Chapter 44

190 3 0
                                    

Chapter 44

Unexpected stranger


CAM SOLA

Maaga ako nagising para ipagluto si kuya. Alam mo na... masyadong dinala ng kalasingan at kakaiyak kagabi.

At partida, puyat na puyat ako. Kada kasi pipikit ako, kung hindi hagulgol... puro pagdadabog naririnig ko sa kabila.

Ganyan ba talaga masaktan mga lalaki?

Saktong paglapag ko nung fried rice, umupo ang isang lalaking akala mo naglaro sa basurahan dahil sa sobrang dungis niya.

Nung kukunin na niya yung hotdog, pinalo ko kamay niya.

"What the?!" Tumingin siya sa akin ng masama. Aba! Ikaw pa may ganang magalit.

"Hoy lalaki! Kailan ka pa natutong kumain na ganyan itsura mo?"

"Ngayon lang. Pwede pakainin mo na ako?"

"Hindi pwede. Mag-ayos ka muna bago kumain. No buts!" Pangunguna ko. Di naman siya lumaban at nag-pout lang.

Pagkatapos namin kumain, naglinis kami ng bahay. Sobrang nahirapan ako sa kwarto niy dahil sobrang daming bote ng alak at karamihan dun mga basag.

Then, dumaan kami sa palengke para mamimili ng mga pagkain para mamayang gabi. Dapat buong isang buwan na para tipid kaso si kuya ang batas kaya walang laban.

Buong araw lang kaming nagkwentuhan about sa mga bagay-bagay lalo na ang usapang pilit ko nang iniiwasan.

"So nasaan na si Lucas?" Nasaan nga ba talaga siya? Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya eh.

"I really don't know..."

"Do you still love him?" A-ano daw? ano bang pinagsasabi niya?

Simula nung malaman kong may iba nang mahal si Lucas, nawala na ang pag-asa ko sa kanya para mahalin ko pa siya.

Pero umaasa pa ako na balang araw na bibigyan niya ako ng explanation sa mga bagay-bagay na tungkol sa amin.

Do I still love him? Yes. I hate to say the truth but it's the truth, I still love that damn guy.

Di naman ganun kadali na hindi mo na mahalin ang isang tao lalo na ilang taon ko siya minahal at hinintay.

Di madali ang lahat.

"Just forget it. I think I know the answer." Natauhan ako sa sinabi sa akin ni kuya. Oo nga pala, masyado akong nadala ng iniisip ko.

"Kuya, di ganun kadali makalimot. Kahit anong gawin kong kalimot, mahal ko pa rin siya."

Bakit

"You can't forget anyone. Mas mabuting gawin mo, mahalin mo siya sa ibang paraan. Ilaan mo naman yan sa iba, yung kaya kang mahalin at sasaya ka."

"Madaling mahalin ang isang tao pero mahirap maging masaya sa isang tao."

"Hahaha! Paran balon ang hugot ko uh. Tama ka nga, mahirap maging masaya. Magkapatid nga tayo, parehong sawi."

"Kuya, di ganun yun. Siguro dumating lang sila para bigyan tayo ng lesson. Siguro may mas magandang plano pa sa atin si God."

"Siguro nga. At tsaka distraction lang yan, dapat maging masaya lang tayo sa ibang bagay. Haha! Tara?"

"Saan naman?"

"Gala tayo." Excited na sabi niya sa akin. Kahit kailan talaga, mahilig gumala 'tong isang 'to.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon