Chapter 45
A favor
ALDRIN HEUSSO
"CUT!!! For the nth time, Aldrin focus! Pambihira naman oh!" Pang-ilang sigaw na ba sa akin ni direk yan?
Kanina pa kami nandito sa isang probinsya na may kalapitan lang sa kinaroroonan ni Cam.
Sighed.
Hinawakan ko ang bridge ng ilong ko at tumingin kay direk na nanggagalaiti na sa galit.
"Can we take a break first?" Excuse ko sa kanilang lahat. Tumango na lang bilang sagot si direk.
Nagtungo ako sa tent na nagsisilbing dressing room ko. Di ko alam na nandito pala si mommy.
"Ano na naman bang ginagawa mo?!" Bungad na tanong niya sa akin. Edi papasok sabi ko sa sarili ko. Naupo na lang ako sa isang silya at tumungo sa lamesa.
May humawak sa balikat ko kaya napaangat ako ng ulo at di ko inaasahan na sampal niya ang bubungad sa akin.
"I'm talking to you, mister. Di kita pinalaki na bastos kaya sumagot ka."
"Kahit naman sumagot ako o hindi, sampal pa rin at sigaw niyo pa rin ang salubong niyo sa akin eh."
"Anong dinadrama mo?! Bumalik ka na nga sa shooting area at tapusin mo na ginagawa mo."
"Mom, pwede pahinga muna? Di ka ba napapagod? Kasi ako pagod na pagod na... tao din ako, kailangan ko pa rin magpahinga."
"If your acting because of that Cam girl, stop being so stupid. Di ka niya gusto." Alam ko naman na hindi niya ako gusto e. Bakit di na lang niya ako hayaan?
"Alam ko naman at tanggap ko na yun. Pero bakit mo pa kailangan balaan siya at utusan?" Napaiwas siya ng tingin sa akin.
Alam ko na ang inutos niya kay Cam... ang saktan ako at galitin ako para kamuhian ko siya para ano?
Simple lang, makuha nila ang gusto nila.
Hindi ko alam na sa loob ng 12 years kontrolado na niya ang buhay ko.
Ako naman si tanga, nagpaloko at patuloy na nagpapagamit sa kanya.
Simula lang na nawala si Adrian, naging ganyan na talaga siya. Panganay kasi at naasahan kaagad nila kaya umasa na sila sa kambal ko.
"Simple, para sa ikakabuti mo. Nilalayo lang kita sa mga tao na walang dulot sayong maganda."
"At kailan ka pa naging manghuhula? Kung di ka nate-threaten sa kanya, bakit kailangan mo pa siyang ilayo sa akin?"
"Ayokong sirain niya ang buhay mo. Ayokong dumating yung walang-wala ka na at bigla ka na lang niya iiwan."
"Buhay ko?! Matagal nang patay si Amazing Aldrin Heusso dahil sayo. Etong buhay na 'to, di akin 'to... kay Adrian the Great Heusso 'to. Dahil umpisa pa lang, sira na buhay ko."
Slap.
Di ko alam na lumuluha na pala ako. Ni hindi ko pa naramdaman ang sakit ng sampal niya e. Sobrang manhid na ba talaga ako?
"Wag mo dimadamay dito kambal mo. Kasalanan mo kung bakit nawala siya..."
"Hanggang ngayon sa akin mo pa rin sinisisi ang aksidente niya? Mom, 12 years ko siyang pinilit buhayin sa katawan ko, may nagbago ba? Di mo ba naisip na magkaiba kami ng pangarap ni kuya?"
"Tama na?! Kahit ano pang sabihin mo, di mo matutumbas o mahihigitan ang ginawa ni Adrian."
Kahit na sobrang naluluha na ako, kitang-kita ko pa rin kung paano siya nasasaktan bilang isang ina.
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...