Chapter 19
Befriend?
CAM SOLA
Ang sakit ng ulo...
Bakit parang ang lambot ng pakiramdam ko? Nasa langit na ba ako?
Ang pagkakatanda ko, nasa kalsada ako habang umiiyak, how come na malambot na 'tong nararamdaman ko?
Agad akong napamulat at nakita ang isang kwarto na kulay black. As in black talaga, lahat ng gamit kulay black even the bed... napa-blink ako ng dalawang beses habang pina-process ko kung bakit ako nasa kama?
Nag-hysterical ako nang malaman kong nasa kama nga talaga ako. Dali-dali akong napatingin sa sarili ko na nababalot ng kumot...
Wtf?
Bakit iba na ang suot kong damit?
Bakit sobrang luwag ng damit ko?
Bakit ang sakit ng nararamdaman ko?
OMG?! Na-rape yata ako? Fuck shit?!
"Oh gising ka na pala." Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nagsalita. May dala siyang tray.
Is it real?
Nasa kwarto niya ako ulit?
Anong nangyari ba kagabi?
Ang sakit ng ulo ko pati.
"Here, eat this. Alam kong masama pakiramdam mo." Tumingin muna ako sa mga mata niya bago isubo ang soup na nasa kutsara.
"Why am I here?" tanong ko after kong isubo yung nasa kutsara.
"I saw you lying on the ground. What were you doing in the middle of the night?!" medyo inis na sabi niya. Naiinis siya? Bakit naman? Concern ba siya sa akin?
"I see. Sorry..." sabi ko habang nakatungo. Nabaling ang tingin ko sa suot ko. "Why am I wearing this?" tinuro ko yung damit na suot ko. Siguro sa kanya 'to. It means, siya ang nagpalit sa akin? Nakita niya yung katawan ko? Oh no...
"Basa ka kaya inutusan ko yung maid namin na palitan ka ng damit. Damit ko yan, ingatan mo yan." Medyo na-convince ako sa sinabi niya pero may tono pa rin ng pagmamayabang eh. Bakit sisirain ko ba damit niya?
"Here, eat this. Para naman bumilis paggaling mo." Sinubo ko na lang ulit yung nasa kutsara. Infairness, ang sarap nung soup uh. Siguro gawa 'to isa sa mga maid niya.
"Anong iniisip mo? Wag kang mag-aalala, walang lason 'tong niluto ko." Di ba mawawala sa akin na may lason 'to? Teka? Di naman yun iniisip ko uh? At isa pang teka, siya nagluto nito? Ang sarap naman niya magluto.
"I didn't think of anything. Just feed me." Sabi ko habang nakakunot noo ko. Medyo natakot siya sa akin kaya sumadyok siya ulit ng soup at pinakain sa akin. Hinihinipan niya nga muna bago isubo sa akin. Parang bata naman ako sa lagay ko.
"Anong number ng parents mo?" biglang tanong niya sa akin. Huh? Bakit niya hinihingi number ng parents ko?
"Why?" cold kong tanong sa kanya. Kumunot noo niya.
"Gusto ko silang maging text mate, that's why." Sarkastikong sabi niya sa akin sabay irap. Parang bading uh. Ano bang kaialngan niya sa parents ko?
"Kung gusto mo ipaalam sa kanila ang kalagayan ko, wala silang paki. Don't waste your time calling them. Call Aldrin to fetch me up." Sabi ko ng diretso habang siya nakatitig lang sa akin na parang nagtataka. Nung binanggit ko yung pangalan ni Aldrin biglang kumunot noo niya. Anong meron?
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...