CHapter 6
Team Captain
CAM SOLA
Break time na namin at nandito ako sa cafeteria kasama ang isang loko-lokong mokong na best friend ko. Sa mga panahon na lumipas, naging mabuti na rin sa akin na magkaroon ng isang taong nandyan sa tabi mo.
Palagi siyang nagpapatawa kahit corny kapag napapansin niyang wala ako sa mood. Kumabaga, he makes me happy pero ayoko ipahalata no, ice mode ang peg ko dapat palagi.
"Want some?" inalok niya ako ng ice cream. Inirapan ko lang siya at mukhang nagets naman niya. Ayoko pa naman sa mga sweets. Di ako mahilig sa mga matatamis, di dahil bitter ako, ayoko lang talaga yung lasa.
Nakikita ko na naman ang mga bulungan ng mga tao sa paligid. Hay... Cam, wag mo na silang pansinin, wala namang bago eh. Palaging ganyan ang environment mo, isipin mo na lang na nasa jungle ka at sila ang mga hayop na nandoon. Pero di naman sila nakakaaliw.
"Best, ang lalim ng iniisip mo. Share naman!" humarap ako sa kanya habang naka-pitbull smile na naman siya. Seryoso? Di ba siya nakakaharap sa salamin ng nakangiti at marealize niya na mukha siyang pitbull.
"Oo na, mukha na akong pitbull kapag nakangiti. Masaya ka na?" Nag-pout siya bigla. Shit! Mukha naman s'yang baboy kapag naka-pout.
"Stop pouting..." sabi ko sabay irip sa kanya.
"Why? Are you imagining another animal again? Damn Cam! Tao ako! Tao!! Hindi hayop!" Sigaw nito sa akin. Is he trying to get people's attention? Para sabihin ko sayo, wala pa akong ginagawa, na sa akin na atensyon nila. What the hell is his problem? Wala naman akong ginagawang masama uh.
"Wag kang overdramatic dyan. Bahala ka nga." Tumayo na ako para mag-walkout ng hawakan niya kamay ko. Ano na naman ba problem niya?
"Sorry na, please wag mo akong iwan dito best." No choice ako, ginagamitan niya ako ng charms nya. Oo na, gwapo siya. Babae lang ako, I have my urges. Naaakit din ako sa kagwapuhan niya at hanggang dun lang yun. Si Lucas my loves lang ang mahal ko.
"Ano na naman ba?"
"May tryouts mamaya sa basketball..." Ano naman? Di ako fan ng basketball. Masyadong boring panoorin. All they do is chasing the ball to one another. Bigyan ko kaya sila ng tigi-tigisang bola ng matahimik sila. I'll never understand that sport. No offense.
"And then? You want me to join you?"
"Okay lang ba sayo? Baka kasi umayaw ka eh..." nahihiya niyang sabi. Aayaw talaga ako. Di ako makatagal sa mga ganyang eksena. At kaya pala kanina pa siya sweet sa akin kasi may kailngan siya. Mga lalaki nga naman...
"Okay. Kailan ba?" Pagbigyan niyo na siya. Kawawa naman baka kulitin na naman ako hanggang sa hindi ako pumapayag eh.
Sasamahan ko na lang naman siya, di naman sinabi na manood ako. Ang galing ko talaga mag-isip. Tama, tama. Di ako manonood pero sasamahan ko siya.
"Mamayang 5pm. So save the time for me, okay?" Yeah, yeah. Whatever. May pa-save save ka pang nalalaman.
Nag-ring na ang bell at agad kaming bumalik sa dating gawi, ang walang katapusang mag-aral. Good thing at si Sir Buendia ang teacher namin, mang-aasar na naman 'to for sure.
Natapos ang klase na tawa pa rin ng tawa ang mga kaklase ko. Ano bang nakakatawa sa mga corny joke ni Sir Buendia? Nakakrindi lang kasi kanina pa. Halos buong klase, nagpapatawa lang siya. Teacher ka, hindi comedian.
Pinauna ko na si Aldrin kasi gusto akong makausap nitong mokong na 'to.
"I can see you didn't enjoy my presentation..." bungad na tanong niya. Bakit ako mag-eenjoy? Never ko pang naramadaman na masaya ako sa pag-aaral sa isang subject lalo na ang math na ang daming kaartehan sa buhay. Seryoso? Gagamitin ba namin ang x and y sa pagco-compute?
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...