Chapter 50

168 3 1
                                    

Chapter 50

Through the heart


CAM SOLA

Bakit parang laki ng pinagbago ng lugar na 'to? Parang kailan lang sobrang ayos pa dito?

At ang pinagtataka ko ay puro masasamang tingin ang binibigay nila sa akin. Sus! Ano bang bago dun?

Tinahak ko na lang ang direksyon papunta sa office ni tito na kasalukuyang ang daming pila ng mga estudyante kasama ang mga magulang nila.

May early enrollement ba?

Nag-bow sa akin ang mga magulang nung mga estudyante. Kilala siguro nila ako. Tss. Di ko naman kailangan ng ganyang treatment.

Dumiretso ako sa pinto at agad binuksan yun. Tumambad sa akin ang sobrang stress kong tito. Wow! Kailan ba siya huling nag-ayos ng sarili niya?

"Well, you're back! Great!" Di ko alam pero may halong sarcastic at pagkainis yung boses niya. Ano na naman ba ginawa ko?

"Can you give us a minute, ma'am and sir?" Pakiusap ko sa dalawang magulang dito na kasama ang anak nilang may pasa sa mukha. At halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"Is that urgent, Ms. Sola? I'm in the middle of work perhaps you didn't notice..." He sighed for a bit and sip on his coffee. Stress it is.

"A little bit urgent but I'll go ahead para di na muna makaistorbo. Busy ka e. See you again tito." Nag-bow lang ako sa kanya as sign of respect and tinahak ang pinto palabas.

See? They are bowing again, "My dear parents, no need for that. I'm not a saint to workship me." Parang nagtaka sila sa sinabi ko pero wala na akong panahon mag-explain at di ko na kasalanan kung di nila gets.

Nakasalubong ko sa daan ang mga group of friends ni piggy kasama si Ruffa Mae Kanto. Wow! Talk about joining forces.

"Hi Cam! Long time no see." Bati sa akin ni Ruffa. Inirapan ko lang siya at nagsimulang lagpasan na siya kaso hinarang ako nila piggy.

"Wala ka man lang bang respeto sa Queen bee?" Queen bee? Sa itsurang yan? Ni hindi pa fit sa kanya ang salitang 'princess', queen pa kaya?

"Haha! Ikaw? Haha! Sabi nga nila, libre lang daw mangarap." I continue to fake a laugh and I can see ugly face.

May ipapangit pa pala lalo mukha nila. Maganda sana sila kaso nasobrahan na sa makeup at surgery e.

Susugod sana ang mga friends ni piggy kaso pinigilan sila ni Ruffa. Siya mismo ang nakaharang naman ngayon sa harap ko.

"Girls, you should stood down to her level. It's really lame to argue to someone with disability." I gave her a clap. She deserve it. Very well said. English pa! She must be studying really hard.

Nagtaka sila bigla dahil pumalakpak ako at nagsang-ayon sila piggy na may disability nga ako.

"I guess you really deserve that title afterall... good for you but is it really good?"

"What do you mean?"

"Tsk. Tsk. A Queen Bee should know that. It's a shame that you can't understand what I said."

"Alam ko ang ginagawa ko no! At sino ka ba para sabihan ako ng ganyan?! Isa ka lang hamak na estudyante."

"Patawa ka? Isa ka lang ding hamak na estudyante na may title sa school. It doesn't make you superior so stop it."

Naglakad na ulit ako pero napigilan ako nung biglang may humawak ng buhok ko. Nakapiglas ako kaagad sa kanya at di ko inaasahang bibigyan niya ako ng sampal.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon