Chapter 21

282 3 0
                                    

Chapter 21

She who reigns before


CAM SOLA

It's really a bad thing kung magiging Lois ako but natatakot ako na baka bigla niya akong lapitan. Ayokong may makaalam ng sikreto ko. Malaking pagtataka yun sa mga estudyante kung bigla niya akong lalapitan.

Iisipin nila na 'bakit ako nilalapitan ng isang prinsesa'? Tanging si Lois Ender lang ang tanging kaibigan at nilalapitan niya. And it's really hard for me to trust now because of her. Malaking pagkakamali na sinabi ko sa kanya ang ginagawa ko ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Di ko alam kung saan ako pupunta. Kanina pa ako sa mini forest palakad-lakad. Di naman ako maliligaw dito kasi maraming signs pero sa puntong 'to, feeling ko naliligaw ako.

Nandito kami sa bahay ni Princess na mas malaki pa sa mansyon o sa palasyo. Ewan ko ba kung bakit ganito kayaman ang pamilya niya pero mas mayaman pa rin sa kanila sila Lucas.

Siguro materialistic ang pamilyang 'to.

Nandito ako for a school project. Kahit na nag-e excel kamingdalawa sa school, di pa rin kami konokonsidera na special student kasi ang gusto namin is normal student.

Nasa grade 12 na kaming dalawa. And as her best friend, isang honor yun kasi ako ang napili niya.

We're best friends since grade 6 and here we are today, getting strong.

"Lois, nasaan na yung gagawin natin?" biglang sumulpot sa harapan ko si Princess. She always do that but it's cute.

"Eto oh." Binigay ko sa kanya ang isang papel na may nakalagay na mga gagawin for school next week.

"Sisiw lang 'to!" tumakbo siya palabas para i-inform ang parents niya para sa mga kakailanganing bilhin. Kahit na busy ang parents niya, may time pa rin sila dito na ikinaiinggit ko but because of her, di na ako nag-iisa. She's like a sister to me.

Bukod sa kami ang tinatawag nilang 'special students', kami rin ang kinakakatakutan ng lahat. Di ko rin lama kung bakit sila takot pero every time na may kakausapin kami, nakatungo which is bastos pero palaging ganun ang mga estudyante sa amin.

We bully some but not that bad. Siguro mga batok lang or hila ng buhok. Di kami war freak na OA sa pakikipag-away.

But everything changed when she overused her power.

Palagi na siyang mataray.

Palaging nakasigaw.

Bihira na maging masayahin.

Palaging inuutos sa iba ang mga gagawin niya.

Palaging nambu-bully ng estudyante kahit wala naman silang ginagawa.

At worse sa lahat, nakakasakit na siya ng tao. Yung tipong madadala ka ng clinic or sa hospital kung malala.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain ako habang siya naman at may sinusubsob na estudyante sa pagkain nito. ALam kong mali yung ginagawa niya pero hindi ko kayang makialam. Mas mahalaga ang friendship namin.

Pero malakas ang tulak ng konsensiya ko. Di ko lang magawa kung paano siya pipigilan.

"ANO?! MASARAP BA?!" rinig ko ang sigaw niya sa babaeng iyak na ng iyak na puro sauce ang mukha.

"T-tama n-na po..." iyak na sambit nung babae. Nakakaawa talags siya.

"Okay if you say so." Binitawan na niya ang buhok nung babae at nung tumalikod na siya akala ko aalis na siya pero nagulat ako nung bigla siyang humarap at sinuntok sa mukha ang babae. Napahiga ang babae at nauntog sa may table.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon