Chapter 43

204 3 0
                                    

Chapter 43

Half-blood


MICHAEL WILSON

Maaga akong nagising kanina para makabili sa palengke. Di ko kasi alam na wala nang pagkain dito sa ref ko. Nakatira lang ako sa isang apartment sa isang compound. Di ako mayaman para makabili ng condo.

Pumunta ako sa kwarto ni Cam. Himbing na himbing siya sa pagkakatulog. Napagod siguro kakaiyak kagabi.

Miski pagkatapos namin mag-ice cream at pagdating namin sa apartment, dumiretso siya sa kwarto niya at nag-iiyak.

Kung di lang sila yumaman bigla, edi sana nandito pa rin silang lahat kasama ko.

Kahit na hindi ako tunay na anak ni tito Bary, tinanggap niya pa rin ako bilang isang anak.

Anak ako ni mommy Claude sa una niyang asawa na daddy ko. Maaga siyang kinuha ng Maykapal dahil may sakit na siya.

Dito kami nanirahang apat sa loob na halos sampung taon bago sila tuluyang umalis.

Yung mga nangyari sa kanilang pag-angat nila, wala akong kaalam-alam dahil nasa nagtatrabaho na ako nun sa murang edad.

At nung nalaman kong umalis sila bigla na hindi man lang ako kasama, nagalit ako pero sa lumipas na panahon na nakikita ko sila mommy sa TV at habang sinusundan ko palagi si Cam, naging kampante ako na okay lang sila.

Except kay Cam na biglaan na lang nagbago. Hindi na siya yung masayang babae na nakasama ko. Masyadong binago ng pagyaman nila ang pagkatao niya lalo na ang galit niya sa parents niya.

Nung umalis sila, ako na lang ang naiwan dito na tumira. Ako na ang nagbabayad ng lahat dahil may maganda naman akong trabaho sa ngayon.

Lumapit ako sa kama ni Cam at niyugyog yun. Dahan-dahan naman siyang gumalaw at unti-unting pagkunot ng noo niya.

"Ano ba kuya... people are trying to sleep." Sabi niya habang ako binuksan ang kurtina na tinatakpan ang bintana. Agad siyang nagtakip ng kumot.

"Kuya naman e!! Magpatulog ka."

"It's already 10 in the morning. At sino ba kasing may sabing magpuyat ka uh? Umiyak ka no??" Pang-aasar ko. Kumunot naman ulit noo niya.

"Hindi ako nagpuyat at lalong di ako umiyak."

"Luha ba yan?" Lumapit ako at hinawakan yun. "Di ka pala umiyak. Hahaha! Panis na laway pala."

"Kuya naman e! Di naman. Umalis ka na, mag-aayos na ko."

"Siguraduhin mo lang huh para di ka mabuhusan ng malamig na tubig."

Lumabas na ako ng kwarto niya dahil handa na siyang mambato ng mga unan. Isip bata talaga oh.

Nung makababa na ako, di ko akalain na tatambad sa akin si mommy. Anong ginagawa niga dito?

"Michael..."

"Anong ginagawa mo dito?" Nagmamatigas ako kunwari pero ang totoo, gustong-gusto ko na siyang yakapin.

"I'm here to apologize for leaving you.... Sorry dahil hindi ko nagampanan ang pagiging ina ko sayo."

"Yeah. I wish your sorry could make everything better. Mommy, mas mabuting wag muna ako ang isipin mo... si Cam na lang."

"That's why I'm also here... I'm looking for her. Masyado lang ako nadala ng galit ko at di ako nakapagdesisyon ng tama. Nandito ba siya?"

Narinig ko ang pagbaba ni Cam pero alam kong napatigil siya sa pagsasalita ni mommy.

"Wala. Wala siya dito. Ni hindi niya nga alam na nandito pa ako eh."

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon