Chapter 7

499 7 0
                                    

Chapter 7

Cryptic


CAM SOLA

Days had passed and naka-move on na ako sa ginawa sa akin ni Luke nung isang araw. Well, he's not the typical guy na dapat inaalala pa. Napakamanyak niya at the same time, sobrang hangin.

Palagi ko siyang nakikita kahit saan man ako pumunta. Kung isa akong simple girl na patay na patay sa mga prince charming, love life, destiny, soul mates na yan... mapagkakamalan ko siyang stalker ko. Di bagay ang salitang admirer sa kanya sa sobrang maniac niya ba naman.

Ayan naman ang gusto ng mga modern girls ngayon, ang ma-maniac ng isang gwapong katulad niya. Inaamin ko na po, gwapo siya pero hindi naman palaging doon ang basehan, it's his attitudes. And base sa percentage, for sure negative ang abot niya or syntax error.

Bakit ko pa nga ba siya pinoproblema? Hinding-hindi ko magugustuhan ang isang tulad niya. Kadiri lang kaya!

Nandito kami sa ilalim ng puno ni Aldrin, nagla-lunch. Di ako makakain talaga ng maayos kasi sobrang daldal niya kahit na may lamang pagkain sa bibig. He never stops mentioning his boring life kahit masaya para sa kanya.

"Di mo ba alam na kinasuhan ako ni Sam Gonzales kasi binuntis ko daw siya. Kapal ng face niya tapos yung tinatago niya pa lang boyfriend yung nakabuntis sa kanya. What a shame, sa akin napunta ang kahihiyan." Pagkukwento niya. Sabagay, sa pogi ba naman niya, lahat siguro ng babaeng mabubuntis siya ang ituturong ama.

"And so what? Di ba gusto mo ng attention, get used to it. Ginusto mo yan."

"It's not that, gusto ko ng attention pero hindi pati buhay ko dinadamay." Oo na. Ikaw na madrama. Bagay na bagay talaga sayo mag-artista.

"Whatever... di ka pa ba tapos?" hinarap ko siya kasi kanina pa ako tapos kumain samantalang siya, wala pa sa kalahati. Masyado niya yatang sinusulit ang moment.

"Wait lang, masyado pang maaga oh." Angal niya sabay subo ng kanin.

"Di porket gusto mo ako at best friend mo ako, magte-take advantage ka na sa akin! Kapal mo! Di kita type." Tumayo ako para maglakad-lakad habang hinayaan ko siyang kumain.

"Di take advantage yun, opportunity yun at para sabihin ko sayo, di kita gusto..." napatingin ako sa kanya. Ano bang trip niya? Pabago-bago siya ng nararamdaman sa akin. Napansin niya sigurong nakakunot ang noo ko.

"kasi mahal kita..." dagdag pa niya.

"ALDRIN HEUSSO!!!!" sigaw ko sa kanya at tawa lang siya ng tawa. Lakas talaga mantrip nito.

Oo, mahal niya ako. Umamin na talaga siya sa akin. Di naman sa kinaibigan niya ako para mapalapit siya sa akin, kaibigan lang talaga nung una pero nung tumagal, mahal na daw niya ako. Ang pagkakaalam ko, kapag lumagpas ng 6 months ang paghanga mo sa isang tao tsaka mo lang masasabi na mahal mo siya.

And base naman sa akin, 10 years is long enough to say na mahal ko nga ang kababata kong si Lucas...

Pero sa panahon ngayon, wala akong oras para magmahal. Wala akong oras para hanapin si Lucas kasi naniniwala ako na magkikita kami balang araw. Kahit ganito ako, naniniwala pa rin ako sa salitang tadhana.

Tadhana lang naman makakapagsabi kung para talaga kayo sa isa't isa.

Mali pala, si Lord lang naman ang makakapag-decide what will happen to my future, ako lang ang gumagawa at kumikilos ng ipagagawa niya.

"Wag na tampo, best friend. Sorry na. Please?" habang nagmumuni-muni ako dito bigla na lang nangyayakap itong lalaking 'to sa likod ko. Agad naman akong kumalas baka mamaya may makakita sa amin eh. Chismis na naman 'to.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon