Chapter 68

133 3 0
                                    

Chapter 68

Blood for treasure


THIRD PERSON

Mabilis na tumalon si Mike sa pool para sagipin si Sam. Kahit na di marunong si Mike ay pinilit niya pa rin na pumadyak para makalapit sa dalaga.

Hinila ng binata ang dalaga hanggang sa makarating sila sa gilid kung saan naroroon ang hadgan ng pool.

He pump her chest to release the water inside of the girl. "Damn Mee! You fucking wake up!" He shouted at the top of his lungs.

Nakatayo lang si Flynn malapit sa dalaga. Gulat na gulat pa rin siya sa ginawa niya. Di niya alam ang gagawin niya.

"Tangina Lee! Tumawag ka ng medic?! Wag ka tumunganga dyan!" Nagbalik ang isip niya nung sigawan siya ng binata. Ngunit may gulat pa rin sa kanya dahil eto ang unang pagkakataon na marinig nito ang binata na sumigaw.

"Damn Flynn! Call now before I tell everyone what you did to her!" Dali-dali niyang kinuha ang phone niya at tumawag ng medic.

Ngunit nagulat ang lahat nang makarinig sila ng malakas na sigaw ng lalaki. "Sam! Fuck!" Dali-daling binuhat nito ang dalaga at nilabas para isugod sa ospital.

Nanatiling nakatayo ang dalawa. Pawang nagsusukatan ng tingin. Napabuntong-hininga si Mike at tuluyang tumalikod sa dalaga.

"If something happens to her, it's still your fault. Don't worry, I'll take all the blame for you." Napatunganga si Flynn sa sinabi ng binata sa kanya. Di niya alam kung anong gagawin o sasabihin niya pero mali ang ginawa niya sa kaibigan niya.

---

Ilang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin nagigising si Sam dahil na-comatose ito sa sobrang daming nainom na tubig.

Taimtim na nakaupo sa gilid si Gary sa tabi ng dalaga. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang makita siya ng dalaga na mahina. Kung pwede lang, siya papalit sa sitwasyon nito pero napaisip din siya na mas mahihirapan ang dalaga kung siya.

Ang gulo. Gulong-gulo siya sa kakaisip.

"Mee, gumising ka na. Miss na kita." Hinalikan ni Gary ang kamay ni Sam na hawak niya. Malamig pa rin ito pero may nararamdaman pa siyang pulso ng dalaga.

"Seeing you like this, it feels like I'm dying too." Di na napigilan ng binata na mapaluha sa tuwing iniisip niya na baka di pa magising ang dalaga... o kaya di na magising.

Di alam ng binata na may nakatingin sa kanilang dalawa... si Flynn. Nakatayo lang siya sa pinto at nakasilip lang.

Naluluha siya.

Kung siya kaya ang nasa ganyang sitwasyon, ganun rin kaya sa kanya ang binata? Siguro hindi...

Hindi siya gusto nito, di siya mahal nito.

Masakit tanggapin pero yung ang katotohanan para sa kanila.

Natigilan si Flynn sa pag-alala nang makarinig siya ng pagbagsak ng kadena. Nakaramdam siya na nagagalaw na niya ang kamay at paa niya.

"Stop thinking about the past. It's already done and there is nothing you can do about it if the affects your today." Tinitigan niya ng mabuti ang kanyang anak na kinakalas ang kanyang kadena.

Napaisip siya. Di pala siya nag-iisa. Nandyan pa rin ang kanyang anak na hindi siya matitiis at si Cam na kahit sa umpisa pa lang, gusto na siya.

Nang patayo na si Flynn sa pagkakaupo, nakarinig sila ng malalakas na putok ng baril. Nilingon nila ang iba ngunit wala na sila, sila na lang ni Luke ang natira.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon