ADA SOLA
"Lucas, d-don't leave me!! I'm so-sorry..." sinasabi ko habang hinahampas ang bintana ng sasakyan.
Nandito ako sa tapat ng sasakyan nila. Aalis na sila dahil sa ginawa ko. Nakikita kong lumuluha si Lucas sa loob ng sasakyan pero halatang ayaw niya ipakita na nasasaktan din siya sa mga nangyayari.
Sa sobrang lakas ng ulan, hindi mo na mapapansin ang mga luha ko--luha ng pagsisisi at luha ng pagmamakaawa.
"Mahal kita..." dagdag ko pa habang napaluhod ako.
Nakita kong napatingin siya sa akin na naging dahilan para lumabas siya ng sasakyan.
Niyakap niya akong mahigpit.
Niyakap niya ako habang may tumutulong luha sa mga mata niya.
Niyakap niya akong may pagmamahal din.
Sa puntong ito, alam kong mahal niya din ako. Ramdam ng isa't isa na isa lang ang bilis tibok ng puso namin.
Alam kong bata pa kami para magmahalan pero buo na kaming dalawa sa isa't isa. Gusto namin na kami ang magkatuluyan balang araw katulad ng prinsesa at prinsipe.
"Mahal din kita, Ada..." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin habang iyak din ng iyak.
Nagpapatunay na mahalaga ako sa kanya.
Nagpapatunay na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Na hindi namin kayang mawala ang isa't isa.
"Lucas, promise me na hindi mo 'ko iiwan." Tinignan ko siya kanyang mga mata kahit medyo blurry, I can see his blue eyes that every time I look at it, it makes me fall in love with even more.
"Di kita iiwan. I will always love you." He cupped my face using his both hands and leaning towards me. Is he going to kiss me?
He kissed me.
Indeed, he is my first kiss.
"Di ko intensyon na lokohin kayo, ginamit lang nila 'ko." Ang laking pagsisisi ko nagpadala ako sa mga magulang ko. Di ko pinag-isipan mabuti ang mga ginawa ko... di ko naisip na pati pala siya mawawala sa akin.
"I know. I trust y--" bigla na lang siya umangat.
Nagulat na lang ako nang may humigit sa kanya papalayo sa akin at nakaramdam ako ng isang malutong na sampal galing sa mommy ni Lucas na ikanabagsak ko lalo sa kalsada.
Di ko ininda ang sakit, tumayo ako at ngumiti sa mommy ni Lucas na lumalaki na ang butas ng ilong at nanlilisik na mga mata sa akin. Yung tingin na kapag di ka umalis dito, baka kung ano magawa ko sayo pero di ako natakot.
"You don't deserve a guy like him. You liar! You user! You social climber!" dinuduro niya ako.
"Mom, don't hurt her! Please?!"pagmamakaawa ni Lucas habang nagpupumiglas sa hawak ng daddy niya.
Humarap siya kay Lucas, "Shut up! Di ka nababagay sa babaeng 'to. Malandi na nga, manggamit pa! Pineperahan ka lang nito! Gary, ipasok mo na yan sa loob."
"No! Di ako papasok." Pagmamatigas ni Lucas sa kanyang mommy.
"Enough Lucas! Sa ayaw at sa gusto mo, sasakay ka. Don't make me angry. Get inside!!" hysterical niyang sabi kay Lucas.
Nakita kong nagpupumiglas si Lucas sa pagkakahawak sa kanyang daddy ngunit masyadong malakas ito kaya naipasok kaagad siya sa kotse kahit na basang-basa siya. At doon ko nakita na sinampal din siya ng kanyang daddy.
Humarap siya muli sa akin, "And as for you, kung ayaw mong mabulok sa kulungan... layuan at tigilan mo na ang anak ko. Manang-mana ka sa mga magulang mo, mga mukhang pera!"
Muli, sinampal akong mommy ni Lucas na ikinabagsak ko ulit. Nakita kong sumakay na siya sa kotse.
Dali akong tumayo ulit para habulin ang sasakyan nila ngunit masyadong mabilis 'to.
"Hihintayin kita, Lucas." Ang tangi kong mga nasabi nang matalisod ako sa gitna ng kalsada.
Saksi ang kalangitan sa pagdurusa ko.
Di 'ko na kinayang makatayo at hinayaan ko na lang na lumayo ang sasakyan nila hanggang sa maglaho na 'to.
Maghihintay ako... kahit ilang taon man ang lumipas.
Author's Note: Okay ba? Sorry kung bitin at alam ko naman na di maganda umpisa. Salamat sa mga nagbabasa at babasa pa lang. Love lots!
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...