Chapter 17
Closing Act
CAM SOLA
Third Day of Foundation Week
Yung feeling na ang sarap ng tulog mo pero may isang asungot na bumubulabog sayo? Maling ideya talaga na magkaroon ng kaibigan. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Nagbibihis ako ngayon at si Aldrin ay naghihintay sa may baba. Inip na inip na nga, gusto na naman ako masolo buong araw.
Di ko pa rin talaga lubos maisip na may muntikan nang may mangyari sa amin ni Luke?
Masyado akong nadala ng alak. Di na nga ako iinom baka mamaya kung saan mapunta yung pag-iinom ko ng alak. Mahirap na baka maging batang ina.
Di ko rin talaga lubos maisip na nalaman ni Aldrin yung nangyari sa amin kagabi ni Luke. Ang lakas masyado ng sources nitong mokong na 'to. Stalker kung stalker eh.
Pagbaba ko ng hagdan, di ko siya makita sa may sala kaya dumiretso na ako sa may dining area kung saan nakakarinig ako ng kalansing kutsara't tinidor. Isang PG na best friend.
"Yow!" bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin, ang dami kasing nakasalampak sa bunganga niya eh.
"Good morning, best friend." Bati niya nung maubos niya yung nasa bibig niya. Katakawan naman nitong lalaking 'to.
Di na lang ako sumagot pa, inuna ko muna ang pagkain ko. This is my top priority... ang pagkain!
"So, anong balak mo ngayon?" sabi niya pagkatapos uminom ng juice at sumubo ulit ng kanin.
"The usual..." bored kong sagot. Ano pa bang gagawin dun? Nalibot ko na lahat yun. For sure naman wala nang bago dun kaya boring na.
"Nah! Let's watch the talent show later." Kitang-kita mo ang excitement niya sa mga mata niya with matching taas-taas pa ng mga kamay. Isip bata as usual.
"Ok." Tipid kong sagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Kailangan kong punan lahat ng pangangailangan ng mokong na 'to. Baka mamaya kung ano-ano na sinasabi nito sa parents ko.
Nandito na kami sa school at di ko akalain na ang daming tao. Mas dumami kung tutuusin.
Siguro nagpapasok sila ng ibang outsiders kaya dumami ang tao dito. Ang dami kasing iba ang mga mukha.
May mga grupo ng mga lalaki, mga babae, gays, lesbians at meron naman halo-halo sila. Isang buong barkada kung tutuusin. Mukhang masaya naman sila sa nangyayari sa paligid nila.
Wag na wag lang silang mambully ng estudyante dito or wag lang mambully ang estudyante dito. Mahirap na baka kung saan pa mapunta yung away kung nagkataon.
Naglilibot kami ni Aldrin sa park kung saan nandito ang nakalagay ang mga rides. Infairness, nadagdagan ang mga rides dito. Last day na kasi kaya nilubos na siguro nila.
"Making weird faces again..." napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang nakangiting si Aldrin. Aso as ever.
"Paki mo?" pagtataray ko. Lalo pa siyang ngumiti at hinila ako palapit sa isang ride.
Seryoso?
Nilagpasan niya ang yung ride at dumiretso kami sa Tunnel of Love. Nababaliw na ba siya?
Paano kung paglabas namin tatlo na kami? Waaaa! Maaga pa para maging ina ako. Di pa ako ready at hindi siya ang taong dapat pagbigyan ko.
"No." cold kong sagot sa kanya nung makarating kami sa counter. Alam kong naramdaman niya na ayaw ko dyan pero ang gago, lalo lang ngumiti. Hayup! Help!
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...