin niya ang tanong.
"Wala po akong ideya bakit siya umalis sa penthouse namin."
Nakatingin niyang sagot. Hinagod siya nito ng tingin at tama lang pala na hindi siya nakapag palit. Hanggang ngayon naka pilot uniform pa din siya.
" I wanted to know what came into her. We were okay. Nagpa plano na kaming lumipat sa binili kong bahay para sa amin."
Hindi niya itinago ang lungkot sa tinig. Napailing na lang ang ama ni Heather.
" Ang maisipan lang talagang gawin ni Heather."
" Maari ko po ba siyang makausap?"
Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa.
" She just slept, Bassy. Hayaan muna natin siyang magpahinga."
Ang ina ni Heather ang sumagot na may berde din na mga mata. Pareho sila ni Alfie na nakatingin dito. Siya iniisip na ganito din marahil si Heather pag nagka edad na. Maganda pa din. Hindi lang siya sigurado kay Alfie kung ano ang nasa isip nito.
" Pwede ko ba siyang makita man lang?"
Pakiusap niya, sana pumayag ang mga ito dahil tatlong araw niyang hindi nakita ang asawa. He is a long-haul pilot. Kailangan niya ng isang araw na lay over sa bawat bansa na destinasyon niya. At wala, siyang ginawa ng mag lay over siya kundi matulog sa hotel na mag isa. Kaya pala isipan talaga ang pag alsa balutan ng asawa.
" She's your wife. You can stay in her room. Pero kung ako sa iyo, I will let her sleep. Baka pag maganda ang gising niya maging rational siyang kausap."
Sabi ng ama ni Heather.
"Hindi ko po siya gigisingin."
Tipid siyang ngumiti dahil ang totoo ang gusto niya sa mga oras na iyon ay makita ang asawa. Matulog na katabi ito at makapag paghinga. Emotionally at physically drained siya.
" Dahlia, take him to Heather's room."
Utos nito kay Dahlia na binalingan siya.
" Halika na."
Sabi nito at nagsimula ng umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nakasunod lang siya dito hanggang huminto ito sa isang silid. Hindi ito naka lock kaya malaya silang nakapasok.
Naka bukas ang bedside lamp kaya kita niya si Heather na nakahiga.
"Maiwan ka na dito. Kung ayaw mong magwala si Heather, hayaan mo siyang matulog."
Mahina ang tinig ni Dahlia na tinanguan niya. Pumasok siya sa silid nito at maingat na lumapit sa asawa na nakatihaya matulog. Wala
naman tunog ang bawat hakbang niya dahil sa carpeted na sahig.Mataman niyang pinag masdan ang asawa na may bakas pa ng luha sa mga pisngi. Pinigilan niya ang sarili na yakapin ang asawa. Baka lalo itong magalit sa kanya.
Walang ingay siyang tumabi sa kama, pero hinayaan niyang hindi siya madikit sa katawan nito. Ang katabi ito sa iisang kwarto ay sapat na sa kanya. Para siyang naka inom ng isang bote ng pampatulog na paglapat ng kanyang likod sa kama ay agad siyang nakatulog. Marahil exhausted siya emotionally at physically. O dahil katabi na niya ang asawa kaya nadama siya ng kapayapaan?
Mahabang oras siyang nakatulog, nagising siya sa kalam ng sikmura at sa magaan na haplos sa kanyang pisngi.
Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at tumambad sa kanya si Heather na luhaan.
" Heather?!"
Tangka niya itong yakapin pero ang mga palad nito at itinukod sa kanyang dibdib. Umawang ang labi nito tapos parang napapaso na binawi ang mga palad at saka mabilis na umalis ng kama.
" What happened Heather? Anong problema?"
Naguguluhan talaga siya sa inaakto nito. Nakikita niya ang pagka miss nito sa kanya pero para naman itong napapaso kapag madikit ang balat nito sa balat niya.
" Why are you here, Bassy? Hindi ba malinaw sa iyo ang sinabi ko sa sulat?"
Tanong nito na nagpapahid ng luha sa mata. Nakikita niya na nahihirapan ito.
" Hindi! And seeing you like that I know you don't mean it, Heather."
Kumpyansa niyang sabi at saka bumaba na din ng kama at nagtangka na lapitan ang asawa na parang takot na takot na umaatras.
" What is this, Heather?! What did I do?"
Para na siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakikitang reaksiyon ng asawa.
" Don't come close, Bassy! I don't want you near me."
Umiiyak nitong sabi at mabilis siyang tinalikuran. Saglit siyang natulala saka sumunod sa asawa.
" What the ...?!"
Alam niyang may mali pero kung ano man iyon aayusin niya.
Ngayon pa ba na nararamdaman niya ang dahilan niya kung bakit masarap umuwi ng bahay?
He's at peace just by lying next to Heather. Gagawin niya ang lahat para magka ka ayos sila!
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...