CHAPTER 28: TO SPAIN

405 10 5
                                    


May's POV

Hindi ako makagalaw, hindi ako makapag-isip, hindi ako makareact. Nanatili akong nakaupo sa kama habang nakatanga sa pinto ng kwarto ng babaeng katabi ko.

In-shock parin ako hanggang ngayon na parang bang di pa pumapasok sa akin ang nangyari kagabi.

"Mmm..."

Napasinghap ako at nanatiling di kumikilos nang maramdaman ko ang braso ni Faith na yumakap sa tiyan ko.

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at di na mapigilan ang sigaw at pandidiri nang makita ang hubad niyang katawan.

"NOOOOOO!" Sigaw ko at agad na tumayo para tumakbo papunta sa banyo.

Naglock ako ng pinto at dahan dahan umatras dito. Parang sa isang iglap ay may halimaw na bubuksan yan at pwersahan akong pasukin rito sa banyo.

Dahan dahan akong napatingin sa salamin na nasa gilid at biglang napaiyak nang makita ang mukha ko.

"No..."

Hubot-hubat pako ngayon at bakas sa katawan ko ang nangyari kagabi. Bigla akong naduwal nang maalala ang nangyari kagabi.

Habang nilalabas ko ang kinain kagabi ay nakarinig naman ako ng katok sa pinto.

"Marcs, I'm going to pee. Open the door."

"No! I rather die!" Sabi ko pa habang umiiyak.

"Napaka OA mo talaga. Naiihi na talaga ako."

Naawa naman ako dahil ramdam ko sa boses niya na nagpipigil nga siya.

Binuksan ko ang pinto. Pumasok naman siya at dumiretso sa anidoro. Sinundan ko lang siya ng tingin sa salamin. Wala rin siyang suot ngayon. Di man lang mahiya.

Isang linggo na ang nakakalipas nang nagsakripisyo ako at nagdesisyon na tanggapin ang alok ni Faith. Ngayon lang nangyari ang gusto niyang mangyari sa amin.

"Good morning." Natigilan ako dahil nasa tabi ko na siya at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"No!" Bahagya ko siyang tinulak at umatras. Di makapaniwala ko siyang tiningnan.

Nirolyo naman niya ang mata. "It's not like it's your first time. I could feel that. I'm still sore." Sabi niya at humarap sa salamin. "You're pretty good, you know." At naghilamos siya.

I know that.

Top kaya ako, di lang halata dahil nagbibihis babae ako.

"Ayos na diba? Natapos na naman. Yung promise mo, wag mo kalimutan!" Sabi ko sa kanya habang nagpapahid siya ng beauty products sa mukha.

"Yes. I'll keep my mouth shut."

"Ano pa bang alam mo, ha?"

Natigilan naman siya sa ginagawa at tiningnan ako sa salamin.

"Well... Terrence got someone pregnant and her name is Camilla. That's all."

"Then, bat ako?" Tanong ko. "Di kaba nandidiri? Bakla kaya ako. Tigang kana ba kaya no choice ka?"

Tumigil naman siya sa ginagawa at masama akong tiningnan.

"Sorry." Nahihiya kong sabi at nag iwas ng tingin.

"Because I know you can keep a secret. Artista ako, kaylangan kong pangalagaan ang image ko at lang rin ako. May pangangailangan."

Tumango naman ako. Naiintindihan ko naman siya. Sa sitwasyon din ni Terrence na halos di siya makagalaw dahil konting kembot lang may masasabi agad ang mga tao.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon