CHAPTER 3: DUMB

720 14 1
                                    

Ter's POV

Ilang segundo pa bago ako nakakilos muli. Huminga ako ng malalim baka kasi namamalikmata lamang ako. Lagi ko siyang iniisip buong araw kaya ngayon nagpapakita siya sa akin ngayon o baka naman nananaginip lamang ako.

"Terrence." Natigilan ako at napatingin sa kama ulit.

Nakaupo na siya habang hinahagod ang mga mata niya.

"Camilla... Wait. What are you doing here?!" Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ang ayos niya. "Are you okay? Did something happen?" Hinawakan ko ang mukha niya na parang gusto pang matulog ulit. "Kumain kana? May masakit ba?" Alala kong tanong habang tinitingnan ang katawan niya.

"Yung kaibigan ko. Sabi niya..." Humiga siya ulit at natulog.

"Camilla..." Sabi ko nalang. Kinumutan ko siya.

May kasama ba siyang pumunta rito?

______

Nagising ako nang nakarinig ng katok sa pinto. Idinilat ko ang mata ko at pilit na bumangon.

"You okay?"

Bigla akong nagising at napatingin sa tabi ko. It's Camilla holding a book.

"Camilla..." Oo nga pala. Nandito siya kanina. Tumingin ako sa paligid. "It's still night. Why are you awake?"

"This is the time I usually wake up."

"Then, sleep some more. You're pregnant, pregnant woman should sleep some more."

"W-wait. Really?" Tango ko at humikab. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Umalis ako sa kama at binuksan ang pinto ng cabin. Pumasok naman ang naiinip na si May.

"Bat ang tagal mo? At bat mo sinara ang pinto? Alam mo namang-" natigilan siya nang makita si Camilla sa kama na papahiga na. "What is she doing here?!"

Napapikit ako sa sigaw niya at agad na hinarang ang sarili sa kanya. Susugurin na naman niya kasi si Camilla.

"May, please calm down."

"Ano bang problema ng isang yan?! Kapag nalaman ito ng iba ay magiging isang malaking scandal ito!" Sigaw niya sakin.

"It won't if you stop yelling." Sabi ko naman.

Itinulak niya ako at tinuro si Camilla.

"Ipapakulong kitang babae ka, tandaan mo yan!"

"May-"

"Shut up! Isa ka pa! Sinabi ko na sayo na iba nalang huwag lang ang isang yan! She's just using you for fame! Can't you understand that?!"

Napapikit ako at huminga ng malalim. I need to calm myself before I explode. Umiling ako.

"May, please. Camilla is pregnant and she needs to sleep. It's still 3am in the morning. Let's talk about this later, okay? Come on."

Pilit ko siyang hinila papaalis sa cabin at sinara ang cabin. Masama ang tingin sakin ni May ngunit di naman ako napatinag.

Di ko siya pinansin.

____

Camilla's POV

Umalis ako sa cabin ni Terrence makaraan ang ilang minuto. Dumiretso ako sa cabin ni Ryan at doon nagpatuloy sa pagtulog.

Nagising ako nang makaamoy ng masarap. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Ryan sa kusina.

"Oh? Di ko alam na umuwi ka pala."

"Tumaas ang dugo sakin ng manager ni Terrence. Sinigawan ako."

Imbes na maawa ay malakas siyang tumawa.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon