Chapter 13
Demon Inside
LOIS ENDER
Kasama ko ngayon ang mga group of friends ko. Nandito kami sa school para sa pag-aayos ng mga booths para sa foundation week namin next week. Actually 3 days lang naman siya pero bakit foundation week?
Di kami tumutulong sa paggawa, naglalakad lang kami kung may progress na ang mga ginagawa nila. Di naman kami officers ng student council para gawin 'to, utos kasi 'to ng magaling kong tito.
"So girls, cutting tayo?" sabi ni Sadie habang tinitirintas yung hair niya.
"Mag-isa ka." Sabi ni Halle habang nagbabasa ng libro. Bookworm.
"KJ mo uh! Di naman mawawala ang slot mo as valedictorian, walang nagbabalak kumalaban sayo."
"Sadie, wag mo na nga pilitin ang ayaw." Sabi ko. Alam kasi nila kapag nagsalita na ako tsaka lang sila titigil.
Naglakad na kami ulit sa open fields kung saan may mga estudyante na nagpupukpok ng mga kahoy para makapagtayo ng stands. Ang hirap naman ng trabaho ng mga scholar.
May mga nakakabit sa kanilang mga bracelet na nagpapatunay na isa silang scholar dito sa school. May ganyan din ako pero di ko sinusuot. Nakakatamad at ang pangit kaya ng itsura.
"Lois, look oh!!!" sigaw ni Bobbi sa akin habang tinuturo ang mga basketball team na palapit sa mga nagtatayo ng stands. Siguro tutulong sila.
Nakita kong nakatingin sa akin si Luke habang nakakunot ang noo. Problema mo? Nagagandahan na naman sa akin 'to for sure. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-smirk.
Umiwas na siya ng tingin at kinausap si Arjo. Maya-maya, nakita ko siyang tumingin sa akin at tumakbo papalapit sa akin. Ano na naman bang problema nito?
"Hi Lois." Bati niya.
Tinasaan ko lang siya ng kilay. Ano kayang pakana na naman nito?
"OMG! You're the guy sa bar." Sabi ni Abril habang hinihila si Bobbi sa tabi ko. Lumapit naman sina Halle at Sadie.
"So, anong status niyo?" pagtatanong ni Bobbi kay Luke.
"Dating..." maikling sagot ni Luke. Halatang ayaw niya sa mga kaibigan ko.
Sino ba naman kasi ang matutuwa kung lahat kami halos suot na lang panty sa sobrang iksi ng shorts namin? Naka-high heels pa kami at naka-sleeveless tops. Sexy kami kung tingnan pero sa mata ng iba, mukha kaming pokpok. Pukpukin ko sila ng martilyo eh.
"Give them privacy..." biglang sabi ni Halle kasi alam niya na hindi komportable si Luke na nakapalibot sila dito. At anong privacy? Please, wag niyo akong iwan dito. Pepektusan ko kayo.
"Okay then, we'll be hanging at the pond muna. Bye baby Lois!" sabi ni Abril while flipping her hair.
Tinasaan ko sila ng kilay kasi iiwan nila ako sa mokong na 'to pero hindi man lang ako pinansin. Nag-smirk lang sila at tumalikod na sa akin.
I'll swear, humanda sila sa akin mamaya.
"So, are you free?"
"No."
"I see... so tulong na lang tayo sa kanila?" tinuro niya yung isang stand kung saan hirap na hirap yung dalawang babae sa pag-aayos nun. Yung dalawa kasi nilang kasamang lalaki may kasamang babae at nakikipaglandian. Di man lang nahiya.
"Sorry, I'm monitoring them. I can't help."
"Ah. Samahan na lang kita?"
"Ikaw bahala."
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...