Naka pila na sila sa immigration at hindi niya na naman napigilan igala ang mga mata. Karamihan ay mga pagod pero naroon ang kasiyahan sa mga boses. Kahit sa kislap ng mga mata ng mga ito. Abala din ang karamihan sa cellphone, habang masayang ibinabalita na malapit na silang lumabas ng airport. Halos mabingi siya sa mga 'I miss you at ' I can't wait to see you'.
Muli pa niyang iginala ang tingin. Hanggang dumako ang mata niya sa isang babae na malayo ang anyo sa karamihan na nanduon. She's not happy at all! Katabi lang niya itong pila. She has bob-cut hair, madaming hikaw sa tenga. Kahit ang damit nito ay oversized t-shirt at punit punit na pantalon. Nakalabas ang balat nito na maputi. Napadako ang tingin niya sa kamay nito na may hawak ng pakete na mamahalin na sigarilyo at nakapatong ang passport. She has a small flower tattoo on her forearm.
" Captain, your turn."
Tawag sa kanya ni Reden at napabaling naman sa kanya ang babae. She met her eyes, she has green eyes but holding a Philippine passport. Bilugan na mga berdeng mata. Hindi siya sigurado kung contact lenses, pero isa lang ang sigurado siya. She has beautiful eyes. Kung karamihan ng babae ay ngingiti sa kanya, ito naman ay kakaiba. Parang wala itong nakita at binawi ang tingin. Muling tumiim ang anyo nito at inaabot ang passport sa immigration officer.
" Sir."
Tawag sa kanya ng immigration officer. Noon siya lumapit at inabot ang passport dito. Hindi na niya nilingon ang babae dahil sa mabigat nitong aura.Baka supladahan lang siya na first time na mangyayari sa buhay niya. Paglabas niya ng immigration ay naka abang na sa kanya ang kanyang assistant.
" Ikaw na ang bahala sa mga gamit ko, Danson."
Utos niya sa kanyang assistant.
" Sir, pinapadaan po kayo ni Sir Alfie sa kanyang opisina."
Sabi nito na tinanguan lang niya. Pero alam na naman niya kung bakit siya padadaanin nito. Sermon lang naman ang makukuha niya dito dahil sigurado na alam nito ang tatlong bathroom breaks niya. Ito na ang acting na CEO ng Mondragon airlines.
Nag tuloy na lang siya sa parking na para sa personnel ng mga Mondragon Airlines. Doon niya iniwan ang kanyang Bugatti Chiron na kulay asul.
" Alam ko kung paano umuwi!"
Galit na boses na nakapag palingon sa kaniya.
There she is again the girl with green eyes and flower tattoo." Heather!"
Isang gwapong lalaki ang bumaba sa mamahalin na sasakyan. Hinawakan nito sa kamay ang babae, pero nagpumiglas ito.
" Gusto mo ilagay kita sa sako?"
Banta nito kaya balak na niyang mamagitan ng sumagot ito.
" Then try Kuya Ian, kung kaya mo."
Banta nito. Kaya pinigilan niya ang sarili. Kapamilya pala nito ang lalaki. Para naman frustrated ang sinabi nitong Kuya Ian. Naaaliw siya sa away ng dalawa. Mukhang may katigasan ang ulo ng babae na may pangalan na Heather.
Saka niya napagtanto na ang tattoo nito ay bulaklak na heather. Napangisi na lang siya sa naiisip.
" Hindi makakalimot sa pangalan."
" Ano ba?! Ibaba mo ako, uuwi ako kung kelan ko gusto!"
Tungayaw nito sa tinawag na Kuya Ian. Binuhat kasi ito at sapilitan na pinasakay sa sasakyan. Sumunod na din ang dalawang lalaki na katulad ng tinawag na Ian ay malalaki at gwapo.
Napailing na lang siya habang pinapanood na humarurot ang sasakyan paalis ng airport. Siya naman ay nagmaneho na din papunta sa kanyang condo unit. Magpapahinga na lang siya muna at saka na siya mag padala ng mensahe sa Horny Playboy group nilang group chat.
" Yow, Pres."
Sagot niya sa tawag ng pinsan na si Adamson, ang promotor ng Horny Playboy group nila. Nagulat na lang siya at naka add na siya sa group chat na may pangalan na Horny Playboy. Hanggang maging kilala sa ganuon na bansag. Kung hindi siya nagkakamali mga high school pa lang sila ng simulan nito ang grupo.
" Anong balita? Ilang babae ang naglambitin sa pinagmamalaki mong asset?"
Sagot nito sa kabilang linya na tinawanan niya.
"Kulang pa, hahanap pa ako mamaya. Gusto ko naman maka experience makipag sex sa bed."
Binuntutan niya nang tawa ng sinabi. Ngayon niya na realize na karamihan sa sexcapade niya ay sa kung saan saan lang. Pag hindi sa banyo sa mesa o kaya naman sa upuan.
" Mahilig talaga."
Palatak nito sa kanya.
"Dating gawi? Let's met at Angelo's bar."
Sabi nito na agad siyang sumangayon.
" Sure."
Iyon lang ang hinihintay ng pinsan at ibinaba na nito ang tawag. Napailing na lang siya, sigurado siya na mapupuno na naman ng babae ang bar ni Angelo kapag malaman na pupunta ang grupo nila.
Angelo is his cousin who owns the bar. Ito ang pangalawang anak ng kanyang Uncle Finn at Auntie Ara. He might have an angel name but his also the new member of their group. Isa na din itong horny playboy. Hindi siya sure kung nag sisi ang kanyang parents na umuwi ng Pilipinas ang pinsan.
Nawala ang ngiti niya sa labi ng muling pumasok ang eksena sa airport kanina. Lalo na ang nakasabay nilang airline mula sa middle east. Mga papauwi sa pamilya na OFW.
" I wonder if I will have the same joy after the long fight coming home if a wife is waiting for me."
Mahina niyang ipinilig ang ulo. Where on earth he will get a wife, kung wala naman siyang nobya? Kung sa mga naka fling naman niya ay parang mahirap maiwan sa bahay. Baka pag nasa byahe na siya makindatan lang maiiuwi na ng iba.
Natapos lang ang kanyang pag mumuni muni ng makarating sa kanyang condo unit. Iwinaksi niya ang naramdaman na kahungkagan pagpasok niya sa kanyang tinitirahan.
" Things will be different kaya kung may sasalubong na asawa at anak?"
Tinawanan niya ang sarili sa naisip. Nagtuloy siya sa kanyang silid. Sinulyapan lang niya ang kama na malapad at ilang babae na din ang nadala niya dito.
" I feel tired of taking different women. Maybe that's the reason I'm not satisfied."
Konklusyon niya sa nararamdaman.
" Maybe I need a real girlfriend."
Muli na naman niyang sapantahang solusyon sa nararamdaman na kahungkagan.
Nakatulog siyang iyon ang naiisip. Ang paano ba ang magkaroon ng seryoso na relasyon? Magiging masaya ba siya katulad ni Reden kapag pauwi na ng bahay?
Mas masarap ba ang sex kapag asawa na ang kaniig? Hindi na ba kailangan na mag acrobat sila para lang ma satisfy?
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomansaTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...