" Dahlia, how did this happen to you? Sino ang ama ng pinagbubuntis mo?"
Hindi niya maihakbang ang mga paa sa narinig mula sa kanyang ama. Naririnig niya ang paghikbi ng kanyang Ate Dahlia maging ng kanyang ina.
" I'm sorry, Daddy."
Iyon lang ang narinig niyang sabi ng kanyang Ate Dahlia.
" May boyfriend ka ba na hindi namin alam?"
Mababatid sa tinig ng ama ang galit at paghihirap ng loob. Walang sagot mula sa kanyang ate, tanging paghagulhol lang ang narinig niya.
" Is this my karma Mago?"
Tanong nito sa kanyang ina. Alam niya na malaki ang agwat ng edad ng mga magulang. Pero napaka swerte ng ina sa kanyang ama dahil sa pagmamahal at pag unawa nito sa kanyang ina. At ideal man niya ang ama, katulad nito ang gusto niyang magmamahal sa kanya.
" Of course not, Love. Let Dahlia take a rest. We will get through this."
Nababanaag niya sa tinig ng ina ang pag aalala sa kanilang ama. Mahigit ng singkwenta ang edad ng kanyang ama at kahit alaga ang katawan dahil dating nasa military ay hindi maitatanggi na high risk na din sa sakit sa puso.
Mabilis siyang pumasok sa kanyang silid ng marinig ang yabag na papalabas ng silid ng kanyang Ate Dahlia.
Maging siya ay nakadama ng lungkot dahil sa narinig. Katatapos lang ng kanyang Ate Dahlia sạ senior high school. Napaka bata pa nito para maging isang ina. Nanlalambot siyang napahiga sa kanyang silid. Wala sa sarili na napatitig siya sa kisame.
Hinamig muna niya ang sarili bago lumabas ng silid at pinuntahan ang kapatid na katabi lang ng kanyang silid. Pinihit niya ang seradura at hindi iyon naka lock. Pumasok siya pero wala doon ang kapatid. Nakarinig siya ng ingay sa bathroom kaya doon siya pumunta.
" Ate Dahlia!"
Hindi siya makapaniwala sa hawak nitong mga tabletas na nasa palad. Tigmak ang luha nito na lumingon sa kanya.
" Leave me alone, Heather!"
Utos nito at mas binuhos pa ang laman ng botelya ng gamot na hindi niya alam kung ano.
" Stop that!"
Tinabig niya ang kamay nito at nahulog sa sahig ang mga tabletas.
" Hayaan mo na ako, Heather. I want to die!"
Umiiyak nitong sabi na sumalampak sa sahig at isa isang pinulot ang mga tabletas. Awang awa siya sa kapatid.
" Please, Ate Dahl. You already caused so much pain in our parents. Pag ginawa mo yan, you will kill them both!"
Hinawakan niya sa balikat ang kapatid at bahagyang niyugyog. Patuloy pa din itong umiyak.
" Hindi ko naman sinasadya. Maniwala ka Heather, hindi ko ginusto ang ngyari. Aksidente lang ito."
Punong puno ng luha ang mga mata nito. Nakikita niya ang paghihirap nito.
" Alam ko. Pero nandiyan na iyan. Let's face this together."
Niyakap siya nito ng mahigpit at humagulhol sa kanyang mga balikat.
" I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya."
Inalo niya ang kapatid at hinagod ang likod.
" I know. I know."
Sa ganda ng kanyang kapatid kung may pagkakataon ang lalaki ay hindi nito palalagpasin. Ang kapatid niya ay sikat sa kanilang paaralan bukod sa matalino ay napakaganda pa. Madaming talent scout ang lumapit pero ayaw ng kanilang ama. Hindi nito gustong pasukin ang naging buhay ng ina na nasa limelight.
" Finish your studies and do what you want!"
Iyon ang bilin ng kanilang ama na napakabuti sa kanilang magkakapatid at sa kanyang ina. Binuhay sila nitong parang reyna ang at prinsesa silang dalawang ni Dahlia. Samantalang si Ianthe ay maaga nitong iminulat upang maging protector nilang mga babae sa pamilya.
" I feel sorry for Mom and Dad."
Umiiyak nitong sabi.
" You should feel sorry more for your baby. Wala naman siyang kasalanan at madadamay pa siya sa planong mong magpakamatay. Give your baby a chance, Ate Dahl."
Mas napaiyak ito ng malakas sa sinabi niya.
" What happened is not an accident. It's your fate. And maybe God has a plan for you."
Umiling ito sa sinabi niya.
" I am being punished, Heather. Iyon ang totoo. I'm not supposed to do that. Besides hindi ko siya kilala. It's just... It's just a mistake!"
Hinayaan niya itong umiyak, hanggang makaramdam ng pagod. Inalalayan niya itong makatayo saka inakay papunta sa kama.
" Huwag mong isipin na magpakamatay o ipalaglag ang bata. Sayang ang ganda mo masusunog ka sa impyerno."
Sabi niya dito habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.
" Anong gagawin ko?"
Naguguluhan nitong tanong.
" Learn from your mistake. Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo. Hindi mo ba talaga kilala ang naka buntis sa iyo?"
Umiling ito ng sunod sunod.
" I was drunk or maybe I was drugged. I shouldn't trust Roxanne."
Napakuyom ang kanyang kamao.Alam niya ang inggit ng babae sa kanyang kapatid dahil sa atensyon na nakukuha ng kanyang Ate Dahlia sa mga lalaki. At ng mga panahon na iyon ang captain ball ng varsity team ng university nila ang gusto ng babae na si Dahlia naman ang nililigawan.
" You don't know him?"
Umiling ito saka pumikit ang mga mata.
" Hindi. I don't know why we end up at another party somewhere in the cabin house beside a lake. At hindi ko alam kaninong party iyon! Basta ang alam ko victory party daw iyon. Lasing na ako noon saka sinamantala ko lang ang pagkakataon na wala si Ianthe. Gusto ko din mag party lang talaga before I left for the US."
Sabi nito na nasa tinig ang pagsisi sa ginawa.Hindi niya napigilan ang magpawala
ng malalim na buntong hininga. Sa America sana ito mag aaral ng kolehiyo." We can trace him if you want to. Alam mo naman ang connection ni Daddy."
Mungkahi niya dahil iyon ang totoo. Matatag pa din ang Elite Bodyguard na nanatili na miyembro ang kanyang ama.
" Hindi na. Mas hindi ko matatanggap kung tatanggihan ako. I'm an easy girl, iyon ang totoo."
Nahiga ito in a fetal position. Alam niya ang depression nito.
" I'm so sorry to all of you. I will learn from my mistake. Hinding hindi na ako magtitiwala sa mga lalaki."
Pangako nito na alam niyang para sa sarili. And looking at her sister, parang may bakal na dumakot sa kanyang puso. She's broken at hindi niya alam kung paano pa ito makakabawi. Magbabago ang buhay nito mula sa inaasam nitong famous beauty queen into a young single mom.
A/N: Mabait ka naman Daleon. Bakit ka naman makakarma.😂
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓑𝓪𝓼𝓼𝔂 𝓛𝓮𝓸 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceTired of being with different women. He decided to arrange his marriage which surprised his parents. The only qualification he has; "Anyone as long as may keps!" Paano kung may 'keps' nga pero lesbian pala? Masusubukan ang galing niya sa asawa na wa...