Chapter 11

361 6 0
                                    

Chapter 11

Disaster Date


LOIS ENDER

Saturday morning.

Nakakainis naman yung lalaking yun! Ang aga-aga nambubulabog ng bahay. Di niya ba alam na kailangan ko ng rest? Hindi na kailangan ng beauty rest kasi may beauty na ako kaya rest na lang. Ikaw rest ka lang kasi wala kang beauty.

Nung una nakasimangot ako pero nung banggitin ng best friend ko na mamayang hapon na ang alis ng parents ko, naging jolly ako! At last, masosolo ko na ulit ang aking mansion.

Knock knock.

"Wala na bang ibabagal yan? Ikaw na lang hinihintay oh?"

Si Aldrin yun at halatang excited siyang makasabay ang parents ko kumain ng umagahan. Anong nakaka-excite kumain ng umaga kapag sila kasabay mo? Nakakawalang gana lang lalo kumain eh.

"Sandali nga. Masyado kang atat. Baka nakakalimutan mo, acting lang 'to."

"Yeah, I know kahit masakit para sa akin yun pero ayokong pinaghihintay ang pagkain."

Oo nga pala, masamang pinaghihintay ang pagkain.

Lumabas na kaagad ako ng kwarto at tumambad sa akin ang gwapo kong best friend. By the looks of him, napangiti niya kaagad ako which is kakaiba. Yung mga ngiti niya, hindi na pang-aso... parang pangtao na.

"Are you done staring at me?"

"In your dreams..." inirapan ko na lang siya. Delikado na kapag nalaman niyang titig ako sa itsura niya ngayon baka lalong matuwa at isipin na may pag-asa na siya sa akin.

Kay Lucas Robert Uy lang ako no.

My one and only Lucas Robert Uy.

Pagkatapos ng mahabang umagahan namin, dumiretso kami ni Aldrin sa may garden namin para magpalamig. Sino ba naman ang makakatagal sa kanila? Miski isang minuto nga, di ako makatagal sa kanila pero halos mamatay na ako sa sobrang tagal namin mag-almusal... inabot ba naman kami ng magtatanghali na.

Lesteng buhay nga naman oh! Pero I'm still looking on the bright side, aalis na sila kaya tiis lang.

Tiis na lang kasi di ko na kailangan magtiis ganda kasi may ganda na ako. Ikaw, patuloy kang mangangarap kasi tiss ka lang at hindi kailanman magkakaroon ng ganda. Itatak ninyo yan!

"Mabait naman pala parents mo..." out of the blue biglang nagsalita si Aldrin sa tabi ko. Ano? Nakakabingi yung sinasabi niya.

"Di ko akalain na nauto ka rin nila. Galing nila umacting no?" di ko alam pero parang na-disappoint ako kasi nauto nila si Aldrin sa kabila ng pagiging matalino niya.

"Alam ko naman na yan ang sasabihin mo pero mabait talaga sila." Di mo ako makukumbinsi. Mas kilala ko sila kaya wala kang alam sa kung ano talaga tumatakbo sa isip nila.

"We have our own opinions ika nga pero di mo maalis sa akin na masama silang tao."

"I know but is it really worth it kung hanggang sa pagtanda mo, dadalhin mo yang galit mo na yan sa kanila?"

"Wala kang alam at kailanman hindi mo maiintindihan ang sitwasyon ko."

"Edi ipaintindi mo. Matalino ako kaya alam ko kung ano ang tama at mali. I told you before, pareho tayo ng parents na subsob sa trabaho but they are doing it for the sake of us."

"Aldrin, naiintindihan ko naman na para sa akin yun pero may isa pang bagay na hindi mo kailanman maiintindihan. Anyway, past is past but my anger towards them will never change."

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon