Chapter 18
Stranger's Kiss
CAM SOLA
Ang daming tao sa school.
Ano bang nangyayari?
May extension ba ang foundation week? Wag naman sana.
Baka may artista? Tsss. Di na bago yun.
Naglalakad ako sa hallway at pansin ko pa rin ang pag-iwas ng mga tao sa akin. Hanggang ngayon ba ako pa rin ang sinisisi nila sa nangyari kay Cal kahit ako naman talaga? Di ba sila maka-move on?
Nung makarating ako sa cafeteria, nagulat ako nung makita ko si Aldrin na kasama ang basketball team at nagtatawanan sila nila Luke with matching akbay pa. Tsss. Gay shits.
Lalabas na sana ako nung may humatak ng kamay ko. Napalingon ako kay Luke na nakangiti sa akin. What's with him?
"Come and sit with us." Pagyaya niya. Napansin ko naman na kumakaway si Aldrin sa akin at pinapapunta ako sa pwesto nila.
Di na ako sumagot kay Luke at naglakad na palapit kela Aldrin. Umalis yung isang katabi niya at doon ako pinaupo. Walang nagbago kay Seth, gentleman pa rin kaso naloko na ni Lois eh.
Inabutan ako ni Aldrin ng isang slice ng lasagna. Nagningning ang mga mata pero naka-ice mode pa rin ako.
"Di ko alam na favorite mo pala yan." Sabi ni Luke sa akin. Lumingon lang ako sa kanya at bumalik na sa paglantak sa pagkain ko.
"So you're the heiress of Sola..." pag-uusisa nung isang lalaki. Di ako nagkakamali, si Randell 'to.
"Huh?" painosente kong tanong. Di dapat nila malaman no.
"Ikaw daw kasi yung anak ng mga Sola."
"So, sino si Lucas para sayo?"
Sunod-sunod ang mga tanong ni Randell sa akin. May araw din 'to sa akin. Lakas ng loob na kausapin ako, close ba kami?
"Wag mo na isipin yun. Baliw lang yan si Randell. So kamusta ka?" natigil ako sa pagkain ng lasagna. So, interrogation ang kapalit nitong lasagna na 'to?
Tumayo na ako at umalis sa kanila. Hindi naman ako nakikipag-usap sa mga di ko close, tama na si Aldrin para sa akin. Ayoko nang madagdagan pa ang sakit ng ulo ko.
Dumiretso na lang ako sa room at saktong nadatnan ko si Sir Buendia. Ni-lock ko kaagad ang pinto. 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase so siya na lang muna kakausapin ko.
"What brings you here Ms Sola?" tumingin sa akin si Sir Buendia na may pagtataka sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa malapit na upuan.
"Just an update..." sa kanya din kasi ako nakikibalita sa mga nangyayari sa school. Di ko naman kasi lubutin ang buong school para lang makakuha ng impormasyon.
"Wala naman bago... trending pa rin ang pagiging prime suspect mo."
"Ah I see... tapos?"
"Base sa naririnig ko, may nakakita daw sayo sa ginawa mo kay Cal."
"Mali ba ang ginawa ko?" medyo nagi-guilty kasi ako sa ginawa ko kay Cal. Kahit deserve niya yun, parang may nagtutulak pa rin sa akin na akuhin ko ang kasalanan ko.
Mahirap matulog araw-araw kung may isang bagay ka na tinataguan.
"Oo at hindi... My point is, you just protected yourself form danger but it's really wrong you did terrible from him aside from his trap." Napatingin ako kay Sir Buendia na may pag-alala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Downtime
RomanceCam Sola is an introvert since high school. She is bullied by others because she is accused of pretending being the heiress of Sola Company which she is the one. She hides her true identity to know who is and who not worth of her trust. Despite of b...