Chapter 40

208 3 0
                                    

Chapter 40

Wrong judgments


CAM SOLA

Days had passed and I still don't know what will I do. The past keeps on hunting me.

Bakit nga ba ako nagpakatanga?

Bakit nga ba ako umasa?

Bakit nga ba ako naghintay sa kanya?

Bakit nga ba napunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko?

Akala ko ba kapag pinaghirapan mo ang isang bagay, maganda ang kakalabasan? Pero bakit sakit pa rin ang binibigay sa akin?

I gave my whole life waiting and waiting and what do I get? I got heartbroken for nth time.

So much heartache.

"Ah." Sabi ko nung napaupo ako sa may sahig. Ano bang nangyayari?

Napaangat ako at nakita ang matigas na bagay sa harap ko... ang pader.

Paliko na pala ako pero di ko man lang napansin ang pader dito. Lutang na naman ako ngayon.

Buti na lang at wala na ang mga estudyante dahil may klase na. Pero kasamaang palad nakita ko si Aldrin at Luke.

Di nila ako pinansin o tinulungan.

Nakakalito no? Well, let's face it. Change is the only permanent in thw world.

Mas mabuti na ang ganito kaysa naman maging komplikado lalo ang buhay ko.

Nakakapagod na.

After namin pumunta ni Aldrin sa may dalampasigan at isigaw ang lahat ng hinanakit sa buhay ko, napagod ako.

Nakaramdam din ako sa wakas ng pagod... pagod dahil sa ginawa ko at hindi sa paghihintay kay Lucas.

I'm still waiting for him no matter what!

Tanga na kung tanga, pero di maalis sa akin na mahal ko siya at hinihintay ko pa siya.

Hinihintay ko na lang siguro ang explanation niya sa lahat-lahat.

Paano kung dumating siya? Edi natupad na niya pangako niya. Sabi lang naman niya, babalikan niya ako at hindi niya sinabing mamahalin niya pa ako.

I realized ang pinagkaiba nun.

Unti-unti ko nang tinatanggap na hindi na ako mahal ni Lucas at may mahal na siyang iba.

Pero sobrang sakit lang talaga.

Nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Maybe I should do what is best for everyone.

"Get some rest, I know you're tired. I'll fetch you tomorrow." Niyakap ako ni Aldrin. I hug him back 'cause this is for the last time.

Then, tears fell down in my eyes.

"You're crying again..." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nakita ko na naman ang nasasaktan niyang mga mata.

"I guess this is the end for us." Diretsong sabi ko sa kanya at kita ko ang pagkalito niya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"I'm hurt, you're hurt and I don't want you to be hurt again. Mas mabuting bumalik na tayo sa dati."

"Bumalik sa dati? Cam, ayoko! Kailangan mo ako. Please don't do this?"

I sighed.

Mas mabuti siguro na bumalik na kami sa dati.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon